Tired

Im crying right now. Di ko ugaling magshare ng family issues pero wala talaga akong mapagsabihan o makwentuhan, simula ng magasawa ako I lost almost all of my friends, kasi si hubby insecure, gusto nya sa kanya ako nagshishare at nagsasabi ng lahat, the problem is pag ayaw nya ng mga naririg nya o kwento ko nagtatalo kami kaya imbes na magkwento ako nananahimik ako. At eto na nga, naging voiceless ako sa bahay. Sa lahat sya ang masusunod, mga palabas sa tv, music and etc. Wala na akong sarili kong desisyon. At eto pinakaworse, maiksi ang pasensya nya at pag nagalit sya pagsasalitaan nya ako ng masasamang salita. Lahat na ng masasamang salita nabato nya na saken, pabayang ina, walangnkwentang asawa, bobo, tanga, etc minumura nya din ako, most of the time tahimik lang ako at pag napupuno saka lang ako sumasagot. Pero nagkakasundo kami ulit pag nagsosorry na sya, malambot puso ko e saka mahal kong talaga pero nakakasawa na. Kinasal kami, at nung kasal namin sa kasalang bayan, si ate at isang ninong ang bisita lang, wala ng iba, wala ring reception, umuwi lang kami at natulog. At wala lang saken yun kasi mahal ko sya, kuntento ako sa kanya, sila lang ni baby masaya na ako. Pero ngayon ko narerealize na sa sobrang kabaitan ko umaabuso sya. Im 25yrs old at sya ay 32, superior na superior sya at ngayon naiiyak ako kasi di ko man lang ma express sarili ko, di ko sya mapagsallitaan kagaya ng ginagawa nya saken, pero nakakasawa na. Naiiwan ako magisa sa bahay, never ako nagreklamo pero ngayon nagsasawa nako, nung bf ko sya napakabait nya, ng maging asawa ko sya saka ko lang nakita yung totoo nyang ugali. Im tired. Haggard at stress na sya, di na nakakatuwa baka mabuang na ko sa susunod.

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I think stay at home ka sis? If stay at home ka it is time for u to have a work.. ayucn mna sarili mo, mhalin mo mna sarili mo bago cla. Yan din natutunan ko sa buhay asawa. Kng gusto mo irespeto ka at mhalin ka irespeto at mhalin mo mna sarili mo. Ksi y ka aasa mmhalin ka kng kaw mismo ndi mo mhal sarili mo. Plus, mag asawa kau meaning pareho kau dpt may authority sa bhy nyo ndi pdng sya lalaki sya lng dpt may say.. although tma din nmn na taung wife dpt sumunod tau sa husbnd ntn pero kng sobra nmn kng inaalisn tau ng krpatn ndi na pde un... sometimes nafefeel ko ina under aq ng husbnd ko pg nafefeel ko un tps feeling ko ngng mbait nmn aq dats the tym na nkikipg argument aq sknya nag aaway na kmi. Im not a type of person na papayagn ko tapakan nlng aq once ok pero sumobra ndi nq pmapyag.. im not saying na gnn hubby ko pero pg feel ko sumosobra ndi nq pmpyagg.. b4 ksi gnwa kdin yn cge lng kht dmi cnsbe kht na mnsn mli skn pdin isisisi nanahimik lng dn aq pra wlng away pero naisip ko ndi nya marerealized na teka sobra na kng hhayaan klng sya kya nag away tlg kmi. Kya kaw wag ka pmayag na gnyn sya sau lalo na pgssbhn ka bobo ay naku kng aq yn kht 1 month kmi mgkaaway ok kng skn hanggat ndi nya narerealized un pggng bastos nya sau... pero kng tama din nmn un cnsbe nya like for ex. "Alagaan c baby wag puro cellphone" exmple klng yn ha, kng alm mo nmn may point sundin mo nlng...

Magbasa pa

May ganyan din ako naging bf for 7 years and napakatoxic ng ganyan sis. Yung pinagsasalitaan ka ng masasama at pinaparamdam sayo wala kang kwenta kaya umabot sa point na wala na akong bilib sa sarili ko at ang baba ng self-esteem ko pati work ko affected lagi ako nagkakamali. Napaka superior niya pa. Gusto niya ako buntusin buti di ako pumayag. Hanggang nagkahiwalay kami. Napaka miserable ko sa kanya nun kahit sobrang mahal ko siya so i tried to hold unto him dahil di ko siya kaya mawala. Pero na realize ko din kalaunan na I am better off without him. I have to gather up myself, make myself whole again and be the best version of myself. At ngayon I am very happily married to the perfect man na sobrang inalagaan ako at mahal. Ang nakaka sad lang sayo kasi kasal na kayo. But sis, gawin mo kung ano sa tingin mo makakabuti sayo. Wag mo hayaan sarili mo maging miserable habang-buhay.

