βœ•

84 Replies

VIP Member

Pasama ka sa BF mo. Magagalit sila sa una pero matatanggap dn nila yan. Ako 21 yrs old nagalit parin sila kasi di pa ko kasal nabuntis na.

Pray then sabihin mo na agad sa parents mo.. Natural lng na magkakaron sila ng sama ng loob pero matatanggap nila yan for sure..

Same tayo pero ako nasabi ko pagtapos kong grumaduate ng grade 12 and thankful ako kasi tinanggap nila :) kaya mo yan sis

VIP Member

Sabihin mo lang ng maayos. Siguro kung magagalit man, sa una lang. Madami naman maagang nabuntis. At nakapagtapos parin.

VIP Member

sa nanay mo muna ikaw magsabi nanay unang nakakaintindi sa anak eh.saka muna sabihin sa papa mo.wag ma stress

VIP Member

Isama mo bf mo pag sinabi mo sa parents mo, pag pinagalitan ka tanggapin mo matatanggap din naman nila yan :)

Biglaan ko lang sinabi sakin. At first syempre galit si Papa pero katagalan nagsusuggest na siya ng names.

Mas mainam po sis kausapin mo masinsinan parents mo, kasi mas masakit para sakanila pag nalaman pa sa iba.

Mas maganda sabihin muna kasama si bf.. at para makapag pa check up ka kaagad para kay baby ndin

Yes mamsh, better kung maihaharap nya ang boyfriend with his parents. To discuss their plans for the baby. Parents are just there to guide, sila ng boyfriend niya ang magtake ng full responsibility sa ginawa nila. Just saying. And yes, wag munang sundan. Masyado pa silang bata.

Ako nga at 28 years old, nagtampo pa din ang tatay ko. Just say it sis. Tatanggapin din nila.

Ako 24 hahaha tas napagalitan parin talaga nung nabuntis na πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles