Napaalis sa Priority Lane ?

I'm 5 months pregnant, and di talaga halatang buntis ako kasi maliit ako, slim and mukhang bata rin. Pero dahil high-risk yung pregnancy ko po and need ko po na nakahiga lang as much as possible, pinili ko pumila sa priority lane ng grocery. So ayun, pila ako sa priority lane pero may senior sa likod ko. Sama nga ng tingin sakin kasi akala ata singit ako ? Tapos nung turn ko na, pinaalis ako ng cashier kasi for senior lang daw and pregnant. Sabi ko, pregnant ako pero ayaw niya maniwala. Pinaparinggan pa ako na nasingit lang, etc. Unfortunately di ko dala ultrasound ko that time kaya instead na makipagdiskusyon pa, umalis na lang ako. Nakakalungkot lang na ganun sila hahaha ???

29 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din ako nung nagpunta ko sa SSS antipolo branch. 2mos palang tummy ko kaya dipa halata, kumuha ako number sa prio. Parinig pa ng parinig yung lady guard eh deadma ko kasi di naman ako nanlalamang dahil totoong buntis ako. Sama ng ugali babae pa naman sya sana naiisip nya na nagssimula ang pregnancy sa maliit na tiyan hindi naman laki agad haha. So Godbless ate guard 😂😋

Magbasa pa