Best recommended na diaper for nb?
I'm a 2nd time mom po, pero mag ask lang ako kung anong magandang diaper para sa nb, sa panganay kopo kasi Pampers NB pero dis time gusto ko pong makatipid :) Ano pong magandang diaper gamit nyo ngayon? Ps: pag no choice mag pampers nb padin po ako :)
Mahal ang pampers sa mahal.. pero sure ka naman na maganda.. baby ko simula panganay at sa pangalawa PAMPERS diaper nila... kahit may poops na ok lang kahit di mu palitan agad kz naaabsorb ng pamper yung Ihi at dumi... Madali na hugasan at linisan...
Pampers user din kami since birth ni baby kaso hindi na ok quality ngayon, nagka UTI pa baby ko :( nagswitch kami sa goo.n premium, super satisfied ako. Pero ngayong lockdown since ang hirap makahanap sa groceries, alternative namin huggies. Maganda rin :)
EQ dry po. Ako po super tipid ko sa panganay ko awa ng Diyos nung mga nasa 6 mos gang 1 year lampein na lang po diaper nya, never pa siya nagkarashes den di na sya nagdiaper mula ng 2 years onward nya. Sana pati sa 2nd baby boy ko ganun din. Hehe
1st diaper ni baby is Huggies. kahit lagi kami nagpapalit nagkakarashes talaga sya so nag switch kami to Pampers. kahit yung mga rashes ni baby gumaling.
Ultrafresh po mommy, maganda po ito kasi mura at manipis lang sya pero super absorbent! Parang walang suot si baby, pero di po ito tunatagos.
Either Huggies Dry or Pampers Baby Dry yan gamit ni lo no rashes since pagkapanganak nya at di nag leleak.
Pag newborn momsh try mo muna ang lampin. Then saka na ang diaper pag mejo malaki na si baby.
Happy diaper po mura lang po yan Kase baby ko po never pong nag ka rashes dyan po 😊
Eq dry gamit ni baby nun nung sa hospital kami ok naman tapos ngayon mamypoko pants na
Cloth diaper po. Iwas rashes. Tipid pa lalo na ngaun may covid 19 😊