wala na sa mood...

Naranasan nyo na din bang mawalan ng gana sa sex? Yung buntis kayo o kaya nakapanganak na kayo? Nung una active na active kami. Halos sa isang linggo nakakailan kami. Parang walang kasawaan. Kahit nung buntis ganon pa din. Pero nitong pangalawa ko na kung kailan ligate na ako at kahit anong effort kong maging maganda at sexy sa paningin nya parang wala ng epekto. Yung tipong nagmamakaawa na ako sa kanya. Yung dating 4 to 6 rounds ngayon quickie na lang. And this day parang sumuko na ako. Parang nawalan na din ako ng gana. Kanina nilalambing nya ako pero ayoko na. Ang hirap umpisahan sa tipo ko dahil aminado akong mahilig ako lalo na at mahal na mahal ko sya. Pero ngayon ewan ko. Bigla na lang nawala. Parang ayoko ng simulan nya tapos ganon uli. Hindi ko naman sya pinipilit pag alam kong pagod sya. Yung dating paggapang ko nga hindi ko na din ginagawa kasi ayokong mabitin sya sa pagtulog. Pero kahit day off nya wala na syang oras sakin physically. Kaya madalas tinatanong o inaasar ko sya na baka may iba na sya. Sana nga pagod lang talaga sya. ?????

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

I feel you.. Kaibahan ko lang sayo..dati kc wala akong kahilig hilig ngaun Ako naman yung may gana si hubby yung walang gana parang nd nya na ko napapansin.. Kahit magpakita ako ng motibo🤦‍♀️😅nahiya naman ako mangalabit.. Kasi baka di sya masatisfy...or mapahiya ako.. Tumanggi sya.. Kahit di sya pagod wala syang gana😔 Sa 15 yrs nmin ngaun lang ako nakaramdam ng ganito.. 😔😔 Tingnan ko after ko manganak and after nung post partum period..kung my pag babago

Magbasa pa

dont worry too much po, baka pagod lang talaga momsh. baka possible na ischedule nyo nalang para hqnda ang isat isa

5y ago

Ilang beses na po kaming nagschedule pero the same pa din. Ayoko rin namang hindi sya pagbigyan, obligasyon ko din naman yun sa kanya. Ang hirap lang kasi pag nasimulan ko na naman hinahanap hanap ko lagi.