75 Replies
I'm 15 yrs old, i got pregnant when i'm 14yrs old. Nalaman ng magulang ko 2mos na akong buntis, hanggang 3mos naninigarilyo ako. Mabisyo akong babae, sabik sa atensyon, madami ng nakagalaw saaken dahil akala ko di nila ako iiwan. Sinabe ko sa magulang kong buntis ako, mahirap lang nakabuntis saken. Di nakapag aral ng highschool, elementary lang. Minsan di kumpleto kumakain sa isang araw. Pero marespeto, mabait, masipag, kahit hindi nakakatulong magulang nya sa Amin, at sa mga magulang ko bawing bawi ako sakanya hindi niya kame iniwan ng anak nya, mabait lahat papasukin. 19yrsold pa lang sya, magaling din sya sa math. Pero di sya nakapag aral, at nakapagtapos kahit elementary. Minsan nahihiya ako sabihen sa iba na di sya nakapag aral. Pero baket ako mahihiya? Mahal na mahal nya kame. At balang araw, kame naman ang aangat. Sinabe ko sa magulang ko, nagalet sila. Mama ko matapobre sya, sobra. Palaging nakasigaw laging galet. Lalo na akala nya takot sakanya lahat ng tao, galit ako sa mama ko dahil lagi nya ako pinagmumukang tanga sa paggng magulang. At paggng Ako. Galit ako sa papa ko, dahil iniwan nya ako nung 11yrsold ako, iniwan nila ako nag abroad sila. I lost my virginity when i was 12yrsold. Iniwan nila akong lahat, nagpapadala sila ng pera pero di yon ang kailangan ko, magisa kong binubuhay ang sarili ko nabuhay ako sa noodles, pancit canton, lutong ulam, sardinas. Delata etc. Di nila ako masisise baket ako nagkaganito. 3rd year highschool pa lang naabot ko. Pero someday makakapag aral din kame ng papang baby ko. At naniniwala kame sa kasabihan na, hindi lahat ng edukado nakakaangat sa buhay. 😌 dahil daig ng matyaga at marunong rumespeto ang dahilan ng pag angat. Kaya sis, sabihen mona dahil baby mondin ang magsusuffer dapat simula nung nalaman mo na buntis ka pina check mo na agad, at may vitamins kana dapat marami pang mas bata sayo, kaya kumapit kalang. 🙏🏻
I'm 17 yrs old got pregnant at 16 did not abort my baby di ko masikmura gawin sa anak ko yon kahit na Alam Kong malaki magiging kapalit pag tinuloy ko pagbubuntis ko still continued my pregnancy parehas kami natakot ng boyfriend ko that time syempre parehas pa kami menor de edad di pa kami parehas graduate ng highschool nagplano kami maglayas ng hndi Alam ng kahit Sino na magkakaanak na kami sobrang na stress kami Ang hirap mag desisyon Alam naman namin na dapat magsabi kami sa pamilya namin pero nakakatakot talaga lalo na sa family ko halos isumpa nila Yung boyfriend ko what more Kung malaman nila diba? Baka patayin pa nila daddy ng baby ko o ipakulong nag pray na lng ako Kay Lord na bigyan nya kami ng guidance at lakas ng loob para gawin Ang Tama after a few weeks nagsabi na kami sa pamilya namin at first talagang magagalit sila sayo pero pag nanjan na Yung anak mo sis believe me worth it lahat right now okay naman kami ng pamilya ko tanggap na rin nila boyfriend ko..also 6months kana kailangan mo mag pa checkup if Wala ka budget sa center ka mag pa checkup wag mo pabayaan health mo at ni baby sayo sya nakadepende ngayon Kaya try na hndi ka mastress Kaya nyo Yan sis if nakaya namin ng partner ko at ng iba pang teen Mom Jan so can you always pray hoping for good health sayo and Kay baby mo godbless!❤️
Hi mommy! I just want you to know that I know what you are feeling right now dahil dumaan din ako jan. I got pregnant with my baby boy when I was 18 and I knew that I'm pregnant with him when he was about 4 and a half months already. Sobrang kaba ko nun kasi takot ako dahil paano ko nga ba sasabihin sa parents ko eh kakagraduate ko lang ng shs and pano ako magpapatuloy ng studies ko? They also don't know that I have a boyfriend imagine their shock when I told them that I'm pregnant without them knowing that I have boyfriend. Like yours, strict din ang parents ko but yes matigas ang ulo ko dahil di ako nakinig sa mga precautions nila sakin. But you need to tell them asap because in reality they will be the one who's gonna support you. Sa tatay ng baby mo, always remember na lalaki lang yan. In right time kung kayo talaga, wala ka dapat ikatakot dahil kayo din naman sa huli kahit anong mangyari. But for now, focus on your baby first. Tbh ako i broke up with my son's father because I know this is not the right time for us and we both need to grow up para sa anak namin kaya ayun hahaha wag ka masyadong magpapakastress. I know hindi maiiwasang malungkot pero always remember na di ka na nagiisa ngayon and sayo kumakapit ang baby mo so you need to be strong for the both of you.
