βœ•

75 Replies

VIP Member

Ako din i get pregnant when i was 16 years old. Ayaw din nila sa daddy ng anak ko noon. Halos di rin ako nag papa check up sguro 6 months na noong nag pa check up ako. Natanggap din nila noong lumabas na ang baby pati ung tatay natanggap na din nila.. maniwla ka mommy. Matatanggap nila yan sa una mahirap talaga sabihin. Believe natatanggap nila yan. The baby is a blessing. Ako nga takot na takot ako kasi ang papa ko sobrang strikto. Kung meron kang kapatid na mapagsasabihan mo. Sakanila ka muna lumapit.

I know na natatakot ka magsabi sa parents mo. Normal lang na magalit sila or sumama ang loob nila sayo, kailangan mo yun tanggapin. Sa edad mo pang iyan na ang bata mo pa at baka nag aaral ka pa. Kausapin mo ng sabay ang parents mo, need nilang malaman yan para narin sa safety ng baby mo. Magulang mo sila, kahit magalit sila sayo matatanggap din nila ang sitwasyon mo. Anak ka nila, at apo nila yang dinadala mo. Pray lang palagi. At mas ingatan mo ang sarili mo. ❀️❀️❀️

Hi mamsh. Better na kausapin mo na parents mo hindi mo naman matatago yung baby mo hanggang 9months e. Tsaka mommy kana isipin mo yung baby mo 6 months na wala ka pa din check up. Yung mga magulang mo oo magagalet sila pero sooner or later matatanggap din nila yung situation mo lalo na pag nakita na nila apo nila. Bilang mommy na wag mo din pabayaan si baby dahil lang natatakot ka sa galet ni parents mo. Panindigan nyo nalang yung baby kahit ayaw pa sa bf mo.

VIP Member

Same tayo pero ako 7mos. Ko sya tinago as in malaki na tummy ko pati daddy ng baby ko hindi pa nila nakikita kasi natakot rin ako pero nung naglakas na ako ng loob umamin ako umiyak si mama pati ung uncle ko na tumayong papa samen lahat sila gulat na gulat pero after ko manganak naibsan lahat ng sama ng loob nila lalo nat bungisngis ang patootie ko. Wag kang matakot theres always a reason why God gave it to you. Wag kang matakot na harapin sila para sa baby mo

Hi 2 months na tiyan ko nong sinabi ko sa family ko na i'm pregnant & everyone was disspointed. Sa una lng yan magagalit syempre tapos mag tatampo d kayang tiisin ng parents ang kanilang mga anak kung mahal ka nila tatanggapin nila yan andyan na yan eh. Pag lumabas na yan sure ako mga magulang mo yung super excited. Pa check up ka na din para mahabol mo yung mga vitamins na need ni baby tapos gatas yung pang buntis para healthy parin si bby. πŸ€—

normal lang magalit ang parents mo sa una, disappointed sila siguro.. pero ang sigurado diyan, ilan beses ka man magkamali, pamilya mo ang tanging masasandalan mo at magulang mo ang bukod tanging di makakatiis sa iyo. sabihin mo na sa kanila ng gumaan na ang loob mo at pra machek up kyo ni baby .. pag nanganak ka na mapapawi lahat ng hinanakit nila sayo panigurado😊. samahan mo ng dasal para unti unti matanggap nila sitwsyon moπŸ˜‰

Sabihin mo nlng sis kawawa din ang bata gaya din yan sakin 5mnths na yung tyan ko tinatago kulang kse takot din ako malaman nila kse strict din sila. pro dinadahan dahan kulang pag sabi kse ang pagbubuntis di ma itatago eh lalaki lalaki yan kaya lakasan mu nlng loob mo sabihin sa family mo di kana masasaktan yan kse malaki na ang bata baka mapano tanggapin mo nlng mga sasabihin nila sana nakatulong ako.😊

Karapatan nilang malaman.. Magagalit malamang bata ka pa eh..tanggapin m na lang ang galit nila.. Matatanggap rin nila yan lalo kapag nakita na nila si baby.. Saka 6 months na yan kelangan m ng payo at tulong sa pagpapalaki ki baby sa tyan mo.. Regular check up ka ba?Baka maya di ka rin nagpapacheck up.. Mahirap na baka maano si baby kapag di nakakakuha ng tamang nutrition.. Sabihin mo para matulungan ka nila..

kung magalet sila tanggapin mo. isipin mo yung anak mo. need na ng check up nyan. kung anong resulta sa magulang mo tanggapin mo. pero sure tatanggapin ka nila. mag pakatatag ka. kailangan mo ng paninindigan. kung sermunan ka ganun talaga. kung palayasin ka sana yung tatay ng baby mo ay responsable par mabuhay kayo. pero believe me once na nasabe mo yan una nilang iisipin na mapa check up ka.

VIP Member

walang magulang na kayang tiisin ang anak.. lalo na pag babae... kailangan stress free ang mga buntis.. better sabihin mo n s knla kesa sa iba pa nila malaman... mas masasaktan sila... pati dpt nung nlmn mong buntis ka dpt nagpapacheck up ka.. khit sinicret mo pa sa parents mo... baka si baby ang maapektuhan nian.. my mga vitamins kc na iniinom ang mga buntis for development ni baby sa loob...

para din pokc un sa safety ni baby.. kaya need ng prenatal check up 😊😊😊

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles