just wanna share...

i'm 34 weeks pregnant and until now, di pa rin kumpleto mga gamit ni baby... i feel so sad because this is my first baby and feeling ko, di ko agad mabigay mga needs niya as a parent. my husband can't work now kasi di pa rin kami nakakabitan ng internet ilang weeks na and ilang weeks na rin siyang di nakakapag work at wala talaga kaming pera. nakakahiya na umaasa kami dito sa lola ko pati foods namin. minsan naiiyak na lang ako kasi namomoblema ako baka anytime manganak na lang ako bigla and di pa kami ready.. i just keep on praying that things will be okay.. πŸ˜”πŸ˜”

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

I feel you momshie. Ganyan na experience ko sa 2nd kid namin, 38 weeks sakto akong nanganak, that day lang kami nakabili ng baby needs. As in kung kelan ako nanganak. That time kaka-start lang ni hubby nun sa work niyang bago kasi home based siya before para may kasama ako sa bahay. Nanganak ako November 5, nag start siya sa work last week ng October. Kaya as in wala kaming hawak na pera. Humiram lang siya ng pera nun sa kuya niya, after ko manganak saka niya binayaran ng paunti unti. Sometimes may mga gantong challenges tayong haharapin sa buhay, wag lang tayong susuko. God will provide πŸ’• Just pray momshie. Hanap muna ng ibang paraan si hubby para maka diskarte ng pera para prepared kayo once manganak ka. Don't lose hope πŸ™πŸ˜‡ I'll pray for you and your family momshie! Stay safe! πŸ˜‡πŸ’•

Magbasa pa
5y ago

thankyou mommy! godbless po ❀

Medyo mahirap nga po talaga ang sitwasyon natin ngayon. Same din sa amin, may naipon man kming kaunti, naubos lahat dahil sa crisis. But we still trust in the Lord that the Lord will provide everything sa tamang panahon. Let's just keep on praying that everything will be alright. For now, medyo kinakapalan ko na mukha ko, na humingi ng tulong sa mga kamag-anak ko, like yung mga napaliitan na baby clothes or preloved baby items nila, di monetary pero malaking tulong na din😊 kapit lng sa Dios mommy.😍

Magbasa pa

Lagi ko din po iniisip yan, minsan iniiyak ko na lang kasi wala ako magawa, wala akong pera, and yung partner ko e pending pa rin sa trabaho. Pero thankfull ako kay Lord kasi dumating na yung damit ng baby ko from her lola na galing pang manila (36 weeks and 6 days ako that time) and si mama ko na din bumili ng needs ko and ni baby na gagamitin sa hospital. As of now kumpleto na, si baby na lang kulang. πŸ™‚ Keep praying lang sis, may awa ang Diyos.

Magbasa pa

Pray lang mommy meron at meron yan pag labas ni baby 😊gagawa ng gagawa ng paraan si LORD pra kay baby kaya wag masydu mag alala mommy just pray po naalusog si baby na lumabas un ang pinka importante dyan mommy ang gamit mdli lang mahanap yan may gagamitin si LORD pra I provide yan bsta mag tiwla ka sknya sa panhun ngyun mommy maiintindihan ni baby yan sitwasyun..... GODBLESS momshie ingat po lagi kayu ni baby

Magbasa pa

Same here mommy, Ako nga 37 weeks and 6 days na ko mga damit pa lng ni baby meron Ako. Ung mga alcohol, wipes etc.wala pa as in. Pero hopefully bukas mkabili na ko, nag worry din ako kasi baka mamaya lumabas na c baby wala pa kong ka gamit gamit. Kinakausap ko na lng sya na sana wag muna ngaun . Sa August na sya lumabas kasi d pa ko ready. Tsaka dasal lng mommy naniniwala Ako na God will provide😊

Magbasa pa

Sayang mommy napamigay ko na mga baby dress ng baby ko, baka pwede ka mag ask sa mga kapitbahay nyo ng iilang baby dress para my magamit baby mo paglabas. 2nd Hand na dn ung baby dress na ginamit ng baby ko, praktikal lng dn kesa bumili ako bago tpos 1 month lng mgagamit . Pray lang mommy matatapos dn at makakaraos kayo sa Problem nyo. May mabubuting tao na tutulong snyo maniwala ka

Magbasa pa
5y ago

may mga nagbigay na po samin kaso mga sando lang and mittens. yung mga essentials ang wala pa pati mga pajamas and shorts niya. anyway, thankyou po! godbless po sa inyo ❀

Same din po mommy ... damit palang ni baby ang meron pero yung iba yung para sa kamay and paa bonet lampin as in marmi pang kulang.. wla pa talaga .. pero pray lang po tayo πŸ™πŸ™πŸ™

habang wala internet hanap si mister ng sideline. like benta benta ng merienda ung maliit n puhunan pero mabilis maubos.. hanap xa taga benta tas ilako nya para khit konti meron

Ang mga gamit madali lang yan bilhin. Ang paghandaan ay ang paglabas ni baby, tsaka wag magpaka stress dahil jan momshie. Relax lang at pray kay Lord.

Same tau momshie,yaan mo na,ang mhalga malusog c baby.at stay safe kau ni naby.basta kong anung meron nlang,,bhala na c God.