Pa RANT! Na sstress nako 😭

Im currently 33weeks preggy ngyon few more days nlg pra 34th weeks. Gsto ko lang mag share ng hinanakit..😞 May kapatid ako at ako yung bunso. Nabuntis yung ate ko when she was 18yrs.old & that time minor pako, nagtratrabaho ako sa palengke at the age of 16 kasi umalis ako s bahay ng tito ko kasi nga blacksheep ako kaya agang edad nagtrabaho nko at kahit papaano tumutulong ako sa knya ksi wala kaming parents. 2 lng kami lumalaban sa mundo ng katotohanan. Ginagawa ko lahat2 pra matulongan sya.. Ff. 18 nko at nakapag work nko sa SM as Archive Clerk sa EO ang saya ko kasi at young age naging independent nako. Pag anong meron ako nag bibigay ako sa kanya kahit papaano, grocery, pera at kng ano pa πŸ˜” Kahit onti2. Nong d nako nag work sa EO naging Brand Ambassador ako ng Nestle as part time kc malaki nmn yung per work nya. Hanggang naka pasok ako ng SM as Promidiser ng Sapatos. *2015* That time d ko nagbibigay s knya kc nag boboard ako ng matitirahan ko at d sapat sahod ko kahit lagi pa akng OT, na22 nadin kc ako mag gala at inom kaya ayan walang napala.. Year 2016 End ng contract ko sa SM, Natanggap ako sa Samsung as Sales Demo. Don medyo gumaan buhay ko kasi kahit ang litt ng sahod ko bawi nmn sa INCENTIVES ko. Yun nga binigyan nyako sakit ng ulo 😭πŸ˜₯ Sumali sya sa BITCOIN at na scam yung pera na na collect nya worth 25k yon at ako yung nag bayad pra d sya mapahamak πŸ˜” Inis na inis ako s knya pero nawawala din kasi ate ko sya. πŸ˜” Naaya ko sya kain s labas ksma anak nya, nabigy din ako pera pag nagkikita kami. Almost 2yrs ako sa work ko nong nag Resign ako. Dec.2017 I decided mag abroad papuntang SG kasi pinalad at may tumolong sken. 20 lng ako non πŸ˜” Dko alam yung pinasok ko hahaha! Btw, naging entertainer ako ng 7months don. Sa sobrang pagmamahal ko sa ate ko pinaaral ko sya kc gsto ko may marating sya, pero ginawa nya? Naging mapagmataas sya nag landi sa school kahit may asawa at anak na sya. Ang sakit kasi Imbis mg ayos sya nagpaka ewan sya πŸ˜” Iniyak ko nlg yoooon sabi ko sa kanya sana nlg yung pina aral ko sayo inipon ko nlg. Na stop kasi sya dahil s kalandian nya, d na sya pinapasok ng hubby nya. *FEELING KO KASALANAN KO PA KASI PINA ARAL KO SYA* Ff. ulit Yung perang naipon ko sa SG pinang down ko ng bahay at nagpaayos ako bahay lahat yun binuhos ko sa pangarap kong bahay.PERO WALA NA YUNG BAHAY KO KASI SINUKO ko dahil sa ate ko.PINAGKAKATIWALAAN KO PO SYA SA PERA KASI KADUGO KO SYA ATE KO SYA, ginawa nya? Lagi syang nakupit sken πŸ˜” After ko po kasing mg SG umuwi ako pinas at balik abroad din papunta DUBAI Archive Clerk ako don 1yr nadin gang umuwi ako kasi buntis ako bwal buntis don mkukulong. AYON nga 2020 na, Na rent kami ngyon buntis nga po ako. Yung atm ko sya pinahawak ko nong FEB.2020 may laman po yung 55Kpesos pgka march ang naiwan lng is 10k. nlg sabi nya nagamit nya yung pera pra s binyag ng anak nya at bayad nga sa renta ng dati ng nirerentahan tpos down ulit sa panibago naming nirentahan ngyon .SOBRANG SAKIT PO kasi PINAGHIRAPAN KO YUNG PERA πŸ˜” kung ano2 po gingawa nya sa pera ko, Naiyak nlg ako. Netong MARCH d2 nko samin kasama ko sya. AKIN PO LAHAT NG GASTOS, PAGKAIN,TUBIG, KURYENTE, BAYAD NG BAHAY, DIAPER NG ANAK NYA AT IBA PA. Imbes maka ipon ako wala ksi kargo ko lahat since wlng sahod hubby nya kc nasa Saudi Lockdown. Isipin mo yun MARCH hanggang ngyon akin lahat 😭😭 Kulang po yung 10k monthly umaabot po ng 20k gastos ko a month sa bahay 😞😞 Tapos ang TAMAD NG ATE KO 😭 Akin na po lahat ng work sa bahay πŸ˜” Inintindi ko sya kse may anak sya πŸ˜” LUTO,HUGAS,LABA akin po lahat ultimo panunupi ng damit akin. NAiinis ako s knya c Laging naka atupag sa cp kahit karga nya anak nya., Pinagsasabihan ko nmn sya pero prang labas sa kabilang tenga lng 😞 25 na po ate ko tapos ako 23 lng. Last month nangupit sya sken ng 4k πŸ˜” Binayad nya daw sa Paluwagan nya 😞 Naiinis ako.. Ksi bsta pera usapan lgi nlng gnitong scenario, pag inuutusan ko sya sa mga bayarin laging may sobra at Kupit lagi. Ngyon Nag utos ako pa withdraw 500 kasi Bili lng onte pra may makain kami kasi wed. pa ako mg grocery nangupit ulit sya 500 πŸ˜” Eh budget po eh kahit 500 lng yan okay lng sana kng may AMBAG? Eh akin lahat dto sa bahay 😞 D na naawa sken eh buntis ako walang ipon kahit 1 dahil sa gastusin 😭😭😭 Diko na alam Gagawin koooo 😭😭 ISA PANG kinakainisan ko po Lagi syang may ka VC na kahit na sino, Mga english paka pa 😞 Lagi na sya late mtulog kya late nadin gumising. Naiinis lng ako kc pg yung anak nyang 7mos old nag mamanya sa gbi pinapagalitan nya samantalang kng mg VC sya hanggang madaling araw nakaka inis! DONYA na DONYA po yung ate ko NAHIHIRAPAN NAKO! MENTALLY STRESS PA. SORRY MEDYO MAHABA TULONG PO!😭😭😭

