57 Replies
I just want to share, mommy. I'm 21 years old and since tumigil ako ng 2 years, until now hindi pa ako graduate ng college. I dropped out of college last November 2019, kase nalaman kogn buntis ako for 2 months na. To be honest, mapalad kapang graduate ka na ng college kase although mahirap makahanap ng work and the perfect company for you, mabilis ka lng matatanggap dahil tapos ka ng pag-aaral. Alam kong mahirap din ifo sayo because same just like me nawala rin mga plano ko for myself, my family, and my future family. But right now we have the same consequences. Since hindi pa natin nakamit mga palano natin and nandyan na yung baby natin, mas magiging mahirap ang buhay. Ang lakas na kinukuhanan ko ay si God. Alam kong may mas maganda Siyang plano para sa aken kesa sa naging plano ko. And that goes the same for you, mamsh. Another person na nagbibigay ng lakas saken is yung parents ko na suportado sa akin. Ang partner ko rin na kahit papano hindi ako iniwan. And of course, si baby na mismo. I will be 4 months pregnant this January 19 and although mahaba haba pa ang lalakbayin namin para masilayan siya, I am already doing what is best for him/her. Inaalagaan ko ng maayos sarili ko para maging healthy siya sa paglabas. Not only physically, but as well mentally and emotionally kase alam kong mkakaapekto yun sa kanya. So please, keep your chin up. Kaya natin to. Wag kang magalala 💜
Same case po. I'm 22 years old 8 weeks pregnant, nabuntis ako after I passed my Board Exam. Nag resign ako sa work bago ko nalaman na buntis ako kasi nga pumasa ako sa board and pinag resign ako ni kuya para makapunta sa Dubai. After I found out that I'm pregnant, di ko alam paano sasabihin sa kanila kasi lahat ng plano nila para sakin masisira. Yung isang araw ko parang sobrang haba dahil marami akong iniisip, imagine 6 kami magkakapatid tapos watak watak kamo dahil sa work isa isa kong sasabihin sa kanila yun pinaka huli ko sinabi sa kuya ko at humingi ng sorry ang sabi lang nya "Ok ilang months?" And binigyan ako money dahil nalaman ko na may cyst din ako. Hanggang sa lahat ng pamilya ko nalaman na pwera mga tito tita ko. Ang provlema ko nalang is yung iisipin ng ibang tao. Pero this past few days naiisip ko sila and sabi ko "Pamilya ko nga tanggap ako wala akong natanggap na masamang salita sa kanila bakit ako mqhihiya sa ibang tao?" Ayan nalang lagi ko iniisip hanggang sa matanggap ko sasabihin nila.
A baby is a blessing because not everyone is given the gift of motherhood. Be strong for your self and for the baby. After ka manganak you can still continue to pursue your dreams. It's not the end of life, who cares what other people will say. Bakit sila ba bibili ng diaper at gatas n baby? Hindi naman dba? I am a public school teacher and I got pregnant before marriage. I was anxious and afraid at first but I realized kung lage kong iisipin kung ano ang sasabihin ng ibang tao ano ang mangyayari sa akin. Wla naman silang macontribute n kusing sa aking buhay. Ako at ang partner ko ang bubuhay at magbibigay ng pangangailangan at pagmamahal ng baby namin hindi ibang tao. What's important is tanggap ng daddy n baby at ng pamilya mo ang iyong pagbibuntis.. Show to toher people that you are strong and you are ready to face the consequences of your action. Pray to God all your worries and everything will be alright.. Alam ko phase lang ito ng buhay mo at kayang-kaya mo itong lagpasan. Have a healthy pregnancy mamsh ❤
Tama mommy! The best advice. Thank you for sharing your story 😊 Nakakapanglakas ng loob.
