Guilty Mom 😭

I'm a work at home working mom, morning shift. Husband ko is evening, so after ng shift niya ng morning tulog siya then ako naman working. So pag nagigising anak ko, I don't have a choice kundi hayaan ko siyang mag phone until after ng shift ko or pag wala na ko busy sa work ko. 3hrs siya sa morning nag seselpon then pag nagluluto naman ako ng lunch, hinahayaan ko siyang manood ng tv. So ngaun, lagi nagbblink yung eyes ng anak ko, hindi na normal. Ewan ko ba kung sa selpon yun or sa init ng panahon. Ano pong gagawin ko? 😭

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Baka pwede magawan ng paraan na may magbantay kay baby. I’m pretty sure na alam nyo naman po siguro na masama ang sobrang paggamit ng gadgets and exposure sa TV kay baby. What I can suggest, bilan nyo sya ng play pen, pati mga toys na educational instead na TV or gadgets ang pang alis ng boredom nya. Try to limit the exposure na lang siguro kung di talga kaya. Then sa issue with excessive blinking, ipacheck nyo po sa pedia muna para maassess then marefer kayo sa optha. Kawawa baby if too young pa lang nagsasalamin na.

Magbasa pa
2y ago

Yun din yung worry ko, momsh. Yung bata pa lang naka salamin na. Na lessen ko na yung screen time niya. Nagmatigas na din na no cellphone or tablet pagkagising.