92 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ramdam na ramdam kita sis, pero ako naman yung ate. Yung ako lahat. Isa lang naman kapatid ko pero extended family kami. Ito yung moment na sobrang hirap kasi hinayaan ko pala silang maging DEPENDENT sa akin. Pero dumating yung moment na nasabi ko sa sarili ko na AKO NAMAN. Nag-aral ako pero di naging ganun kadali, nagsi-sideline ng trabaho (call-center, tahian) may pangtustos sa bahay, pag-aaral ng kapatid, saka pag-aaral ko. Halos di ko maramdaman sem-break nun kasi kailangan kong maghanap ng pagkakakitaan. Hindi pwedeng nakatengga lang kasi may pamilya na umaasa sayo. Nung nag-aaral din ako, para makasurvive, nagbebenta ako ng empanada, tinapay, saka mga chichirya. Pero lahat naman ng hirap na ito, worth it kasi nakapagtapos ako. At nakakaproud kasi hindi naman pala hadlang ang kahirapan para di ka makapagtapos. At ngayon, may maayos na akong trabaho higit pa kaysa sa dati kasi pinilit kong iangat ang sarili ko. Kumbaga, binigyan kong pagkakataon sarili ko. Yung ibang family member ko, bumukod na kasi naramdaman nila ang hirap kapag sobrang laki ng pamilya. Tapos, nagpaaral pa rin ako ng kapatid, college na sya. Pero ngayong second year nya, tinuruan ko sya kung paano dumiskarte sa buhay. Sabi ko, may potential naman sya kaya magtry sya magwork kahit online, at ayun natuto ang kapatid ko. Kaya ngayon, nakakatulong na sya, hindi lang sa pamilya, higit lalo sa sarili nya. Minsan kasi hindi marerealize ng mga tao ang hirap na dinadanas natin kasi kampante sila. Kampante sila na andyan tayo palagi. Kampante sila na nakukuha nila gusto nila kasi merong nagbibigay. Turuan mo ang ate mo na magpaka-ate at magpakananay, lalo na at may anak sya. Ako, kaya 29 years old na nakapag-asawa kasi inuna ko pamilya ko, hinuli ko sarili ko. Siguro yung matulungan mo sya sa mga pangagailangan ay okay lang yun, ganun naman magkapatid,nagtutulungan. Pero ang hindi Okay ay yung ikaw ng ikaw. Turuan mo ang ate mo na magtrabaho kasi kawawa sya sa bandang dulo. Ika nga " Give a man a fish and you feed him for a day; teach a man to fish and you feed him for a lifetime." at saka isipin mo rin yung sarili mo at future ng baby mo. HIndi ito pagiging selfish, yung makatulong ka, sapat na yun. Pero yung buhayin siya, malaking problema yun kasi hindi naman sya bata. Kaya mo yan sis!

