โœ•

108 Replies

sis chill ka lang. ako nga 18 lang din sobrang strict ng parents ko and 4 months na nung nalaman ng fam ko na buntis ako di naman sila nagalit actually tuwang tuwa pa sila and super proud dad ko kasi magiging lolo na sya also yung mom ko din ganun hahaha sis lakasan mo lang loob mo kayang kaya nyo sabihin yan. mas mahirap kasi pag pinatagal nyo yan and mahahalata din kasi yan ng fam mo sigurado ako. goodluck sis!!โ˜บ

VIP Member

harapin nio lang ng magkasama ang family mo sis. tell them, admit na nagkamali kayo, and handa kayo harapin ang pagkakamali nio. ask for their forgiveness and understanding. if hindi pa nila maaccept, wag nio muna ipilit. tanggapin nio lang. kasi kayo ang may pagkakamali. wag magtanim ng sama ng loob sa family mo. wait nio na maging ok sila. kasi minsan di madali tanggapin un sa part ng magulang natin. ๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š

VIP Member

If magalit parents mo po.. Natural lang yun. Syempre as a parent meron disappointment, kasi mga parents marami pangarap sakanilang mga anak.. Pero wala naman parents ang Di kayang tanggapin ang anak, tanggapin mo lang kung pagagalitan ka.. Kasi in the 1st place naman ndi naman cla magagalit kung ndi tau gumawa ng ikaka galit nila.. Pero mas maganda habang maaga malaman na nila mismo sau.. At ndi sa ibang tao..

Amin mo na habang maaga pa baka malaman SA iba Lalo pa sila magalit sayo Kaya dapat habang maaga pa ipaalam mo na para di kayo mg kasira ni Mama mo or papa mo at walang nanay na di kayang tiisin Ang anak Tayo mnga anak Kaya natin sila tiisin pero Ang magulng di kayang tiisin Ang anak Kaya Kaya ka patawarin ni Mama mo at Papa mo tatampo Lang Yan pero mawawala din Yan Kasi ganoon Tayo kamahal Ng magulang

Kung gano kayo katapang mag desisyon para gawin yan kahit alam mong bata pa kayo, ganon din dapat kayo katapang para ipaalam sa magulang nyo yan. Para na din sa safety ni baby. At maalagaan agad habang maaga pa. ๐Ÿ˜Š Okay lang magalit sila kase magulang sila na may pangarap para sa anak nila. Kaya saluhin nyo nlang galit nila. Apo nila yan, dugo't laman nila yan kaya matatanggap nila yan ๐Ÿ’•

VIP Member

Mahahalata po mismo ng parents mo yan especially your mom. I know how it feels po. Sobrang takot ko nun kaya nagawa kong itago pero nahalata pa din. Noong una dinedeny ko pa tas di ko na din nakayanan after 5 months alam na nila tapos nafeel kong disappointed sila kaya iyak nako ng iyak pero di sila nagalit. tinanggap pa nila at sinuportahan ako lalo na't alam nilang mahina loob ko.

Grabe parang pareho tayo nung 10 weeks pregnant ako. Sakin di naman sila nagalit. Think positive lang maiintindihan ka nila. Kung magagalit man, sa umpisa lang yan they will still support you lalo na't apo nila yan tsaka blessing yan โ˜บ๏ธ And di ka naman mag isa kasama mo boyfriend mo kahit ano man yung magiging result. Goodluck, maging honest ka lang. And maging strong!! ๐Ÿ’—

Sooner or later malalaman nila pagbubuntis mo, kaya maaga pa lang magsabi ka na at maganda na sayo manggagaling kaysa sa ibang tao. Walang madaling paraan pero ikagagaan ng puso mo kung magsasabi ka ng totoo. Ang galit ng magulang andyan lang yan, i-accept mo yun. Pero once na nakita na nila apo nila lahat ng sakit at sama ng loob mawawala. Godbless you momsh. ๐Ÿ˜‡๐Ÿ˜Š

same here mamsh Iโ€™m 18 years old and 32 weeks pregnant. di ko inamin sa parents ko nung una pero pinaamin din ako kasi halata na. sa una may masasabi talaga and iyakan ganon pero eto todo support sila and mas excited pa sakin. tatanggapin din nila yan and susuportahan ka pa. mas masarap magbuntis nang hindi tinatago and walang kinikimkim. iwas stress din.

VIP Member

18 din ako nung nabuntis ako. Nagalit mama't papa ko sakin kasi tatlong buwan na tyan ko non tsaka nila nalaman. Binugbog ako ni mama kasi nahalata na nya na ang laki ng puson ko. Sa sobrang galit nya di nya napigilan sarili nya. Si papa sumama naman ang loob. Pero nung nanganak anak ako at nakita nila yung apo nila sobrang saya nila ๐Ÿ’–

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles