I need advice

Im a husband po, 7 mnths napo yung baby namin at until now wala pa ring gana misis ko sa pakikipagsx. As in 1x lang may nangyari sa amin after manganak at nagagalit pa nga sya parang napilitan lang. Alam ko pong may pinagdadaan emotional at physically stress yung mga mommy kaya nga pinag titiisan ko misis ko kase mahal ko. Pero hindi ko akalain na hanggang umabot na kami mag 8 months na malapit pero parang nawala na attention nya sa akin. As in wala. Kahit yakap nga hindi nya magawa. Sa pagtulog ba gitna baby namin. Eh wala talagang time sa akin. Ngayon ilang days na or weeks naba nakikita nya ako palaging may iniisip di nya alam nararamdaman ko kae pag sasabihin ko, naka seseguro ako maaapektuhan sya. Sabi nga nya sa akin, bakit daw parang lagi na daw akong natulala. Honestly, sa mga nangyayari sa amin ngayon. Ang laging nasa isip ko . Baka mas magaling yung mga ex nya dati kaya wala syang gana sa akin. Para bang lumala na yung insecurities ko sa akong sarili. Di ko na alam!

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

same lng po kmi ng asawa mo sir. buti ka nga nakakaintndi eh. yung asawa ko snsbi pa sa akin siguro meron n daw akong iba kaya daw ako gnun. akala kasi ng lalaki pag nagbuntis at nanganak ang nagbago lng sa babae eh ung physical appearance namin pero s loob ng katawan namin madaming nagbabago na kahit kami mismo hindi din namin maintndhan ba nagiging ganun kami. 4mos n since nanganak ako s 3rd child namin. aaminin ko ung sex drive ko wala pero my nangyayari sa amin ksi nga kung ano ano iisipin sa akin ng asawa ko pag d ko sya pinagbigyan. lagi nya pa ako sinsabihan na baka niloloko ko sya kahit wala naman, isipin mo taong bahay ako tatlong anak namin my 4mos baby pa. makakapanloko kaya ako nun? alam mo ung nag postpartrum depression ka tapos my ganyan ka pang maririnig. nakakastress, nkakadown ng sarili. lalo na lahat ng tao s paligid mo hindi ka maintindhan dahil hindi naman nila alam ang pinagdadaanan mo matapos mong manganak. sasabhn sayo, sakit mayaman lng ang post partrum depression, kaartehan lang daw yan. akala kasi nila pag nanganak kana, wala na back to normal n uli. hindi nila alam lahat lahat ng pagbabago sa katawan ng babae. nakakasad at nakkaiyak lng ang realidad 😔

Magbasa pa
VIP Member

Hello. Base on experience, hindi nag iisa si wife mo, same kami. May mga tulad talaga namin na matagal ang healing process may iba taon pa bago makarecover. Marami kasing magbabago samin once maging mother. Hindi na kami yung tulad ng dati na inuuna ang sarili, mas priority na ang baby. Pero sa totoo lang darating din ang time na mamimiss namin ang dating kami, yun lang di na maibabalik kasi may anak na na priority. Wala sa isip niya ang lust sa ngayon kaya wag ka magiisip na may kinalaman ang kagalingan ng ex niya. Sa baby na kasi umiikot ang mundo ng wife mo, puro baby nasa utak ni wife mo. For sure. I suggest you find connection not through bed, but THROUGH YOUR CHILD. Gawin mong bonding niyo ang pagaalaga sa anak niyo, mas nakakadagdag pogi points yun. Mas mamahalin ka niya lalo. Sabihin mo rin ang nararamdaman mo, kasi maapektuhan parin siya sa change of mood mo at pananahimik. Connect emotionally. Eventually darating din ang physical love.