Magbasa pa

Wala ba kayong ibang kamag-anak? As in dalawa lang kayo sa buhay? May sarili na siyang pamilya. Let her husband handle it. 'Di mo na siya obligasyon. Actually, dapat siya ang gumagawa ng paraan sa inyong dalawa since siya ang panganay. The more na tinutulungan mo kasi siya, lalo siyang nagkakalakas ng loob na gumawa ng kalokohan. Don't tolerate her wrong doings. Matagal mo na siyang sinalo, I think enough na 'yung tulong na ginawa mo for her. Sorry na lang siya kasi 'di niya pinahalagahan 'yung mga ginawa mong sacrifices. Nagpakasasa sa pinaghirapan mo eh. And up until now, 'di siya nagbago. I guess, you need to stop helping her na. Let her be. Hayaan mo siyang dumiskarte sa buhay. Magkakaanak ka na and dapat dun ka mag-focus. Ngayon, sarili mo naman. Pustahan tayo, 'di ka tutulungan niyan if magkagipitan kasi ngayon pa nga lang, siya na gumigipit sa'yo. It is never wrong to help lalo na kapatid mo siya. Pero mali rin 'yung ginagawa mong hinahayaan mo lang siya gawin 'yung mga bagay na 'di dapat, like paglilinis ng bahay and all. Sarili mo muna. Donyang donya kapatid mo, wala namang ambag. Nakakainis sa part na ikaw na nagbabayad sa lahat, ano lang ba 'yung siya na sa gawaing bahay para lang makagaan sa trabaho mo. Wala bang work 'yan? Lol 'Wag mo na i-baby ang ate mo. Ang baby mo ang mahalaga. Bawal ka ma-stress. Wala siyang karapatan magalit once huminto kang sustentuhan luho niya dahil unang una, MAY PAMILYA NA SIYANG SARILI at pangalawa, PANGANAY SIYA. Nakakahiya naman 'yang ate mo. Pinapaako 'yung responsibilidad sa mas bata sa kanya. 25yo pero walang diskarte. Sinanay mo kasi na naka-depend siya sa'yo kaya ganyan. Natuto maging tamad at palaasa sa'yo. I think mas okay if kausapin mo siya. Sabihin mo lahat ng gusto mo sabihin. YOU HAVE YOUR RIGHT TO TALK AND DEMAND SINCE IKAW ANG NAGBABAYAD AT DUMIDISKARTE SA LAHAT SA INYONG DALAWA. Ultimo anak pasan mo. Pano na anak mo niyan? Bitawan mo na sila. Focus on yourself and your child bago pa man maubos pera, pasensya at respeto mo sa kanya. Go talk to her at ilatag mo lahat ng concerns mo. Sabihin mo rin sa asawa niya pinag-gagagawa niya. 'Wag mo bigyan ng pera. Maghigpit ka ng sinturon. In short, magkanya-kanya na kayo.

