Ramdam na ramdam kita sis, pero ako naman yung ate. Yung ako lahat. Isa lang naman kapatid ko pero extended family kami. Ito yung moment na sobrang hirap kasi hinayaan ko pala silang maging DEPENDENT sa akin. Pero dumating yung moment na nasabi ko sa sarili ko na AKO NAMAN. Nag-aral ako pero di naging ganun kadali, nagsi-sideline ng trabaho (call-center, tahian) may pangtustos sa bahay, pag-aaral ng kapatid, saka pag-aaral ko. Halos di ko maramdaman sem-break nun kasi kailangan kong maghanap ng pagkakakitaan. Hindi pwedeng nakatengga lang kasi may pamilya na umaasa sayo. Nung nag-aaral din ako, para makasurvive, nagbebenta ako ng empanada, tinapay, saka mga chichirya. Pero lahat naman ng hirap na ito, worth it kasi nakapagtapos ako. At nakakaproud kasi hindi naman pala hadlang ang kahirapan para di ka makapagtapos. At ngayon, may maayos na akong trabaho higit pa kaysa sa dati kasi pinilit kong iangat ang sarili ko. Kumbaga, binigyan kong pagkakataon sarili ko. Yung ibang family member ko, bumukod na kasi naramdaman nila ang hirap kapag sobrang laki ng pamilya. Tapos, nagpaaral pa rin ako ng kapatid, college na sya. Pero ngayong second year nya, tinuruan ko sya kung paano dumiskarte sa buhay. Sabi ko, may potential naman sya kaya magtry sya magwork kahit online, at ayun natuto ang kapatid ko. Kaya ngayon, nakakatulong na sya, hindi lang sa pamilya, higit lalo sa sarili nya. Minsan kasi hindi marerealize ng mga tao ang hirap na dinadanas natin kasi kampante sila. Kampante sila na andyan tayo palagi. Kampante sila na nakukuha nila gusto nila kasi merong nagbibigay. Turuan mo ang ate mo na magpaka-ate at magpakananay, lalo na at may anak sya. Ako, kaya 29 years old na nakapag-asawa kasi inuna ko pamilya ko, hinuli ko sarili ko. Siguro yung matulungan mo sya sa mga pangagailangan ay okay lang yun, ganun naman magkapatid,nagtutulungan. Pero ang hindi Okay ay yung ikaw ng ikaw. Turuan mo ang ate mo na magtrabaho kasi kawawa sya sa bandang dulo. Ika nga " Give a man a fish and you feed him for a day; teach a man to fish and you feed him for a lifetime." at saka isipin mo rin yung sarili mo at future ng baby mo. HIndi ito pagiging selfish, yung makatulong ka, sapat na yun. Pero yung buhayin siya, malaking problema yun kasi hindi naman sya bata. Kaya mo yan sis!
Merose Zabalo Raguin-Arcilla