57 Replies

22yrs old palang din ako sis at pakiramdam ko wala pa ding napapatunayan, sabi nung iba ang bata pa daw, pero di ako nahihiyang lumabas kahit pag kasama ko partner ko, di ko na lang pinapansin sinasabi ng iba, kasi pag natutunan mong wag makinig sa sinasabi ng iba eh mas magiging masaya at less stressful ang life haha be strong tayo sis kaya natin to ang mahalaga pinanindigan natin to and gawin na lang natin inspiration si baby, di pa naman huli ang lahat kaya pa nating bumawi after manganak or pag malaki laki na si baby haha

You can still work naman. Marami na ngayon options. You can try to look for a homebased job para lang di ka natigil. Try onlinejobs.ph and upwork.com baka makakuha ka. Para kapag ready ka na magstart sa corporate world eh may nailagay ka sa resume mo. Pwede din naman develop a new hobby or invest in yourself. Learn more kung baga. If nasa first trimester ka pa lang, marami ka pang time to do things. Hindi hadlang si baby para di ka umusad. Mahirap, oo, kasi hindi na lang sarili mo iniisip mo, pero possible sya.

Thanks sa advice mamsh. Meron ako travel online business. And now malapit na ko manganak 😊

Same tayo mamsh. Kaka graduate ko lang nung March 15 days lang ako naka pag work kasi nabuntis ako. Pina alam ko agad sa parents ko. Nung una na dismaya siguro sila pero natanggap naman nila agad. Wala ka naman kailangan patunayan sa ibang tao as long as hindi ka nakaagrabyado sa kanila, wag mo intindihin iisipin nila at sasabihin. Ang importante naka graduate ka na diba. Hindi pa naman huli ang lahat. Enough na na tanggap na ng parents mo. Wag ka mahiya momsh. Kaya natin to.

Wag kang magpakadepress jn , lumabas ka ng bahay sabi mo nga nagpapakatatag ka . Ano forever mong itatagong ina ka na ? I understand na nahihiya ka kasi wala kanga napapa2nayan pa . So what ! Anong pake nila . That's your choice ng buhay mo . Im also 22 yrs old and 7wks pregnant . Wala akong pake kung tatanggapin kami ng anak ko or hindi ng mundo . Ang importante kung paano natin mapapanindigan ang pagiging ina natin . You need to be strong . Kaya tigilan mo yan ghorl . Lavarn !

Yes . You should be thankful coz both sides of your family ia supporting you . Unlike sakin . Haaaaaays . Kaya wag ka magmukmok jan . Nakakapanget whahahahaha .

Okay lang po yan di naman masama kung mauna si baby bago mga pangarap niyo binigyan lang kayo ni god ng motivation para mas makamit pangarap niyo ako nga po 18 going 19 sa march graduate na sana ng shs kaso nagkaganito kaya nag stop ako pero ngayon mas namomotivate ako mag tapos lagi kong sinasabi na 5years lang yan kakayanin ko yun kesa naman habang buhay na magmukmok at walang marating di naman kailangan magmadali e so dasal dasal lang makakaya niyo rin yan 😉

may mas dahilan kna ngayon para lalong magsumikap at tuparin ang pangarap mo, sa pamilya mo at sa sarili mong pamilya.. Hindi pa huli ang lahat momsh, 22 k plang.. bata kpa :) Marami ka pang panahon para makabawi sa pamilya mo at matupad lahat ng pangarap mo :) Keep fighting lalo na ngayon magkaka baby kna, lakasan mo lang lage loob mo.. Pag napapagod ka, upo klang iyak klang ng patago, tas tuloy ang laban!! Ganyan tayong mga babae! 💪

VIP Member

Same lang namn po tayo, kakagraduate ko lang last year pero di pa ko nakapagwork kasi naoperahan ako sa ovarian cyst. Tapos this year february nabuntis namn ako haha. Di parin ako nakakapagwork simula ng nakagraduate ako. Pero plano ko namn magwork kapag 2 yrs old na si baby at pwede na iwanan. Ang importante mamsh nakagraduate ka, anytime namn pwede magwork. Wag ka mapanghihinaan ng loob. Lahat namn ng bagay may dahilan kaya nangyare :)

May gawin man tayo or wala people will always judge us. But, don't let their judgements affect you, you know yourself better than them. Hayaan mo sila. Your baby is a blessing, binigay na ni Lord sayo yan kasi alam niya ito ang tamang panahon. So cheer up and be happy sq blessing na yan, wag mo isipin sasabihin ng iba kasi matic na meron talaga sasabihin. Mahalaga masaya ka at wala kang tinatapakan na tao, mommy 😊

VIP Member

Mommy ang swerte mo pa nga. Kasi atleast kahit papaano naka graduate ka ng collage. Walang nakakahiya sis. Life begins when you're pregnant nga hehehe. Pag nakapanganak kana lumaki si baby makakahanap ka kaagad ng work. Enjoy your journey mommy. At ang mahalaga andyan si partner hindi ka iiwanan 😊❤ have a safe pregnancy. Show to them god sent you a gift 🥰 hindi lahat ng babae nabibiyayaan ni babies❤

Thankful parin mommy. Noted 😊

Bata pa tayo Sir. Ako 24years old. Not planned rin dahil mahilig ako mag-rides, kami ng boyfriend ko tig-isa kasi kaming motor kaya gusto ko sana maenjoy, mag-gala sa maraming lugar pero dumating na ito sa amin. Tinanggap ako ng pamilya ko, yun ang mahalaga sa akin. Both sides ay masaya para sa amin. Wala tayong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Bata pa tayo, marami pang taon para makabawi tayo 💓

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles