AGREE OR DISAGREE: Pananamit ng sexy...
In your opinion, may kinalaman nga ba ang pananamit ng isang babae para ma-rape o mabastos siya?


I chose to be anonymous na lang, kesa makita nyo real name ko. Actually very active ako dito sa ating mga question and answer, polls, comments . Kaya makikilala nyo agad ako . Ayaw ko kasi ng kinakaawaan ako ng tao, ayaw ko umagaw ng sympathy and empathy sa tao . Hindi ako naniniwala na may kinalaman ang pananamit ng babae para ma rape sya, actually at age of 7 ko, na rape ako ng sarili kong tiyo hanggang sa nag 12 years old. Hindi alam ng parents ko since nag start akong molestyahin ng tiyo ko kakamatay lang ng tatay ko. Ang nanay ko naman busy sa trabaho . Tumigil naman ang tiyo ko nung nagsimula na akong nagkaregla . Hanggang sa umabot ako ng 18 years old, ginalaw ako ng kapatid ng ex boyfriend ko. Sa bahay pa mismo ng boyfriend ko . That time kasi may birthdayan sa kanila . Lasing na lasing ang boyfriend ko at ako to the point na pareho na kaming tulog. Bigla ako angising kasi nagsisisgawan na sa labas . Nakita ko na lang nag bubugbugan na yung magkapatid . Sinabihan ako ng mama ng ex boyfriend ko na kunwari pa daw ako ,gustong gusto ko naman daw . I.dont have any idea na ganon pala ginawa nya. Binuhat pala nya ako paalis ng higaan namin ng ex boyfriend ko . Habang ginagawa nya kababuyan nya, nahuli sya ng kapatid nya . Just imagine how miserable I am nung mga panahon na yan. Dont worry , nabigyan na naman ng hustisya ang kababuyan nila sa akin. Gumanti din si karma . Alam ng kapatid kong panganay ang nangyari sa akin pero hindi ng pamilya ko. I tried to tell once pero tinakot ako ng tiyo ko . Kaya mas pinili na lang namin ng kapatid ko na itago. Kesa maoahamak kaming magkakapatid. Nasa abroad kasi nanay namin. Sa ngayon masaya akp sa piling ng aking asawa na tinanggap ako ng buong buo kahit na ganto nangyari sa akin. Until now, hindi padin alam ng parents ko maliban sa kapatid kong babae . Ibinaon na lang namin sa limot kasi hindi man nakaganti ang batas sa mga hayop na yon, karma naman ang tumitira sa kanila ngayon .
Magbasa pa



Dreaming of becoming a parent