Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Got a bun in the oven
IIKOT PA BA SI BABY
Possible bang umikot pa si Baby at 36weeks? Sa last utz ko po kasi last July 2, sa baba naman ulo niya. Ngayon di ko alam kung nasa baba parin ba. Sobrang likot na kasi. 39 weeks & 2 days na ako. Di ko maramdaman yung masakit sa puson na yung parang pababa siya sa cervix ko. Ang nararamdaman ko lang ay paninigas pero di naman masakit 🥺 Please help po.
Different due date sa dalawang ultrasound
Hi Momsh. Ask lang po, kung ibabase sa mens ko July 30 po ang due date ko. Yun din sa ultrasound ko nung 4 months palang tiyan ko. Pero last week nagpa ultrasound ulit ako, July 17 na daw po ang due date ko. Bakit po kaya ganun? Di ko na kasi naantay ang Doctor na mag eexplain sana kasi 8am palang done na ako pa ultrasound hanggang nag 11am nalang di pa ako kinausap ni Doc eh may work pa ako nung araw na yun kaya umalis nalang ako.
WELCOME ❤
Welcome to the world Love ❤ Cara Lessandra Brielle Bacia Soria NSD EDD: 07/26/2020 DOB: 07/23/2020 3.025KG 20hours of Labour Worth it! Just want to extend my gratitude to the 3 Nurses na tumulong sakin para mailabas si Baby via Normal Delivery. Grabe di basta² pala talaga. Thank you Lord, sa guidance!
Fake Labor?
Hi Mommies! 38 weeks and 3 days na po tummy ko. These past few days hanggang ngayon, nakaka feel na ako ng contractions at sumasakit din puson at balakang ko. Pero nawawala naman. Wala din pong dugo na lumalabas. Yung sticky discharge lang po. Medyo marami narin po kumpara noong ilang buwan palang. Malapit na po ba ako manganak? Excited na po kasi kami ni Hubbie. Feeling ko kasi matagal kasi wala pang dugo na lumalabas.
SSS Maternity Benefits
Hi po. Sino po HR dito? Employed po ako. Kabuwanan ko na po ngayon. Nag start na din leave ko last July 2. Last Feb pa po ako nakapag pasa ng Mat-1 at ibang requirements sa HR namin. Tapos finallow-up ko last June. Sabi ng HR, mag aadvance daw sila ng bigay sa akin tapos after ko manganak doon na daw mag pasa ng Mat-2 para makapag reimburse sila sa SSS. EDD ko naman is July 26 pero parang di na aabot sa 26 eh. Hanggang ngayon wala pa rin akong natatanggap. Ask ko lang, yun bang sahod mo while on leave ka for 3.5 months, yun na yung SSS Maternity Benefits mo? O buo mo siyang makukuha? Depende ba yun sa company? Di ako sure if na notify ang SSS eh kasi wala naman akong natanggap na text or anything sa company email ko.
Humihilab ang tiyan at pagsakit ng puson
Hello po! Normal lang ba na sumasakit ang puson at humihilab din sa ika 35 weeks na pagbubuntis?
Namamagang Kamay
Hello Momsh! Normal lang ba na parang namamaga ang mga kamay ko? Minsan kasi pagkagising ko tuwing umaga masakit na parang namamaga pero di naman din siya lumalaki. 33 weeks preggy here.
Low-Lying Placenta - Chord Coil
I'm at my 30 weeks now. Nagpa ultrasound po ako last day then nagpa kunsulta sa OBGyne. Nuchal cord coil is seen and low-lying placenta daw. Sabi niya 70% Ceasarean 30% Normal delivery. Kinakabahan po ako. Meron pa bang tendency na magiging normal ang pagpapanganak ko?