I'm living in with a partner. Common law husband and wife, thingy.
The thing is, 15 months na kaming nagsasama sa iisang bubong and yet, he still has a communication with his ex gf and his ex gf's mom. Na feeling nung mom nung ex niya eh byenan siya nung partner ko!
Tuwing kakastiguhin ko siya, binabalewala lang ako. Kahit sabihin ko na tigilan nya ang communication sa ex niya at sa nanay nun eh sige pa din siya sa kakatext. Nagbubura pa ng messages katwiran niya pag nabasa ko, magagalit na naman ako. But, of course! Sino ba naman ang taong matutuwa at magpapaparty pa kapag niloloko ka at ginagawang tanga harap-harapan ng partner mo?
Ilang beses na siyang ganyan. Paulit-ulit. Almost 6 years na kami in a relationship, pero ni minsan di niya pinakinggan ang hiling ko na wag na siya makipagcommunicate sa babae na yun dahil may asawa naman na din yung ex niya at may tatlong anak na.
I tried everything. Pinakiusapan ko na din yung babae na kung pwede wag na siya magtext o magreply. Ang katwiran pa niya, nagrereply lang siya sa text ng partner ko for old times sake! Na kesyo may pinagsamahan naman sila! Na kesyo hindi naman siya nagtetext na una, nagrereply lang siya! Na partner ko ang rendahan ko! Bakit may mga ganyang klase ng babae na alam naman na masasaktan ang kapwa niya babae, pero sige pa din? Hindi nilalagay ang sarili sa katayuan ng iba?
At bakit may mga magulang na kunsintidor? Alam naman na may kinakasama na yung lalaki, siya pa ang nagiging tulay para magkasala anak niya sa mister nito?
I feel so hurt. Natanong ko na din sarili ko so many times bakit ko ipinaglalaban pa yung taong wala saking pakialam? To think na may isa na din kaming anak, 1 year old. Hindi pa ba kami sapat na mag-ina para tumigil siya?
Kapag nagtatanong ako ng maayos naman tungkol sa babae at nanay niya, galit siya agad sakin. Na kesyo ang kulit ko. Na iblock ko para di ako natetext. Pero siya mismo ilan beses ko na pinakiusapan na tigilan na kakatext kahit nung buntis palang ako kasi naistress ako sa ginagawa nila kahit text lang yun, hindi pa din nagstop.
Nakikipaghiwalay naman ako. Ayaw din. I really want to break free. Hindi ko na naaalagaan pati sarili ko sa bahay nila. Puro stress ang bigay sakin ng in-laws ko na hilaw tapos dadagdag pa sila ng ex niya.
Kasalanan ko pa kapag nagagalit sa kanya ex niya. Galit din siya sakin.