Normal po ba s baby yung may gulat pag natutulog?

I'm asking in behalf of my sister. First baby nya and sobra struggle nya madalas magiyak baby naiiyak n dn sya di nya alam gagawin. Mas prefer ni baby matulog nkadapa s dibdib nya. 1mo old si baby. Breastfed si baby, nkakadede and nakakadumi nman pero s tanghali hanggang hapon madalas mgiyak daw tlaga

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Startle reflex po tawag doon. Okay lang po yun. Mas magworry po kapag hindi nagugulat ang baby. Try niyo po iswaddle, yung halo brand or kahit hindi brand basta kamukha ng ganong design. Observe niyo po yung oras na hindi siya makatulog, or ayaw niya pa matulog. SKL. Kasi baby ko nuong 1 months gising siya 8pm to 12mn, umiiyak din within those hours, i figured she was bored, kaya ginagawa ko pinatutugtugan ko at isinasayaw (sway-sway lang habang karga). SKL again. Pinatutulog ko din baby ko sa dibdib ko nuon, naninibago kasi sila sa outside world (9 months silang nasa loob ng tyan eh 😅) kaya nakakatulog sila sa dibdib ng mother kasi feeling nila nasa loob pa sila pag ganon. After ko mapatulog sa dibdib, sinu-swaddle ko na at lipat sa crib. 3 months na baby ko ngayon, mahirap na siya patulugin sa dibdib, kasi ina-angat niya ulo niya. Nagta-tummy time sa dibdib ko 🤣 Hindi ko na rin siya gaano tinutulungan matulog, aantukin na siya mag isa at makakatulog 😅 after dumede. Stop na rin ako mag swaddle kasi nakakadapa na mag isa. Umiikot na sa crib ng 360. Anyway, i hope everything goes well with your sister. Kapit lang, ganyan talaga pag newborn. Matulog whenever may time, mahirap mag alaga ng baby kapag pagod.

Magbasa pa