Magbasa pa

Nkakailan beses kndin nmn ng paki usap wala ngyyre. Paulit ulit. Gnun kase kahit ka dugo mo pa yan kung wla nmn tlga pake sayo o kaht mgpa Kanda ugaga at Kuba kpa sa trabho hnd k nya naiintndhan at iintindhin. Try ko humiwalay nlng girl.. Tandaan mo. My buhay kadin na dpat mong ayusin sarili mo muna hnd k naman ng kulang we shld say sapat na lahat ng naitulong mo sobra sobra pa nga. My hngganan dn lahat girl. Wag ko ibuhos lahat. Mgtira ka sayo habang kaya at meron kapa. Mas mhirap kse pg simot n simot kana emotionally physically at mentally bukod dun financially. Pwede na kyo mghwalay bumukod kna tutal independent knmn. My pamlya na ate mo my asawa xa. Un asawa nya ang bubuhay at mgpapa kain pra saknla. Labas kna jan.. Ngayon its up to you pano mo susundin lahat ng advices nmn sayo dto. Kung gsto mona makawala jan sa mga sakit ng ulo mo. Tandaan molng. Hnd ka ng kulang. Tao kalang dn. My sarili at gusto mo din gumanda ang buhay mo my Pangarap Ka ngayon un ate mo kung wala saknya lahat yan. Iwan mo girl ng matuto. Kelangan nya mgsikap para sa sarili lalo sa mga anak nya. Dpat matuto nxa tumayo sa sarili nya mga paa. Dhil hnggat anjan k nakasuporta aasa at aasa lang xa girl. Hndng hnd xa matututo.. Dpat ikaw msmo mgpa realized sknya lahat.. Wlang usap usap wla ng salita gawin mo nlng.. Tutal tngin k balewala dn yan sabe mo nga labas pasok lng sa tenga nya... πŸ™‚

Magbasa pa

Palayasin mo 'yung ate mo. Seriously. Ang lakas ng loob niyang magnakaw / mangupit sa'yo. Ako naman dito sa bahay ako rin lahat pero napaka-pangit ng treatment ng nanay ko sa akin. Kung hindi lang bahay ito ng nanay ko, at kung masama lang talaga akong anak (tulad ng lagi niyang pinalalabas), papalayasin ko rin siya. Pero no, ako na lang ang aalis. Ang hirap momsh nung ikaw lahat kumakayod, kahit nung dinugo ako in my first trimester hindi ako tumigil sa pagtatrabaho kahit masama sa buntis ang napupuyat. Nakakapagod rin ang magbigay ng magbigay tapos kahit respeto hindi maibigay sa'yo ng pamilya mo. Kung ako sa'yo, magsarili ka na. Tutal independent ka naman. Tiisin mo ate mo at pamangkin mo, i know mahirap sa una.. pero ganyan ang plano ko. Gusto ko rin bumukod na kami ng partner ko para rin matutong kumilos itong mga kasama ko sa bahay na walang ginawa kundi humiga maghapon at kumain. Napaka-toxic na part ng culture natin ito eh.. 'yung umaasa lang ang karamihan sa iisa o iilang miyembro ng pamilya para mabuhay. Ni walang sariling palo, walang diskarte para kumita kahit gaano kaliit. Haaay.. nakakastress isipin 'yan momsh, kung ako sa'yo 'wag mo nang pakaisipin. Hiwalayan mo na ate mong donya!

Magbasa pa
VIP Member

Naiintindihan ko na dalawa na lang kayo sa buhay. Pero panganay siya, ginawa niya yung mga bagay na yun panagutan niya. Hindi yung aasa siya sa nakababatang kapatid. Imbes na siya mag asikaso sayo nabaliktad pa. Pagdating naman sa pera, hindi mo dapat binibigay lahat lalo na pinaghirapan mo. Kung magbibigay ka sa kanya wag mo na pasobrahan, lalo na alam mo ugali niya na nangungupit. Kung nangangailangan ng pera ang ate mo, hindi masamang tumulong minsan. Turuan mo siya maghanapbuhay para sa sarili niya, nang mabili o matustusan niya pangangailangan niya. Sa gawaing bahay, mas maganda kung paghiwalayin mo mga gamit niyo. Matuto siyang gumawa ng para sa kanya. Kahit nasa iisang bahay kayo magsarilihan kayo para matuto siya. Hindi habang buhay tagasunod ka ng kalat niya. Pareho na kayong may anak. Hindi sa pinag aaway ko kayo pero kung patuloy ka magiging mabait sa ate mo, aasa at lolokohin ka lang nyan pagdating sa pera. Hindi rin siya matututo, kaya wag mo kunsintihin. Turuan mo maging responsable.