Magbasa pa
TapFluencer

wag kang mainsecure. imagine 9 months dinala ng asawa mo Yung baby sa loob ng tyan. I don't know either normal or CS asawa mo, alin man dun mahirap manganak. be happy and blessed dahil maayos na nailabas Ang baby at maayos din Ang Kalusugan ng asawa mo. after giving birth hindi lang nman Doon nagtatapos Ang hirap ng asawa mo, laging puyat dahil sa ibat iBang oras ng tulog at gising ni baby. 8 months na baby nyu. try to understand muna Yung asawa mo. pagod, puyat, postpartum, stress.. hintayin mong maging ready Yung asawa mo.. baka sobrang pagod ng asawa mo sa mga gawaing bahay, kahit Isa lang anak nyu, Lalo pa kung Hindi lang Isa anak nyu.. try mo ring kausapin ang asawa mo kung ano kailangan nya. don't over think. baka may iba pang pinagdadaanan din sya.

Magbasa pa

maganda po niyan is heart to heart talk, lahat naman po ay dumadaan sa post partum! wala pong kahit ni isang nanganak na hindi jan dumaan.. kaya pahabain pa po ang pasensya, huwag sanang hanapin sa iba ang hindi kayang ibigay ni partner sa naun! isa pa., help her.. sa pag aalaga, sa gawaing bahay! bagong panganak din ako.. but unlike sainyo, magkasama kau sa haus araw2 ., sakin.. nasa malayo ang husband ko.. kaya super hirap po kapag mag isang nag aalaga ng anak! for sure, pagod sya physically and emotionally., kaya be patient po! kapag po nagkaunawaan kayong dlawa., for sure.. magiging intimate ulit kayo sa isa't isa ☺️❤️ Praying for that .. ☺️

Magbasa pa

My husband used to feel that way too, na baka daw hindi ko na sya gusto at hindi na ako attracted sa kanya. Ako naman, ni hindi ko magawang maisip yung attraction na yan kasi minsan nga walang tulog, walang ligo kakaalaga sa baby tapos exclusive pumping pa 😅Plus, inexplain ko sa kanya yung Touched-Out syndrome and how it affects intimacy. Anyway, ang ending nagusap kami ng maayos and we both suggested ways to keep our relationship strong in all aspects 😊One thing that worked for us, nag staycation kami. Syempre kasama pa din si baby 😆

Magbasa pa

Same kame ng wife mo sir, hindi ko din nabibigyan na ng time asawa ko dahil nga full time mom na ako at breastfeeding pa, nagtatampo na din sakin si hubby pero open kame sa isa't isa. Lagi pa sya pumwepwesto sa likod ko pag nag papabreastfeed ako para mayakap ako dahil hindi talaga kame mahiwalay ng anak ko. Minsan naiinis na ko lagi ko sya nasasabihan pero sobrang haba ng pasensya nya sakin. Maganda kung mapractice nyo ang open communication, lagi pag usapan ang nararamdaman para hindi ka nag iisip ng kung ano- ano.

Magbasa pa

alam mo kuya sobrang hirap kasi magbuntis,manganak,magpa breastfeed at mag alaga ng baby. Sa totoo lang, Kayong mga asawa dpat mas doble ang pagintindi,pagmamahal at pag aalaga nyo sa asawa kasi hindi biro ung gingawa namin para sa pamilya at anak. Normal po kay misis yan lalo na kung palahing pago, nsa hormones pdin. I suggest na kausapin mo sya .. Wag mo lang hanapin yan sa iba ksi for sure masisira ang pamilya nyo. Kausapin mo sya .. timing mo din na good mood or idate mo sya ganun..

Magbasa pa
VIP Member

ganyan rin po ako simula nabuntis ako wala na ako gana sa s*x pinagbibigyan ko nalang minsan kase nagtatampo na may time nga na pinangakuan ko tas nagwala e nagsira pa ng gamet. ewan ko ba parang wala na akong libog sa katawan 😓 1yr old na baby namen now. ganun pa rin kame.

VIP Member

husband, be patient with yout wife po. pag nanganak kasi ang babae we've been really through a lot. ako malau husband ko, nun nanganak ako. thankful ako kasi lahat ng focus ko nun nasa anak ko lang. haha. dmadting sa poibt na madalang na kame magkausap nun

same kami ng wife mo. sa totoo lang. madami nang iniisip. dagdag pa yung hormonal changes gawa ng pagbubuntis na tutuloy pa sa postpartum. mag one year na baby namin pero wala paring akong sex drive. and ayaw ko din talga. struggle is real talaga 😔