Magbasa pa

Ang asawa ko naman gusto niya maghanap ako ng ibang kausap kc wala siyang tine sa akin at ayaw rin niya pag mga problema ang knikwenyo ko gusto niya ung mga magagandamg usapan lang kaya stress din ako kc kinikimkim ko nalang minsan hinde ko siya mahihingaan ng problema kc instead na gagaan pajiramdam ko lalong bibigat 😢ewan ko ba bakit ganyan ang mga lalaki sa una lang mabait pero pag maging asawa na lumalabas na ang pagkagago! Kaya bumaba na tingen ko sa mga lalaki ngayon iilan nalang ang talagang mabuti 😔puro plastic! Ang ginagawa ko nalang para gumaan pakiramdam ko I talk to God siya ang sumbungan ko sa lahat ng Problema ko pwro hinde ko na gaano kinakausap ang asawa ko pinaparamdam ko din sa kanya na wala siyang silbi😔

Magbasa pa

Parehas kaming 28 ng lip ko. Relate ako sa lahat bawal, kahit manood ng tv andaming kuda. Manonood ako Showtime sasabihin walang kakwenta kwenta pinapanood ko, eh dun na nga lang ako tumatawa, pagbabawalan pa. Ewan ko na lang pag kinasal kami kung magbabago pa sya. Kasi nakita ko na ung worst na side nya eh. Ung Paninigaw, ung pagmumura, sobrang ikli din ng pasensya. Pero lumalaban ako. Dapat wag kang tumahimik lang sis. Magsalita ka kung ano ung ayaw mo. Communication lang kelangan nyong dalawa. Di porket sya matanda dapat sya ang nasusunod.. Dapat nga mas iniintindi ka nya eh dahil ikaw ang mas bata.. Tapos magpray ka din sis lalo pag wala ka ng ibang makausap. Nakakagaan ung ng pakiramdam promise.

Magbasa pa
VIP Member

Thank full aq kc dq nararansan ang mga ganyan tsaka ung mga nababasa q dto na ndi mgnda..thankfull dhil mabait tlga partner q sa lahat ng bagay.. Dapat matuto ka po lumaban at ipagtanggol sarili mo kc aq d rin aq papayag ng ganyan kahit sa salita lang masakit na buti nga d kpa nsasaktan ng physical.. 25 kna be matured khit na 32 na sya may srili ka ding attitude pakita mo un sa knya lalo na mgbaby na kau..oo andun na tau mahal natin ung tao pero ndi nmn po pde na tapakan lang tau porket mahal natin kc bka sa susunod nya d mo alam kakaksunod mo eh may babae na yan kc kaya ka nya.. stand for your self mommy at pra kay baby😊🙏🏻 pray din po👍🏻

Magbasa pa
VIP Member

Mas ok kung kausapin mo siya ng masinsinan at mahinahon. Siguro kasi iniisip niya ok lang sayo na ginaganun ganun ka niya kasi tahimik ka lang. Minsan you have to stand for yourself din. Possible na pagawayan niyo pag nagsabi ka sakanya. Pero kaylangan mo rin sabihin sis para alam niya na hindi ok at kahit kelan hindi magiging ok yung ginagawa niya sayo. Hugs. 🤗

Magbasa pa

Hindi ko maiaadvise na maghiwalay kayo sis. Mag usap kayo. Sabihin mo sa kanya lahat ng nararamdaman mo. Ang mag asawa ay dapat magkakampi, hindi mag kaaway. Higit sa lahat mahirap kapag na-adopt ito ng anak niyo at pati siya mapagod din sa inyong dalawa pagdating ng araw. Nawa mag kaayos kayo hanggat maaga pa.

Magbasa pa
VIP Member

Nako sis bakit kaya ganyan asawa mo, nagiba ugali dahil ba wala kang work at housewife ka lang? Minsan kasi entitled ang mga lalaki basta nakakapg bigay ng pera sa asawa nila, kaya dapat hanap kadin ng kabuhayan mo para me back up plan ka if things get worst.

Mommy kausapin mo siya nang maigi. Kung babalewalain ka pa rin niya, better mag stay ka na sa parents mo. That's not healthy anymore. Always talk to God din, anytime anywhere para mabawasan ung anxiety mo.

Ano plano mo sis? May mapupuntahan k bng iba? Nakausap mo n b siya n ayaw mo Ng ganun at napapagod kna?