My pregnancy story

Im 22 yrs old. Kakagraduate ko lang ng college pero di na nakapagtrabaho dahil nabuntis ako. Hindi ko pinapaalam na buntis ako kahit kanino until now na 35 weeks preggy na k. Ang nakakaalam lang family ko at malapit na friends ko. Nahihiya kasi ako parang feeling ko wala pa ko napatunayan. Kaya lagi lang ako nakakulong sa bahay ng partner ko. Nahihiya ako pagchismisan kapag umuwi ako samin. Kaya minsan iiyak nalang ako feeling ko di pa ko ready. Alam ko kasalanan ko kaya di natupad mga nakaplano ko sa buhay. Pero ngayon tinatatagan ko loob ko para sa baby ko and I know di kami papabayaan ni Lord.Need advice mga mommy, ano pampalakas ng loob nyo para makayanan lahat ng pinagdadaanan nyo habang nagbubuntis.

57 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

same lang po tayo kaso ako senior high graduating kaso di natuloy kasi nabuntis din ako after n debut ko lang inamin, kabuwanan ko na ngayon, nasa manila ako now sa bahay ng bf ko mababait naman sila dito. lahat ng test na kaylangan kahit mahal pinapagawa para sa ikabubuti ng baby wala naman daw kasi kasalanan ang baby e, sa side ko naman ok naman din wala na rin naman daw magagawa kaya natanggap na agad basta daw alagaan ko mabuti, lagi naman sila tumatawag sakin, nung una family lang din ang nakakaalam kasi ayoko din ipaalam sa iba hanggang sa mga nakakaalam na iba na di ko alam bat nakarating sakanila, hinayaan ko na, di ko naman din ito maitatago sakanila o sa pangungutya nila na kesyo ang bata bata ko pa ganun, tao lang din naman ako/tayo pero bat kaylangan nila tayo pag salitaan ng ganun, nung newyear nag post nako sa socia media na malaki tiyan ko basta positive lang satin mga mommy💗

Magbasa pa
6y ago

Thank you be. Baka magpost nalang ako sa social media kapag lumabas na si baby. Ayoko muna mastress kasi sa mga sasabihin nila lalo na kabuwanan ko rin ngayon. Have a safe delivery 😊