Saaad. Sad not for you but for your baby. Isipin mo mamsh kung ikaw eh isiping hadlang sa kinabukasan nkakalungkot kg nakaka sama ng loob db? Porket ba nabuntis ng wala sa plano eh wala na agad napatunayan o mpapatunayan? Isipin mo, ano kaya mararamdaman ni baby kung ang tingin mo sa pagbubuntis mo sa kanya eh wala kang napatunayan o failure ka. I just want to enlighten you, hindi hindrance ang pregnancy or baby para abutin mo pangarap mo. Wag ka magself pity, be proud of your achievement, becoming a mother. Oo cguro kung iisipin mo gusto mong magkababy pero not at this moment, pero momsh maybe it's God's will. God has His own perfect timing and planfor each one of us. Minsan yung plans nya is different from ours. Everyone has his/her own time, sadya binigyan ka nya ng blessing earlier maybe than others na "kasabayan" mo. There's a lot of time pa para sa dreams mo, at aabutin mo yan with your baby and for your baby. Be proud wag kang mahihiya. You are blessed.
Thank you for enlightening me. It works! Love your advice sis. Tatandaan ko yan. 😊
Sis, it's not the end. Umpisa pa nga lang ulit to ng another phase sa life mo eh. Ganyan din ako nung una, feeling ko hindi pa ko nakakabawi nang todo sa family ko tapos ito na magkakaron na rin ako ng sariling family so medyo nalungkot talaga ako nung una and na-disappoint sa self ko. Pero nilabanan ko yun kasi alam kong binigay rin talaga ni God sakin yung baby ko ngayon at happy kami ni bf. Nauna lang talaga kesa sa plano ko pero I know na I'll still be successful. Basta, ipakita mong kaya mong panindigan and be happy about your pregnancy. Makakabawi ka pa rin naman once nakapag work kana eh basta bumawi ka sa mga taong tumulong sayo. Ignore the negative opinions of others, wla tayong magagawa sa taong tsismosa at matatabil ang dila. Wag ka mag overthink sis. I'm telling you sa una lang yang mga nega comments once nalabas na si baby at nakita nilang masaya ka puro "congrats" na yang maririnig mo. 😅😂😁😇
im a public school teacher. 23 yrs.old not yet married sa bf... araw araw pumupuntang school. malaki na ang tummy kaya klarong klaro talaga... 7 months na kong preggy... lahat ng mga kapitbahay namin ako lage pinagchichismisan, pagdating naman sa school co teachers ko naman nagchichismis about sakin... naturingang role model pero nagpabuntis kahit di pa kasal. 😅😅😅 sa bahay naman walang makausap, galit at dissapointed cla lahat... ang bf ko nasa ibang bansa... si baby lng ang tanging kausap ko. she is my motivation to move forward. hinding hindi ko ikakahiya pagbubuntis ko. oo buntis ako.. oo teacher ako.. oo role model ako.... pero tao lang din naman ako... oo buntis ako at masaya ako dahil may blessing na binigay si God sa akin... di nya basta basta ibibigay ang gift of life sa tyan ko kung hindi ko kya.. binigay niya ito dahil alam nyang kakayanin ko....... walakongpake....
