............

I'm physically and emotionally tired, I'm 7mos preggy now, and my lip cheated on me. Grabe na yung sakit na tinitiis ko,hindi ko makuhang makipag hiwalay kasi buntis pa ako, sya lang maasahan ko for now kasi pinag resign nya din ako sa work ko before nung malaman nyang buntis ako, simula 2weeks nalaman kong buntis ako nung araw nayun mismo nahuli kudin sya imbis na ako yung may surprise ako yung na surprise, nung una okay kami pero habang natagal nararamdaman ko may nagbabago ang laki ng nagbago, Gusto ko ng i restart buong pagkatao ko, gusto ko ng makalimot gusto kong mag pahinga sa lahat ng sakit, hindi na sya nauwi dito sa bahay mas pinili nya yung babae nya🙃 ngayon bigay bigay nalang sya pamg check up at pang gastos, ang sakit lang pag tapos namin planuhin si baby for 1year tapos kung keylan ako nabuntis tsaka nya kami iiwan🙃 araw araw nalang akong balisa, ayaw ng kausap ilang days nadin ako hindi nakaka kain ng kanin kung ano lang makita kong kainin ayun nalang, napaka unhealthy, sorry nalang ako ng sorry kay baby kasi nadadamay sya, araw araw nalang ako napunta sa mall nag gagala nag unwind, nagastos ginagawa ko para maka ganti manlang sa kanya yung binibigay nya saking 10k every 15th of the month inuubos ko talaga in just 1week, tapos kapag wala na hihingi nanaman ako sa kanya, kinausap ko sya before na hindi ko kaylangan mg pera nya gusto ko sya, gusto kong kasama sya, gusto ko makita nya ko habang nagbubuntis ni hindi nya manlang nga ako naalagaan hahaha alam nyo yun buntis lalo na nung first trimester grabe hirap ko, kaya ayun sabe ko sa kanya kung hindi nya mabibigay oras nya sakin ibigay nya lahat ng gusto ko, don't get me wrong mommies may ipon naman ako, gastos Lang ako ng gastos kahit hindi kaylangan binibili ko, bibili din ako ng madaming pagkain tapos papamigay ko lang sa mga tao sa bahay, feeling ko dun nababawasan ang stress ko, tapos kapag magbbigay nasya ulit sa katapusan ng 10k nag tatalo na kami, kesyo ganto daw ako ganyan, hindi nya lang maintindihan na kaya ko ginagawang mag gala araw araw para makalimot kahit saglit, para pag uwi ko ng gabi iyak nalang onti tas tulog na, ako pa inaaway nung babae nya hahaha diba? May mga ganun pala talagang tao, tapos kapag pumatol ako yung babae pa nya kakampihan nya hahaha! Mahal na mahal😅 hinhintay ko nalang lumabas si baby after that makikipag hiwalay nako, balak ko din hindi ipakita yung anak nya kahit sa mga kamag anak nya, tama ba magiging desisyon ko? Gusto ko lang mag labas ng sama ng loob mga mommy kasi kapag naipon nanaman to sasabog nanaman ako kung ano ano nanaman magagawa at masasabi ko sa kanya. Ang bigat bigat na feeling ko wala ng kwenta yung buhay ko ng dahil sa kanya, #advicepls