Be same tayo in also 19 now. But i'm currently 3 months and 3 weeks preggy. Last week of oct nung nalaman kong buntis ako. nag aaral ako pa ko 1st year education. Nag stop na agad ako nung nalaman ko na buntis ako kahit alam kong magagalit mga magulang ko 1 month din akong di umuwi samin at alam naman ng mga magulang ko na nasa bf ko ako. because when i was turned 18 my mother gave me freedom. Sabi nya do what ever you want you are in a legal age. if you want to continue your study go tell me. pero make sure na tatapusin mo. So ayun nag stop ako ng isang taon bago mag college para nag work at sa bf ko ako tumira so ayun una nagagalit sila na nag sasama na kami bg bf ko pero naging okay din tanggap naman nila ang bf ko at nasasabi kong isa syang responsable. so ayun nag aral na nga ulit ako at nalaman ko ngang buntis ako nag stop na agad ako then nag pacheck up agad kami ng bf ko but until now di ko padin masabi sa mga magulang ko :( Natatakot padin ako sa mga sasabihin nila :( Kahit pinag aawayan na namin minsan ng bf ko na sabihin na pero parang di padin talaga ako handa :( Sobrang nakakalungkot ako :( Kaya natin to sis! malalampasan din natin to 😉
Ganyan din ako before 7months na tyan ko nung nag pacheck up ako sa awa ng dyos okey nman baby ko paglabas healthy din sya.😊 skl.
I'm 18 years of age. Kaka 18 ko lang nung nabuntis ako. Strict ang daddy ko. Legal kami on his side at sa mom ko pero sa daddy ko hindi. I was 6 or 7 months when he found out. Nasa abroad daddy ko. Nag comment kase byenan ko sa isang post ko sa fb ng "Swerte taaga pag juntis" after a few hours sinend sakin ng dad ko ang screenshot and tinanong nya kung may dapat daw ba syang malaman. And ayun, nalaman nya na. Akala ko sobrang magagalit sya, sobra ako natakot nun kase sa side ng papa ko malaki ang expectations nila samin. Sobra din takot ko nun kaya tinago namin sa kanya ng ganon katagal. And now, alam na din ng side ng dad ko, ng lahat. Nakakatanggal ng tinik sa damdamin.😊 Yung feeling ng makakahinga na kayo ng maluwag. Alam ko hindi madali at lalong hindi mo alam kung paano sisimulan pero trust me, matatanggap din nila yan kahit magalit sila. Sa una lang yan magagalit.😊 Kaya mo yan. 8months preggy na pala ako ngayon hehe. Ps. Tumira nako sa bahay ng LIP ko nung nalaman ko buntis ako. 2 months preggy ako. Yung LIP ko naman naghanap agad ng trabaho. 2 months din kaming tengga sa bahay nila.
