malamig
im 18 weeks preggy. Hindi nman sa naghahanap ako ng sex pero hindi kmi nagsesex ni LIP,naiilang daw sya kasi my baby sa tummy ko, which is okay lang kahit wala pero hindi ko rin sya nkakatabi matulog kahit my chance naman na matulog kami ng sabay o magkatabi. Kahit yakap wala... Minsan katabi ko sya pero nagigising ako na andoon sya sa sala kung hindi natutulog,nagccp. Madalas pag gising na ako saka sya matutulog. Minsan naiisio ko may iba sya khit imposible kasi share kmi ng cp, alam ko password nya pwede ko basahin lahat ng gugustuhin ko mabasa, nagkwekwento din naman sya about sa mga kaworkmate nya. Naiiyak ko pero Ayuko nman magtanong.
ganyan din po asawa ko. matutulog kung kelan gising ako. pag tulog ako nandun sa sala naglalaro. di rin kami nagtatabi kase nasa gitna ung anak namen panganay. minsan napapaisip din ako na baka may iba sya. pero alam kong di nya magagawa un kase pareho kaming galing sa broken family at alam namen kung gano kahirap lumaki ng di kumpleto ang pamilya kaya alam kong di nya magagawa yun kase ayaw nya maranasan ng mga anak namen kung ano yung mga naranasan naming dalawa. tiwala ka lang kay hubby mo sis. pag may nakita ka nang sobrang nakakaduda tsaka ka na magisip ng kung ano ano. wag mo istress sarili mo ngayon baka makasama kay baby.
Magbasa paUng asawa ko, pagising ko din wala na sa tabi ko.. Tinanong ko kung bkit.. Sabi nia nara2mdaman nia c baby pagsumisipa.. At natatakot din cya na madantayan nia ung tiyan ko.. Nung d pa ksi ako buntis madalas nakadantay at yakap c hubby sakin.. Ung sex pwede cya as long na d ka sensitive magbuntis.. Kung magsex man kau magready ka ng pampakapit..binigyan ako ng ob ko nun incase d nmin mapigilan..
Magbasa paBaka yun nga sabi mo naiiilang siya and at some point natetempt pa rin siya na galawin ka. Pero kasi the only way to stop his urges eh di tumabi sayo. Si hubby naman ganyan din na na naiilang baka mapano daw si baby. Pero tabi pa rin kami matulog and sometimes napapansin ko nagsosolo nalang siya or something like that to relieve yung urges nya. Sarisariling pamamaraan siguro ganun.
Magbasa paPaliwanag mo po sa kanya na ok lang ang sex as long na hindi risky ang pregnancy mo po at tungkol sa kung meron po syang iba wg ka po paka stress kasi mukhang open naman kayo sa isat isa eh trust lang po kailangan tapos masama rin sa baby ang stress kakaisip kung may iba si mister
Nag iingat lang siguro siya siyempre ayaw niya namang may mangyaring masama sayo. Pero hindi naman hadlang ang pagiging buntis sa pagiging intimate niyo sa isa’t isa. Kausapin mo siya about dyan.
ako nmn baliktad. ako yun may ayw pero may times na pinag bbgyan ko cia. sarap lang sa pakiramdam na superr naiintindihan nia ko everytym na tumatanggi ako dahil sa pagod at minsan wala sa mood...
baka naiilang lang talaga sya. try to open up to your hubby. magresearch kayo pareho if safe ba or better ask your OB para di na sya mailang pag nalaman na okay lang naman.
Kausapin mo momsh. Sabihin mo yung mga questions na nasa isip mo. Tska safe naman ang sex during pregnancy. Bsta di risky yung pagbubuntis mo huh.
Aw dapat may kilig factor parin kahit buntis kana mamsh. Kase madamdamin pa nmn kapag buntis, Wala naman masama kung magtabi kayo matulog :)
Buntis ka lang sis, wag mo gawan ng pangyayari na sa isip mo lng nag eexist. Massira kayo nyan.