35 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pakatatag ka, Momsh❤ Alam ko kung gaano ka sakit yang pinagdadaanan mo. Sa akin nuon, di pa naman ako buntis, yung BF ko kasi nakabuntis kahit nagsasama na kami sa iisang bubong. Di ko naman kasi alam na nilalandi pa pala siya ng ex niyang bruha. Nagtatrabaho pa kasi ako noon sa malayo at minsan lang kami nagsasama. So ayun! nabuntis yung Gaga HAHA! Ansaklap kasi bakit ganun, bakit nangyari yun? Mahal na mahal na mahal ko talaga yung BF ko. Parang sa kanya na umikot mundo ko. Sobrang gwapo kasi niya, attractive, tall, moreno, pati nga matatanda nahuhumaling. Nakakabwiset talaga HAHA! Kaya ayun! Kapal ng muka ng girl, sabi pa niya sakin tanggapin ko na daw na mapupunta na sa kanya ang BF ko. Kasi patay na patay kasi yung bruha, mag fo 4 years na kasi sila nun tapos naghiwalay, nakilala ako. Grabe, inaaway talaga ako ng babae, tawag ng tawag sa BF ko kasi wala na daw makain. Nagtatrabaho ako noon, di ko maintindihan nararamdaman ko, sobrang depressed. Ganun pala pag depressed ang isang tao, di makakain, di makatulog, tumutulo nalang bigka yung luha, di man lang ma drawing yung mukha. Alam mo, alam ko naman na mahal ako ng BF ko eh. Kaya pinaglaban ko siya. Iyak ng iyak naman BF ko kasi ayaw niya akong mawala. Sobrang kupal talaga nung babae. One time, na Hospital siya, tinawagan niya BF ko, yun pala nakunan siya. Talagang pinuntahan ko sa Hospital at doon ko siya minura. Kasi naman ayaw niya pauwiin BF ko eh, kinukuha pa niya yung cellphone. Di naman talaga ako warfreak, mahinahon akong tao, may mataas na pinag-aralan. Yung time na yun talaga, di ko nga inexpect na mangyayari yun. Di ko akalain na kaya ko palang gawin yun para sa taong mahal ko. Yun nga, nakunan, di ko alam anong mararamdaman ko. May dark side talaga sakin nun, parang natuwa ako kasi parang karma sa kanya. Parang natuwa din yung BF ko. Ayaw ko naman mg madamay sana yung bata pero dahil sa galit ko sa Bruha eh. Simula noon, di narin kami gigambala ng bruha kasi alam niyang ako yung mahal at ako ang pinili. Alam mo, kaya mo talagang tanggapin lahat at magpatawad para sa taong mahal mo :) Ngayon, may 4months Baby na kami na sobrang ganda. Di ko narin pipapa ulit-ulit yung nangyari kasi nga tanggap ko na. Masayang masaya na kami ngayon. Nag aaway man kami pero once in a blue moon lang. Napaka swerte ko sa kanila. Buti nga pinaglaban ko siya :) Alam kong di na niya uulitin yun. Kasi alam kong may paninindigan din sya at mahal niya kami ng anak niya. Fight lang Sis ❤❤❤

Magbasa pa

I know how you feel momsh. Pero stay strong para sa inyong dalawa ni baby mo.. Alam ko kaya mo nagagawa yun to cope with the sadness and depression that you're feeling pero advice ko lang momshy since hindi ka naman pinapabayaan sa support nung guy.. Ipunin mo lahat ng binibigay nya wag ka masyadong waldas sa pera, para incase na you want to start a new life may magagamit kayo ni baby, ang pera nauubos yan, hindi mo masasabi kung may emergency instances na mangyayari kaya dapat be wise.. Hindi naman masama gumastos pero sabi mo nga 10k in a week? That's too much momsh.. Mas masarap mag start all over kung kaya mo na tlga kaya hnggat tuluyan pa sya nagbibigay ng support ipunin mo na or start a business, para kahit ma brainwash pa sya ni kabet nya atleast may ipon kayo ni baby at settle ka na din.. Hindi ko magets bakit may mga lalaking after makabuntis ng iiwan sa ere, panay pangako na laging napapako... Pero since ikaw lang ang kakapitan ng baby mo, I Hope you find peace and positivity in your life momshy 💕🙏 praying for you and your baby.. I'm 37th weeks and 6 days pregnant pero si BF ko hindi ko nirerestrict sa trabaho nya kahit na alam ko anytime pwede ako manganak. Sa totoo lang nakakatampo tlga kasi kung kelan kailangan ko sya wla sya sa tabi ko kapag may iniinda ako sa katawan sa mother ko nlng ako nagsasabi.. Hindi pa kasi kami kasal planning plang nexy year, nakapagpatayo na din sya ng bahay namin at may work at business naman sya.. Ako kapag nakakaramdam ako ng lungkot dahil hindi kami magkasama sa 9mos na pagbubuntis ko mas inisip ko nalng na maging positive para sa baby ko.. Tska nililibang ko sarili ko sa business ko. Yes, magkaiba kami ng business kasi ayoko din isipin nya na pabigat ako sa kanya though hindi naman nya ko inoobliga pero iba parin yung may sarili ka tlga pera

