Momsh, may painless normal delivery. Mapalad ka pa na hindi breech position si Baby. Madaming umaayaw sa CS (Hindi ko pa naman na experience) pero based sa mga nababasa ko ang nakakatakot sa CS ung anesthesia nya. So pa normal kana na painless. š
Yes sis. Usually sa mga hospital even sa ibang private they want you to have normal delivery and last option na yung CS kung may makikitang possible complications. at they will not recommend or do CS unless nga may risk for normal delivery.
Im 35 weeks na and scheduled for cs sa july 10 2nd baby ko na to 1st baby ko my highblood ako pero pina try parin ako mg labor ng Ob bago e cs. Ang doctor po ang mag dedesisyon kung e cs tayo or hindi depende sa kondisyon ng katawan natin.
Better pa rin mag normal sis. Swerte mo nga kc pang normal delivery ka. Ako po scheduled CS po ako s July. Kahit gus2 ko po magnormal pero marami ako complications biyak talaga. Mas madali kc gumaling at maalagaan mo agad c baby pag normal
First time here..At kinaya ang normal delivery.. Isipin mo lang na kaya mo at kaya mong inormal.. Yun iba nga nakaya nila ikaw pa!! Mas better ang normal kesa cs.. And May 16 ako nanganak ngaun nakakagalaw na at hilom na agad tahi ko. š
Ganyan talaga sa public hanggat kayang inormal, inonormal yan lalo maliit naman pala baby mo. Wag ka matakot, aalalayan ka naman nila pagdating sa delivery room. Mahirap ang cs girl, unlike pag normal after mo manganak makakatayo ka agad.
true
Sis mas mainam normal del. Ako nun 3.1 c baby gusto ko prin sana mag normal d ko iniisip ung takot at posibleng sakit sa panganganak ang nasa isip ko lang mailabas ko c baby ng healthy at safe. Mas ok po normal del mas madali maghilom
Kung kaya inormal Mamsh, i-normal mo. Mas mahirap kapag cs ka. 10months na Baby ko at may pagkirot pa rin ung tahi ko since cs din ako. Kung di lang emergency pipilitin ko tlagang inormal kaso no choice na ko. Kaya mo yan. š
Mahirap lang mag labor, pero mas okay ang normal kesa cs. I am talking abour the after care. instead na nakakalong mo na ng maayos ang anak mo at naaalagaan kung normal. pag cs. you always need guide kasi hirap kumilos.
Mas okay mag Normal mamsh. Kasi morning ng May 21,2020 ako nanganak pero bandang hapon nun nkakagalaw, nakakatayo, nakakakilos ako agad ng maayos,wala pang tinahi sakin š mas mabilis talaga siya mag heal. Kaya mo yan!
Yes po.
Liana Seyer