My pregnancy story

Im 22 yrs old. Kakagraduate ko lang ng college pero di na nakapagtrabaho dahil nabuntis ako. Hindi ko pinapaalam na buntis ako kahit kanino until now na 35 weeks preggy na k. Ang nakakaalam lang family ko at malapit na friends ko. Nahihiya kasi ako parang feeling ko wala pa ko napatunayan. Kaya lagi lang ako nakakulong sa bahay ng partner ko. Nahihiya ako pagchismisan kapag umuwi ako samin. Kaya minsan iiyak nalang ako feeling ko di pa ko ready. Alam ko kasalanan ko kaya di natupad mga nakaplano ko sa buhay. Pero ngayon tinatatagan ko loob ko para sa baby ko and I know di kami papabayaan ni Lord.Need advice mga mommy, ano pampalakas ng loob nyo para makayanan lahat ng pinagdadaanan nyo habang nagbubuntis.

57 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pareho tayo mamsh. Di ka nagiisa. 😔 Kahit nakapagtrabaho ako saglit, di pa rin sapat para mapasaya ko ang magulang ko.. 23 y/o ako at kakatapos lang ng board exam. After 4 months na pagtatrabaho, nabuntis ako.. Tanggap na naman nila ang nangyare pero laging naririnig ko sa nanay ko, 'kakagraduate lang nyan'. Hiyang hiya ako sa sarili ko. May narating na naman ako, licensed na ko, kaso kasisimula ko pa lang, disappointment na naman ako 😔 Alam kong hindi lang naman simpleng 'taga ahon sa hirap' ang tingin sakin ng magulang ko kasi natanggap pa nila ako kahit nabuntis ako ng maaga. Pero lagi nilang bukang bibig na kapos sila sa pera at ang gastos. 😔 Ipinasa pa ng tatay ko ang responsibilidad ko sa sunod kong kapatid. Nakakapagod talaga ang kulturang nakagisnan natin 😔

Magbasa pa