My pregnancy story

Im 22 yrs old. Kakagraduate ko lang ng college pero di na nakapagtrabaho dahil nabuntis ako. Hindi ko pinapaalam na buntis ako kahit kanino until now na 35 weeks preggy na k. Ang nakakaalam lang family ko at malapit na friends ko. Nahihiya kasi ako parang feeling ko wala pa ko napatunayan. Kaya lagi lang ako nakakulong sa bahay ng partner ko. Nahihiya ako pagchismisan kapag umuwi ako samin. Kaya minsan iiyak nalang ako feeling ko di pa ko ready. Alam ko kasalanan ko kaya di natupad mga nakaplano ko sa buhay. Pero ngayon tinatatagan ko loob ko para sa baby ko and I know di kami papabayaan ni Lord.Need advice mga mommy, ano pampalakas ng loob nyo para makayanan lahat ng pinagdadaanan nyo habang nagbubuntis.

57 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same case po. I'm 22 years old 8 weeks pregnant, nabuntis ako after I passed my Board Exam. Nag resign ako sa work bago ko nalaman na buntis ako kasi nga pumasa ako sa board and pinag resign ako ni kuya para makapunta sa Dubai. After I found out that I'm pregnant, di ko alam paano sasabihin sa kanila kasi lahat ng plano nila para sakin masisira. Yung isang araw ko parang sobrang haba dahil marami akong iniisip, imagine 6 kami magkakapatid tapos watak watak kamo dahil sa work isa isa kong sasabihin sa kanila yun pinaka huli ko sinabi sa kuya ko at humingi ng sorry ang sabi lang nya "Ok ilang months?" And binigyan ako money dahil nalaman ko na may cyst din ako. Hanggang sa lahat ng pamilya ko nalaman na pwera mga tito tita ko. Ang provlema ko nalang is yung iisipin ng ibang tao. Pero this past few days naiisip ko sila and sabi ko "Pamilya ko nga tanggap ako wala akong natanggap na masamang salita sa kanila bakit ako mqhihiya sa ibang tao?" Ayan nalang lagi ko iniisip hanggang sa matanggap ko sasabihin nila.

Magbasa pa