need advice
I'm 22 yrs old 12 weeks pregnant and hindi pa alam ng parents ko :(
22 yrs old din ako at 31w6d na. π Share ko lang, nung 1 week palang akong delay medyo may gut feeling na ako na buntis ako kasi regular mens ko e, nung 2-3 weeks na akong delay bumili ako ng PT kit hindi ko pa maayos na nagawa yung procedure hapon ko sya ginamit. kasi kinakabahan ako pero may faint line na nun. Then nung 2 mos na NOV 6, 2018 nagpacheckup na ako sa ob at 8 weeks na si baby nun pero bilog palang sya haha di ko alam tawag lol. After ilang raw sinabi ko sa mama ko, tapos kinabukasan sinabi na nya sa papa ko (stepdad). Naging okay yung approach nila sakin pero nung bumisita na sa bahay ang bf ko parang galit na papa ko. Haha. Ako kasi ang panganay e, puro pa lalaki kapatid ko. At nagsisimula palang ako nun sa career ko, 6 mos palang ako sa work ko then nabuntis. Di naman mawawala disappointment ng parents natin e, pero kailangan mo talagang sabihin yan hanggat maaga pa. Nakakatakot talaga sa umpisa pero kailangan natin sila na i-guide tayo. Good luck, congrats at God bless π
Magbasa pa22 din ako nabuntis. ang ginawa namin ni hubby is sinabay namin sa celeb ng monthsary namin which is bumili kami ng pagkadami daming pagkain. btw,7 weeks na ako preggy nun. and nahahalata na ata ni mama kasi lagi nyang hinahawakan balakang ko and medyo lumaki daw boobies ko. anyway, un na nga. so after namin kumain, saka namin sinabi. kaso parang binitay daw sila. binusog muna saka bibitayin. kaso wala naman ibang way o time na pwede namin sabihin un kasi nahahalata na e. hinintay ko lang matapos work ko out of town tapos pag uwi ko, un na. pakatatag ka lang para masabi mo. then expect naman talaga na magagalit sila, un e kung di pa kayo kasal. tanggapin mo un kasi tayo naman nagkamali. in time naman matatanggap nila yan. like mine, parang isang linggo lang sila masama ang loob. tapos si papa pa mismo nagluluto ng kakainin ko para sure na healthy daw for my baby. bweluhan mo lang. pero wag mong hintayin na sa iba pa nila malaman.
Magbasa paSame tayo Im also 22 years old, much better if sabihin mo sa parents mo. For me hindi naman sila nagalit, pinagsabihan lang kasi may work naman ako, 3 years nako nagwowork tyaka yung partner ko. Pareho naman kami graduate ng college, pero dapat building career muna and masteral, kaso andyan na yung baby kaya tinanggap naman nila. Sinabi ng bf ko sa mommy ko through fb lang, kasi nasa ibang bansa pa mommy ko nagbabakasyon, balak ko sana paguwi nya para personal akala ko magagalit pero hindi naman basta susuportahan nalang daw kami dalawa. Pero mas nauna namin sabihin sa parents ng partner ko since sila. yung nandito sa Pilipinas, masaya naman sila, pero andyan yung medyo dismayado kasi nga dapat inuuna namin ang career namin na ibuild up. Though sabi nila hindi hadlang si baby dun, mas magiging challenging nga lang ngayon. Pero atleast may dagdag inspiration kami para magpursue lalo and isa pa malaking blessings si baby. π
Magbasa paI feel you π ako 25 ako ngayon ng mabuntis, 12weeks nden tyan ko. Sa una nahirapan din ako magsabi sa parents ko kahit nasa right age na ko. Kahit tapos na ko mag aral and working student pa ko non π kahit alam ko namang kahit papano, nakatulong nko sa kanila nandun paden yung fear ko na mgsabi although kilala na nila jowa ko and take note dito nden nakatira yun since 3rd yr college ako and 4th yr college siya. Hindi talaga saten mawawala yan. Isa lang yang reason na nirerespeto pden naten yung mararamdaman ng parents naten sa kanila. π Medyo nago overthink den kasi tayo na baka ganito, baka ganyan. Pero pag nasabi mo na yan, sobrang laking ginhawa saten momsh π pray ka lang, don't stress yourself to much. That's not good for your baby βΊβΊβΊ
Magbasa paHi sis. Nasa tamang edad kana man na. Yun nga lang ang tanong graduate kana ba? Kase mas maggalit parents mo if nag aaral ka pa. Tulad ko noon nabuntis ako ng 19 nag aaral pa ko nun. And now im 22. Kaka graduate lang. Pero buntis nanaman. Di na sila nagalit. Na dissappoint konti pero ung galit tulad noon na halos di ako kausapin ng tatay ko. Ngayon sermon nalang dahil pasaway ako sa mga kinakain ko.. kapit lang sis. Magagalit talaga sila. Pero sa lilipas na araw mawawala din yan. Ngayon ung parents ko tuwang tuwa sa panganay ko. Ka cute kase lalo na nung natutong maglaro. Maglambing. Hehe
Magbasa paI'm 23yrs old Now I'm 36 weeks pregnant, nung nalaman ng parents ko ou nagalit at nadisappoint sila pero hindi nagtagal natanggap din nila kc blessings yan eh. ngayon mas excited pa cla sakin at sobrang supportive nila sa magiging baby ko. hanggat maaga pa sis sabihin mo na sa parents mo para Hindi kana mastress much better kung isama mo Si bf mo kapag sinabe Mona sa parents mo para alam nila na Kaya kang panindigan. ganun kc ginawa ng bf ko siya mismo kumausap sa parents ko na buntis ako. Ending natuwa cla Kay bf
Magbasa paAko po 17 ako na buntis turining 18 mag dedebu ako nun nung nalaman nmin ng aswa ko na buntis ako. At syempre nagalit sila skin kc panganay ako pero slamat dahil full support sila skin at mababait ang magulang ng asawa ko now po 23y/o ako at 2 na babies ko :) Happy na kmi lalo papa ko nalilibang sa mga apo sya pa napunta sabhay nmin kahit paralyze half body nya pero nakakalakad sya mas mabilis panga skin π€£ napunta sya pag namimis nya mga apo nya. D kc kmi mkadalaw sa knya maliit pa bunso ko :)
Magbasa paganito nlang isipin mo sis.. Pg laki ng tiyan mo, mlalaman dn ng parents mo, pag labas ng baby mo malalaman dn ng parents mo.. mapapagalitan ka rin.. Kaya ngayon plang sabihin mo na kase ganon dn yon, same situation, mapapagalitan ka rin.. Papagalitan ka lang naman e.. parents mo sila, kaya kahit anong pagkakamali magawa mo tatanggapin at tatanggapin nila yan. Apo nila yan, anak ka nila. Lalo na mama mo, maiintindihan ka lalo niyan :) May gagabay pa sayo if sinabe mo agad dba :)
Magbasa paim 23 kaka 26 lang ni bf ko . pareho na kami my work ni bf . and im 16weeks pregnant right now . im 5 weeks pregnant nung nalaman ko na buntis ako , sinabi ko agad sa parents ko . ready na ako sa sermon ng mom ko , pero hindi ako nakarinig ng sermon galing sa knya . π₯° very supportive sila buong family ko . same sa side ng bf ko . very excited sila ngayon 1st apo kasi both side . ang sarap tuloy mag buntis ngayon π₯° much better sabihin mo na sa knila habang maaga pa . π
Magbasa paSame, 21 ako nung nabuntis. 7 weeks nung nalaman ng parents ko. Ako graduating sana this school year, kaso nabuntis ako. Nalaman ng parents ko, sabi bat daw ngayon ko lang sinabi sakanila? Nagalit Mama ko but eventually natanggap nya din, lalo na nung lumabas na sya. Natural lang na magalit sila pero sabi nga nila wala na silang magagawa. I had to stop kasi walang mag-aalaga ng baby ko. Planning to continue my studies next school year. Kaya mo yan. Good luck!
Magbasa pa