Hindi namin alam if paano sasabihin sa parents ko

I'm just 17 years old and 7weeks napo akung buntis?. Alam ko po masyado pa po akung bata☹️. Humihingi po ako ng advice kung ano po gagawin namin para masabe sa parents ko sobrang natatakot po talaga kase ako?.

52 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Based on my own experience it's better to tell them, masasaktan sila yes, magagalit yes, madi disappoint yes, but at the end of the day anak ka padin nila at hindi ka nila kayang tiisin. Kung may masabi man sila sayo na masakit tanggapin mo lang, iiyak mo lang. Ako nun isa lang ang sinabi ko after nila ko masermunan, dahil 3rd year college na ko that time, ang sinabi ko sa kanila kahit nabuntis ako ng wala pa sa oras I'll still continue my studies, pumapasok ako ng school kahit malaki na tyan ko, yung mga nagbubulungan na mga fellow students ko dedma lang, kasi ang nasa isip ko nun magtatapos ako hindi lang para sakin, kundi para sa parents ko at lalong lalo na sa future ng baby ko, and now I am a degree holder in tourism management. Mahirap pagsabayin ang pag aaral at pagiging mommy but it was all worth it. Kaya wag mong iisipin na katapusan na yan ng pangarap mo, make that baby your another reason to continue to pursue your dreams 😇😇😇

Magbasa pa

Hi I'm 16 years old and 26 weeks na akong buntis Hindi ko sinabi sa mommy ko dahil sya nakapansin mismo alam nyo po ok lang na sabihin nyo sa parents nyo oo may maririnig tayong masasakit na salita pero kahit anong gawin mo or nila nanjan na yan eh kaya wala na silang magagawa tyaka ang mga magulang natin kahit gaano pa kalaki mali natin sa kanila mahal pa rin nila tayo at iintindihin kaya wag ka natakot sabihin sa magulang mo kase kaya sila nagagalit sa atin dahil nga ang bata pa natin naging mommy dahil lang yun sa ayaw nila tayo mahirapan at maranasan natin ng maaga yung hirap na pinagdaanan nila pero baby is a blessing ha kaya ituloy ko yan for sure pa tagal ng pa tagal matatanggap at maaayos din lahat kaya congrats sayo kase you have a baby at blessing yan god always with you no matter what 😊

Magbasa pa

Bata pa ako 16 yrs old, natural lang na maramdaman mo yang takot na yan, ang pinaka mahalaga bumawi ka sa magulang mo pagtapos ng lahat ng yan pwede mo ipagpatuloy yung mga nais ng magulang mong marating. Ako sobra strict parents kaya masasakit na salita at pangungutya natamo ko pero sa kabila ng lahat ng yun isinasa puso ko lahat ng pangako ko sa kanila na makakabawi ako. Tiwala lang. Kasama ko partner ko na supportive sa akin at lalo na yung nasa taas, si God, manalig ka lang wag ka magpa stress masama sa baby yan, kapag naaalala ko tuloy napapangiti na napapaiyak pero buti nalang pinapatatag ako ni God❤️ kung gusto mo add moko sa fb para makapag usap tayo☺️

Magbasa pa

You are definitely wrong for what you did, but your family is your family. No matter how hard the truth might be, they will always accept and love you. Sa una lang sila magagalit, but when the baby is there already, I'm pretty sure they will love her/him as much. You and your boyfriend should take time to think of what you are going to say and kung ano yung plans niyo. Be humble and accept kung ano man yung sama ng loob na Ilalabas ng magulang niyo. It's part of the consequence. Pero I tell you, masarap sa pakiramdam yung ma ilabas mo yan :) and don't forget to pray and ask for guidance :)

Magbasa pa

Sis, ako 23y/o na natakot pa sabihin sa mga kapamilya ko na nabuntis ako ng jowa ko, what more kapa naiintindihan ko nararamdaman mo. Sa una tlaga nakakatakot, I even imagine the worst words n matatanggap namin, pero dahil alam namin na mali kami pinag-usapan naming tanggapin lahat. At the end, eto everything went well at excited pa sila samin na makita ang baby namin. Importante lang mahalin mo yung baby mo sa tiyan mo. Magdasal ka at much better unahin nyo sabihin sa pamilya ng partner mo para sila kakausap sa mga magulang mo. 😘 God Bless you Sis ☺️

Magbasa pa
VIP Member

Sa una talagang magagalit ang magulang mo.Pero matatanggap din nila.Saka ipag tapat mo na kasama ang tatay ng baby mo.Hindi ka matitiis ng magulang mo.Pero syempre tiyak magagalit sila.Ganan din ako dati 18yrs old nag buntis ako.sobra akong natatakot noon pero ginawa namin at handa naman kami panindigan ng tatay ng anak ko.kaya pinag tapat namin.Sa una talaga galit na galit ang aking ama.Pero ilang araw lang naging okey na.Todo alaga pa nga ang mga magulang ko noon.Ngayon 2 na ang anak ko😊

Magbasa pa
VIP Member

Tell them baby girl. Magagalit talaga sila. Kasi mataas ang expectation sayo niyan. Pero you have to understand kasi they want the best for you and your future. Pero sa una lang yan magagalit. They will love the baby more than you pa nga. You have to tell them ASAP Especially sa situation natin ngayon. Kelangan din aware sila para maprotect kayo ni baby. Remember that having a child at an early age wont make you stop for reaching your dreams. You will just grow with the baby. God bless you.

Magbasa pa
5y ago

❤️❤️❤️❤️❤️

Based on my experience much better to tell them early .. Tatanggapin nila yan no matter what .. Pwedeng pagsasabhan ka pagagalitan ka, or.malay mo matutuwa pa sila pero if nagalit sa una lang yun yung akin kasi kala ko magagalit sila pinagsabhan lang kami ng partner ko sabi pa nila bakit ayaw ko daw sabhn sabi ko kasi natatakot po ako tas yun excited naman sila .. Pero yun nga lang 22 years old na ko nun pero tingin ko kung mahal ka naman tlga ng parents mo matatanggap nila yan 😉

Magbasa pa

Sis, baby ka din ng parents mo regardless sa age mo. Yung takot tska disappointment normal yun, ganun tlga kasi magulang sila. Pero hangga't maaga pa sabihin mo, lalo na sa mama mo kasi sya magiging katuwang mo sa pagpapalaki sa baby mo. Mag pray ka lang and keep your baby. Maaga ka man naging mommy hndi namn ibig sabihin nun na wala kanang kwentang anak. Keep your baby kasi by keeping your baby sobrang nakaka proud na nun. It'll be worth it. God bless

Magbasa pa

Sabihin mo na sa magulang mo habang maaga pa. Magagalit at magagalit yan panigurado, magtatampo o magdadamdam sayo kasi nga bata ka pa pero wala naman na silang magagawa kasi nandyan na. Pakatatag ka lang. Mas maaga magsabi mas mainam kesa hintayin mo pang sila ang makahalata ng pagbubuntis mo. Nakakatakot umamin pero kapag naman nasabi muna kahit magalit sila sayo mawawala bigat ng loob mo kahit papaano.

Magbasa pa
Related Articles