Priority Lane

Ok lang po ba pumila sa priority lane kahit maliit at hindi pa halata ang tiyan? May pagkakataon kasi sa mga banko at bayad center pagsinabi ko na pregnant nakaismid na ung guard at hindi nmn daw halatang buntis. Minsan nakakastress lng magexplain. Pati mga seniors ang sama ng tingin. Ang sakin lang kasi madalas ako magduwal o magsuka kaya ako pumipila sa priotiry para mapabilis at hindi na sumama pakiramdam.

22 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Oo naman lalo na kung sumasama talaga ang pakiramdam mu, wag ka na lang mapagod sumagot (ng pa sweet) kasi yung iba nagmamadali din talaga πŸ˜‰ Ganyan din ako dati momsh kasi maliit akong magbuntis lalo na sa first trimester... sa SSS pa ako nasita! Ipinakita ko nga copy ng Ultrasound ko! πŸ€£πŸ˜‚ from then on lagi akong may dala sa bag❣️

Magbasa pa
VIP Member

Kiber mommy.. Heheh wag mo sila alalahanin, di nmn lahat buntis malaki agad ang tyan.. Magdala k ultrasound mo lagi sampal mo saknila.. Heheh joke lng po. Wag mo sila pansinin, importante magamit mo ung karapatan mo mapunta sa priority mahirp pumila ng may dindala ka, nakakangawit po.

5y ago

Uu nga po. Minsan kasi yung mga ksama ko sa senior lane puro padinig. Eh i dont need to explain myself to them kaya kiber na hehe.

Ganyan din ako nung 2nd trimester ko, di pa masyadong halata yung tyan ko pag pila sa priority lane ng fast food tinanong ako ng crew kung pwede sa kabilang line na daw ako, Sabi ko "pregnant po" sagot nya nlng "ai ano po ang order nyo ma'am?" sabay tingin sa tyan ko. Hahaha

VIP Member

Oo naman.. ako dati hiningian pako ng proweba ng guard nung kumukuha ako ng mayor's permit tapos yun pinakita ko sa knya ultrasound ko.. sarap isampal ei parang nagsisinungaling naka duster na nga ei maliit kasi tyan ko gang nung 5mos.sya di halatang buntis.

Yes pwede po, nung 3 months palang po tiyan ko pumipila na ko sa priority lane. Rights mo naman po yun saka hindi naman po masama pumila dun 😊 especially if maselan ka magbuntis at bawal ka mapagod may karapatan ka po talaga pumila dun 😊

VIP Member

Danas ko yan sa jollibee ! Nakakainsulto lang kase alam ko.naman mataba ako kaya hindi pa.halata tsan ko. Pero sana nag tatanon muna sila.. buti na lang din ksama ko friend ko na buntis sabi nya dalhin mo.pt mo lagi hahahahahha kaimbyerna e

Dala ka na lang ng sonogram para may mapakita ka sa kanila. Ung iba po kasi nagkukunwaring buntis para makapila sa priority lanes. Ung partner ng tito ko gawain yan. Nakakainis lang kasi proud pa cya sa kagagahang ginagawa nya.

Yes pumila ka kahit di pa halata na buntis ka, privelege mo yon. Ako nga sa philhealth sinita ng guard nakaupo ako sa pang priority ung katabi ko umalis ako tinitigan ko lang di ko pinansin bat ako aalis di na ko nagsalita haha

VIP Member

Dati naranasan ko yan momsh sa may sss sabi ni Kuya guard sakin lipat ako lane kasi pag senior at preggy lang daw yun, ginawa ko pinakita ko ultrasound ko hahaha ngayon malaki na tummy ko di na mapapagkailang buntis

Okay na okay po. Dapat din kasi madaling mainip, maihi, etc. ang buntis. Dala ka na lang ng proof na buntis ka talaga ta's 'yun ipakita mo sa kanila. Kahit 'di ka na mag-explain dahil nakaka-stress sa'yo.