alam ko at naniniwala ako na tatanggapin din ng family ko ang situation ko.. di man ngayon pero alam matututunan din nila itong tanggapin. alam ko yun dahil magulang ko sila at mahal nila ako... naiintindihan ko cla dahil sa expectations nila sa akin kya ganun na lng reactions nila.... wala akong ibang karamay kundi pamilya ko lang..... mahal nila ako. yun ang pinanghahawakan ko.... 😊😊😊
same lang po tayo kaso ako senior high graduating kaso di natuloy kasi nabuntis din ako after n debut ko lang inamin, kabuwanan ko na ngayon, nasa manila ako now sa bahay ng bf ko mababait naman sila dito. lahat ng test na kaylangan kahit mahal pinapagawa para sa ikabubuti ng baby wala naman daw kasi kasalanan ang baby e, sa side ko naman ok naman din wala na rin naman daw magagawa kaya natanggap na agad basta daw alagaan ko mabuti, lagi naman sila tumatawag sakin, nung una family lang din ang nakakaalam kasi ayoko din ipaalam sa iba hanggang sa mga nakakaalam na iba na di ko alam bat nakarating sakanila, hinayaan ko na, di ko naman din ito maitatago sakanila o sa pangungutya nila na kesyo ang bata bata ko pa ganun, tao lang din naman ako/tayo pero bat kaylangan nila tayo pag salitaan ng ganun, nung newyear nag post nako sa socia media na malaki tiyan ko basta positive lang satin mga mommy💗
Thank you be. Baka magpost nalang ako sa social media kapag lumabas na si baby. Ayoko muna mastress kasi sa mga sasabihin nila lalo na kabuwanan ko rin ngayon. Have a safe delivery 😊
Same tayo sis. Kakagraduate ko lng last july then nalaman ko na preggy ako nung nag rerequirments na ko for work. Sobrang na depress din ako nabawasan ako timbang iyak ng iyak bali nalaman ko 6 months na ko, parang 3 months ko lng dinala baby sa tyan kasi maliit lng ako magbuntis at mukhang taba lang. And nanganak ako last november 16 sobrang hirap pero masasabi mo sa sarili mo na sa wakas nakaraos na ko. Tapos ngayon jan nag apply n ko may work na ulit sana ako kaso di ko na naman napagpatuloy dahil may binat pa pala ako sobrang sakit ng ulo. Kaya ikaw pag nanganak ka magpahinga ka lang wag kilos ng kilos para di k magaya sakin para makapag work kna din agad after 2 months ng pahinga mo at wag mawawalan ng pag-asa. Ako down na down pa din pero kinakaya na lang basta patuloy lng buhay. Tsaka na tayo umahon ulit pag ok n ang lahat.
Noted mommy! Same pala tayo pagkaiba ko lang nalaman ko agad buntis ako weeks palang. Thank you for sharing your story 😊 Nakakapanglakas ng loob.
Ako 20 palang kakagraduate ko lang din last June 2019. 7months pregnant Nagplano pako mag apply kasi hindi namildstroke pa tatay ko at walang nagtatrabaho samin. Sobra akong nadown kasi nadissapoint ko magulang ko ngayon walang wala kami, naasa lang ako sa family ng bf ko at bf ko. Ngayon tinanggap nalang ng family ko, bata pa tayo sis pwede pa tayong bumawi sa pamilya natin. Ako pinabayaan ko nalang na pagchismisan ako ayoko itago o ikahiya yung anak ko kasi una hindi naman sila magpapalaki ng anak ko, may tatay din naman yung anak ko hindi ako nabuntis ng kubg sino lang tsaka graduate nako ng college ,legal age na pero hindi lang nakapagtrabaho. Atleast madali na magtrabaho after manganak. Kaya yan pakatatag lang wag mo isipin sasabihin ng iba , isipin mo magiging baby mo. Masama sa baby ang mastress si mommy.
Thank you sis! Di pala ako nag iisa. Thank you for sharing your story 😊 Nakakapanglakas ng loob.
Pareho tayo mamsh. Di ka nagiisa. 😔 Kahit nakapagtrabaho ako saglit, di pa rin sapat para mapasaya ko ang magulang ko.. 23 y/o ako at kakatapos lang ng board exam. After 4 months na pagtatrabaho, nabuntis ako.. Tanggap na naman nila ang nangyare pero laging naririnig ko sa nanay ko, 'kakagraduate lang nyan'. Hiyang hiya ako sa sarili ko. May narating na naman ako, licensed na ko, kaso kasisimula ko pa lang, disappointment na naman ako 😔 Alam kong hindi lang naman simpleng 'taga ahon sa hirap' ang tingin sakin ng magulang ko kasi natanggap pa nila ako kahit nabuntis ako ng maaga. Pero lagi nilang bukang bibig na kapos sila sa pera at ang gastos. 😔 Ipinasa pa ng tatay ko ang responsibilidad ko sa sunod kong kapatid. Nakakapagod talaga ang kulturang nakagisnan natin 😔
Lemarie Nacorda