My pregnancy story

Im 22 yrs old. Kakagraduate ko lang ng college pero di na nakapagtrabaho dahil nabuntis ako. Hindi ko pinapaalam na buntis ako kahit kanino until now na 35 weeks preggy na k. Ang nakakaalam lang family ko at malapit na friends ko. Nahihiya kasi ako parang feeling ko wala pa ko napatunayan. Kaya lagi lang ako nakakulong sa bahay ng partner ko. Nahihiya ako pagchismisan kapag umuwi ako samin. Kaya minsan iiyak nalang ako feeling ko di pa ko ready. Alam ko kasalanan ko kaya di natupad mga nakaplano ko sa buhay. Pero ngayon tinatatagan ko loob ko para sa baby ko and I know di kami papabayaan ni Lord.Need advice mga mommy, ano pampalakas ng loob nyo para makayanan lahat ng pinagdadaanan nyo habang nagbubuntis.

57 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Beb. Minsan nag ooverthink lang tayo ng mga posibleng maging reaction ng mga parents and relatives naten, sa experience ko 8weeks preggy nako nung sinabi ng jowa ko (asawa kona ngayon) sa Mama ko nag eexpect kami na baka magalit or kung ano sabihin pero ending, nag overthink lang pala kame. All Smooth naman. Sana ikaw din. Godbless you beb. Wag ka pa stress nakakapangit ☺️😊

Magbasa pa
6y ago

Yey! Let's be happy Pregnant woman para masaya din si baby. Wag papa stress mum!