Tired

Im crying right now. Di ko ugaling magshare ng family issues pero wala talaga akong mapagsabihan o makwentuhan, simula ng magasawa ako I lost almost all of my friends, kasi si hubby insecure, gusto nya sa kanya ako nagshishare at nagsasabi ng lahat, the problem is pag ayaw nya ng mga naririg nya o kwento ko nagtatalo kami kaya imbes na magkwento ako nananahimik ako. At eto na nga, naging voiceless ako sa bahay. Sa lahat sya ang masusunod, mga palabas sa tv, music and etc. Wala na akong sarili kong desisyon. At eto pinakaworse, maiksi ang pasensya nya at pag nagalit sya pagsasalitaan nya ako ng masasamang salita. Lahat na ng masasamang salita nabato nya na saken, pabayang ina, walangnkwentang asawa, bobo, tanga, etc minumura nya din ako, most of the time tahimik lang ako at pag napupuno saka lang ako sumasagot. Pero nagkakasundo kami ulit pag nagsosorry na sya, malambot puso ko e saka mahal kong talaga pero nakakasawa na. Kinasal kami, at nung kasal namin sa kasalang bayan, si ate at isang ninong ang bisita lang, wala ng iba, wala ring reception, umuwi lang kami at natulog. At wala lang saken yun kasi mahal ko sya, kuntento ako sa kanya, sila lang ni baby masaya na ako. Pero ngayon ko narerealize na sa sobrang kabaitan ko umaabuso sya. Im 25yrs old at sya ay 32, superior na superior sya at ngayon naiiyak ako kasi di ko man lang ma express sarili ko, di ko sya mapagsallitaan kagaya ng ginagawa nya saken, pero nakakasawa na. Naiiwan ako magisa sa bahay, never ako nagreklamo pero ngayon nagsasawa nako, nung bf ko sya napakabait nya, ng maging asawa ko sya saka ko lang nakita yung totoo nyang ugali. Im tired. Haggard at stress na sya, di na nakakatuwa baka mabuang na ko sa susunod.

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Parehas kaming 28 ng lip ko. Relate ako sa lahat bawal, kahit manood ng tv andaming kuda. Manonood ako Showtime sasabihin walang kakwenta kwenta pinapanood ko, eh dun na nga lang ako tumatawa, pagbabawalan pa. Ewan ko na lang pag kinasal kami kung magbabago pa sya. Kasi nakita ko na ung worst na side nya eh. Ung Paninigaw, ung pagmumura, sobrang ikli din ng pasensya. Pero lumalaban ako. Dapat wag kang tumahimik lang sis. Magsalita ka kung ano ung ayaw mo. Communication lang kelangan nyong dalawa. Di porket sya matanda dapat sya ang nasusunod.. Dapat nga mas iniintindi ka nya eh dahil ikaw ang mas bata.. Tapos magpray ka din sis lalo pag wala ka ng ibang makausap. Nakakagaan ung ng pakiramdam promise.

Magbasa pa