buti pa kayo live in na kami magkahiwalayparin ayaw nila hays im 5 mos preggy
Wag kang matakot na savhin sa family mo sis na buntis ka'...sana nga nung unang bwan palang ng pagbubuntis mo eh cnav mo na para nman naalagaan ng mabuti yang baby mo ipagpray mo lang sana na ok si baby mo lalo na't wala palang check up check up yan...savhin mo na sa parents mo sis Magagalit oo natural lang yun sa nanay at tatay mo kac nga nagkamali ka' at masyado pang maaga lalo na't 19 ka palang at lalo na kung mataas ang pangarap ng family mo sau' talagang magagalit yun... Syempre kapag cnav mo sa kanila dapat ready kana sa mga sasavhin sayong masasakit na salita' accept lang ng accept iiyak mo lang yung sakit na salita na manggagaling sa magulang mo'... Nagkamali ka eh kaya tanggapin mo...galit sayo ang parents mo sa una lang sis nd maglalaon mapapatawad kadin nila lalo' na kapag naisilang mo na yung baby mo'... Walang magulang na nd kayang tiisin ang anak' kaya mapapatawad kadin nila sis pag nalaman nila secret mo'.... AJA' 😊😊😊
Hi mommy! Same lang tayo ng situation nun. I’m 20 years old tapos 7 months na ako nung nalaman nilang buntis ako kasi sobrang strict din ng parents ko. Yun pala, hinihintay lang talaga nila ako na magsabi. Though galit sila nung una, nag iiyakan pa nga kami eh siyempre nag aaral pa ako nun tapos ngayon kailangan ko na mag stop para mapalaki ang baby ko. Pero ngayon, supportive na sila sa ilang weeks pa ng pagbubuntis ko. Mali nga lang na di ka nagpacheck up, kasi ako as soon as nalaman naming buntis ako ng boyfriend ko (3-4 months na nun) nagpacheck up talaga ako para maging healthy ang baby ko at ako siyempre. May tamang time naman para sabihin yan sis, paghandaan mo na lang yung araw na yan kasi makakarinig ka talaga ng masasakit na salita pero kakayanin mo yan basta andyan din ang boyfriend mo to support you and your baby. Kinaya ko kaya kakayanin mo din yan! Goodluck and pakatatag lang para sa baby mo.
Same here, 2months na nung nagsabi ako. Una kong inopen ung situation ko sa mga pinsan ko, and ayon nakwento nila sa mga tita ko. Then ung isang tita ko tinulungan ako magsabi sa mother ko, (Strict din sila pero syempre inisip nila ung kapakanan ko and ni baby) so nung nagsabi na tita ko sa mother ko, ako todo sorry nlng kay mother. And ung mother ko kumausap sa father ko, kasi maselan din ako magbuntis, so mula non tinulungan na ko ng mother ko sa lahat, mula sa gastos sa hospital and nabigyan nya ng work ung bf ko. Hati na kmi ngayon sa gastos and im currently 24weeks preggy, and excited na silang lahat sa paglabas ni baby to the point na nagplan na sila ng baby shower. Kaya mo yan momsh, and dapat kasama mo bf mo kapag magsasabi ka. Syempre natural na ung galit, pero soon magiging ok din lahat. Kailangan mo na din magpa checkup kc dapat nainom ka na ng vitamins nyo ni baby.😊
Hi hihi ganyan din ako pero nung nalaman ko buntis ako ngpacheck up ako agad to know na may baby talaga ung tiyan ko weeks plang ata ngpacheck up nko kahit walang nakaaalam pero mas maganda sabihin mo na agad sooner or later malalaman din nila atleast gagaan na ung kalooban mo mg 7 mos nko ng nlaman ng parents ko pero ok nman xempre nagalit kasi nag aaral pako iniiyak ko lng at tinanggap ung mga galit nila pero naging ok din nman kaya mag hihigh school na panganay ko ngaun pero salamat padin ako kahit papano sinuportahan ako ng bf ko dati na asawa ko nadin ngaun..kaya mo yan magiging mommy kna kaya mgpacheck up kana at magsabi sa parents mo xempre dapat kaharap ung bf mo o ama ng baby mo para atleast alam nila na pananagutan yan nangyari sau ok..goodluck..
Ganyan din ako mamsh partida graduating pa ko nung dpa lang ako nagkaron ng 1month ramdam ko na buntis ako kase di naman irreg mens ko at sabay sabay kame ng mama at kapatid ko nagkakaron pero hinayaan ko lang inantay ko lang na baka magkaron ako nung pagtungtong ng 3mos ng tyan ko nagstart nako mag ojt dko masyadong iniisip baka bigla komg tamarin pagdating ng 4mos na wala padin ako dun ko na naramdaman yung pagsusuka at pagkahilo pero pumapasok padin ako gumigising ng maaga lumalaki nayung tyan ko 7mos na nalaman ng pamilya ko na buntis ako si mama na nakahalata tinanong ako tas dna ko nagsalita natural na magagalit pero promise mamsh matatanggap din nila yan di naman nila pwedeng sabihin na ipalaglag mo yan naging magulang din sila.
Anonymous