Magbasa pa

sabi sa bible "lucky are the givers" pero sa ating mga pilipino kaylangan timbangin gamitin ang utak dahil kung sa tingin mo nasisira na ang buhay niya sa kaka-agapay mo or nagiging inutil na siya kakadepende niya sayo stop mo na kaylangan din tiisin kung minsan. Ngunit nakikita ng Diyos ang mga paghihirap mo manalig ka sakanya at lahat ng iyan ay may kapalit. Si Lord Selfless, kasi binigay niya ang buong buhay niya para sa atin. pero tayong mga pilipino ano ang ginagawa natin? iilan lang tayo na nagbabalik ng pabor sa kanya sa simpleng pagsisimba kada linggo naibabalik ba natin iyon sakanya? Ang sabi ng Diyos "ang ginagawa mo sa kapwa mo ay siya ring ginagawa mo sa akin", kaya maswerte ka kasi sa instrumentong pagtulong mo sa ate mo naibabalik mo yung pabor na iyon, sa murang edad nakakatulong ka, sa murang edad madami kang naaccomplish. leave it that way wag kang magpapastress little by little aayusin at aalisin ng Diyos ang sakit na iyong nararamdaman manalig ka lang.

Magbasa pa
VIP Member

Enough na cgro mommy un tulong na naibigay mo sa ate mo ngyon cgro pde kna mg decide ng sarili mong buhay lahat nmn tau drting don na mghihiwalay pero pamilya parin ikaw din po may kasalanan kaya sya nging ganyan kc alam nya d mo sya kayang hindian ngyon sau din bumagsak ung pagsisisi..mag decide kna po na humiwalay sa knya kc d sya matuto hanggat asa tabi k nya aq at young age 17 aq nabuntis kahit alam q nagalit buong pamilya q lumau aq aq pinatunayan q sa knla na kya q buhayin ang sarili q may 2 aqng anak at namatay pa asawa q at 26 yrs old pero never aq humingi ng tulong sa pmilya kc aq ang may mali ngyon kahit magisa aq may sarili nqng bahay at kapitbahay qna rin ang ate q at mgkakasama na kami ulit..ganun gawin mo unahin mo muna ulit sarili mo at pag ok kna maaus na pamumuhay mo pde mo nmn sya tulungan kahit ndi ku magkasama ..ndi matatapos ang problema pag d mo gagawan ng solusyon at samahan ng prayersπŸ™πŸ»πŸ™πŸ»πŸ™πŸ»

Magbasa pa

Grabe sobrang tyaga mo sa ate mo. Really shows na sobrang mahal mo sya at concern ka sa kanya kaso the way I see it, aasa lang nang aasa sayo ate mo kasi nakikita nyang nama-manipulate ka pa rin nya sa kabila ng ginawa at ginagawa nya eh. Mas okay sigurong magsarili kana or hiwalay na kayo kasi sa totoo lang parang sya yung nag pupull down sayo eh. Paasenso ka na sana tapos sya puro pahirap lang. Hirap lang kasi sya nalang talaga pamilya mo pero parang ang user nya lang at ginagamit nya yung pagiging ate nya sayo. May kapatid din akong babae at ako yung ate pero I will never do that sa sister ko. Mas maiging ako tumulong kasi mas matanda ako, therefore dapat mas independent at mas responsible.

Magbasa pa

Mommy please don't stress yourself kung pwedeng umiwas ka, umiwas ka buntis ka po. Yung ate mo may pamilya na kya kailangan bumukod na ikaw din po magkakaron na kung ayaw nya pong umalis bat hindi na lang ikaw? Hindi habang buhay papasanin mo sya. Kailangan nyang umayos dahil may mga anak na sya. Pag pinagpatuloy mo pa yan nganga ka pag nanganak ka. Tingin mo ba tutulungan ka nya pag nangailangan ka na? Diba hindi kasi nga sabi mo tamad sya kaya mommy wala kang mapapala sa kanya. Hindi rason na magkaptid or magkadugo kayo para lang pagpasensyahan mo lagi may limitsyon po ang lahat masyado ng naover sa limit ate nyo. Kaya mommy kung maaari magbukod kayo.

Magbasa pa

hayy sis, sorry but i dont like to blame you but you have to teach your ate a lesson.. Tiisin mo ate mo , hinde yan matututo sa buhay kung lagi kang aalalay.. Sasanayin molang xa na maging kampante na meron xang makakain kahit walang ginagawa.. Wag moxang hayaan abusuhin ka. remember 23 kana at buntis kana ilan taon nalang lalaki na ang anak mo at not sure kung kaya mo pa silang buhayin. habang hinde pa ugud ugud yang ate mo itigil mo na suporta mo, hinde dahil sa hinde moxa mahal pero kelangan moxang turuan kumayod habang bata paxa noh!.. sayo rin nakasalalay sis kung pano tatayo ang ate mo sa sarili nyang paa .

Magbasa pa