Magbasa pa
4y ago

Take this advice po. No need maging waldas sa pera lalo na ngayon na buntis ka po. Be frugal and think about the welfare of your unborn child. Saka baka mas lalong mawawalan ng gana ang partner mo dahil nakikita nya na waldas ka sa perang pinagtrabahuan naman nya. Buti nga at nagbibigay pa rin sa yo kahit na may iba na siya.

VIP Member

Mommy, hindi ko po lubusang naintindihan but I know ang hirap na parang ang bigat bigat sa pakiramdam but you have to carry on and think positively kasi baka maapektuhan si baby sa ganyan😢 ang hirap po ng situation nyo, you can't decide naman po na hindi ipakita si baby sa dad nya kasi may financial support din po, kaya mo po yan mommy! Ako sayo mommy, instead of spending money lang talaga, why don't you start a business! Magpayaman ka po kahit may savings po kayo, try to do something productive para hindi po kayo gaanong ma stress sa situation nyo. Although loyal po at faithful si hubby at work lang talaga inaatupag, I can't help but get jealous kasi sa coworkers nya before but right now, hmmm, hindi na nga po ako nag seselos. I just do what I want. I'm thinking about my business and developing new hobbies. Then sya naman yung nag woworry kasi baka daw may iba na ako kasi I changed alot eh. I became happier doing my own stuff and business 😊 kaya mommy, tatagan mo and do what makes you happy. Life goes on!

Magbasa pa

hi p0 ... same tau SA point na nambabae si bf nun buntis aq, pkatatag k LNG isipin m0 muna ung baby mo ! gnito nmn set up nmn hndi kmi ngsama nun buntis aq NASA Pasong Tamo Siya aq nmn NASA uy0 confident aq KC mgbibigay Siya pera twing my check up aq , ISA pa Meron dn aq ip0n kunti same company kmi at mtagal kmi nging mg bf/gf bago aq nbuntis. Maselan aqng mgbuntis during that time hndi k tlg Kaya lagi k sinusuka fud or drinks n intake ko ngkroon p aq mindgrain hirap umiiyak aq 1st time mom aq, pag open k Ng fb nya my nkita aq yhubs ang name hndi k pa intindi KC SA ISP k baka friend lng tpos my callsign sla Cavs , nghtd Siya pera SA akin, nkita Ng kaptd ko ang tab n gngamit nya bgla nmn my ngmsg na Cavs what time m aq sundo !? Sabi Ng bunso nmn ate Sinu si cavs ngppsundo ky Kua Sabi k nmn hyaan mo bka tropa nya LNG ?! wla SA hngap k nambabae n pla Siya! KC ok nmn kmi

Magbasa pa

Ma, you mentioned di mo kaya makipagbreak dahil sya lang inaasahan mo ngayon. Kapag ba nagbreak na kayo, titigil sustento nya sa iyo? Kung hindi naman, edi makipagbreak ka na. Wag nyo na po iprolong ang agony. Madami pa po kayo kapintasan na makikita, bago nyo pa makita yun, walk away na. Basta magkaroon kayo ng agreement na susustentohan ka pa din nya. Let him go Ma. Easier said than done, pero you have to be strong for yourself and your baby. One day you’ll find a man who will treat you right and you’ll understand why it never worked with your LIP. And whatever you do, please consider LO sa decision-making. Ang kasalanan ng magulang nya ay hindi kasalanan ng bata. Ingatan nyo po ang bata sa sinapupunan nyo. Inosente po yan. Kapit lang Ma, isipin mo lahat nang ginagawa mo ay para kay baby. :)

Magbasa pa

hugs for u mommshh🤗🤗🤗..sobrang nalungkot nman ako sa pinagdadaanan mo ngaun. Pero sa kabila ng lahat mging thankful kp din khit wla ung ama ng baby mo my financial support nman xa sa inyo. alam mo momshh mas mbuti png magfocus ka nlng sa baby mo ngaun. tnggapin mo lng ung perang binibigay ng ama ng bata xe responsibility nman nya tlga un ehh..wag kna mgpakastress na wla xa sa tabi mo,ms importante c baby.bawal ang stress sa preggy mommshh.maawa ka sa baby mo,sa knya ka mgfocus please. i will pray for u. Mgpray ka din ky God,ibigay mo lahat sa knya. si God lang ang mkakatulong sau sa nararamdamn mo ngaun. Ibibigay din ni God ung right guy for u. be thankful xe hindi lahat nabibiyayaan ng baby. Isipin mo momshh ang baby mo..🥰❤

Magbasa pa

Stay strong momsh, kahit ako di ko ma imagine pag sakin nang yari yan. Buntis din ako, but I'm blessed to have a partner na sobrang mabaet and wla ng hahanapin pa. Lols sana makita mo ung sayo, after mo manganak wag mo ng I pakita, deserve nya un. In the first place if he really cares about you and your baby, di nya gaga win ang pg cheat lalotbuntis ka, masama ang stress sayo. Just be positive nalng muna, for me ksi kng ano nsa mind nateng buntis parang un dn na fefeed sa mind n baby, wag mo nlng muna pansinin. Unwind if you want pra makalimot, try to find something na makaka help sayo na ma divert attention mo sa ibang bagay, like try to develop a new hobby, ung safe sa preggy ofcourse, hope things will get better for you and your baby

Magbasa pa

Mommy, sa huli kayo ni baby pa rin ang negatively affected sa mga ginagawa mo ngayon. Masakit talaga kaya parang nagrerebelde ka sa partner mo para mapansin/maawa siya at babalik sa inyo. Pero in reality hindi ganon iyon. Kailangan mo din dumating sa point na tumayo and to act positively para sa iyo at kay baby. From now on unti unti ka bumangon at one step forward to be independent from him. Isipin mo kapag eventually hindi na magbigay yung lip mo, at si baby nagkasakit or magkaroon ng complications dahil sa pagpapabaya sa pagkain mo ngayon, ikaw din mahihirapan sa future. Ubos ang ipon. Mahirap mabroken hearted sa partner pero mas masakit makita yung baby mo ang magsuffer sa consequences ng mga ginagawa mo ngayon.

Magbasa pa
VIP Member

Kapit lang mommy, magpalakas ka at ipakita mong kaya mo kahit wala siya. Tama ung iba dito, ipunin mo ung ibang pera kasi kakailanganin nyo ni baby yan kpag nanganak ka na. Pwede nmn mag unwind nang hndi gumagastos ng malaki. Window shopping pra maubos oras mo sa kakaisip, nakatipid ka pa. Wag masyado magpaka stress kasi nakakaapekto kay baby yan, kailangan mong alagaan srili mo pra ky baby kasi sya lang mgging kakampi mo at magpapalimot ng lahat ng sakit. Marerealize mo na dpat pla nag ingat ka sa pregnancy mo kpag nkita mo na anak mo 😊Mas masakit pag pati si baby nawala sa 'yo (knock on wood). And pray hard before sleeping. It helps, ibuhos mo Sa knya lahat ng nrramdaman mo pra unti-unti mo matanggap lahat.

Magbasa pa

Maybe I couldn't totally comprehend kung gaano kasakit yong pinagdadaanan mo ngayon mamsh! Pero alam mo ? isa lg alam ko.. May umaasa sa loob ng sinapupunan mo kailangan mo maging matatag.. Alagaan mo sarili mo at si baby.. Mahirap maging emotionally depressed Pero kailangan mo lumalaban. I promise you mamsh pagka labas ni baby iiyak ka na lg sa tuwa kapag nakita at nayakap mo sya..Kung pwede lg mamsh walain ko yong nararamdaman mo ngayon kung may magic lg ako restart ko life mo kaya lg wala eh .. So ibig Sabihin you have to endure to the end until maka labas si baby. I know you're beautiful and you deserve to be loved. kaya mamsh laban lg please . I will pray for you po

Magbasa pa
4y ago

thank you mommy😊♥️