Pa rant lang mga mumsh
Im 7months pregnant ang hirap pala kapag wala k mapagsabihan ng problema. Ang hirap ng nakikitira k lng tapos wala kng trabaho tapos buntis kp. May ipon nmn ako pero inilalaan ko un sa panganganak ko. Gusto kong umuwe samen pero ayoko nmn mag isip ung pamilya ko ng ndi maganda sa lip ko. Ndi ako maka daing n masama pkiramdam ko kc nhihiya ako kahit nahihilo at pagod n pagod ang pkiramdam ko ako gumagawa ng gawaing bahay kahit pag iigib ng tubig ginagawa ko n rin kc nhihiya ako. Kahit nagugutom n ko ndi ko rin maisatinig kc kylangan ko palage hintayin ung lip ko mag aya kc nhihiya din ako. Kung anung oras nya maisipan kumaen saka nya lng ako aayain kumaen. Parang wala sa isip nya n buntis ako ndi ako dapat nalilipasan ng gutom. Ung mga pangako nya saken bago p ko sumama sa knya pangako lng pala talaga. Iniwan ko trabaho ko at ung pangarap kong makapag aral ulit para pagtuunan ng panahon ung pag bubuntis ko kc un ang gusto nya. Ung pag tira nmen dto sa knila kahit ayaw ng magulang ko pumayag ako kc ung ang gusto nya. Pasensya n ganito kc ako magmahal. Pero kpg alam kong sobra n kaya ko nmn lumayo. Ang problema nga lng kc ngaun pandemic ndi kme makauwe ng anak ko samen kc buntis ako at bawal din ibyahe ang bata. Btw may anak ako sa pagka dalaga. Mag isa ko binuhay ung panganay ko. Cguro nmn kakayanin ko rin palakihin tong nasa sinapupunan ko ng mag isa kung hihiwalayan ko lip ko. Nagawa ko nga pag aralin 4 n anak ng kapatid ko at anak ko nung ndi p kme ng lip ko. Kaya nmn cguro noh? Mga mumsh?