Hindi namin alam if paano sasabihin sa parents ko

I'm just 17 years old and 7weeks napo akung buntis?. Alam ko po masyado pa po akung bata☹️. Humihingi po ako ng advice kung ano po gagawin namin para masabe sa parents ko sobrang natatakot po talaga kase ako?.

52 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Based on my own experience it's better to tell them, masasaktan sila yes, magagalit yes, madi disappoint yes, but at the end of the day anak ka padin nila at hindi ka nila kayang tiisin. Kung may masabi man sila sayo na masakit tanggapin mo lang, iiyak mo lang. Ako nun isa lang ang sinabi ko after nila ko masermunan, dahil 3rd year college na ko that time, ang sinabi ko sa kanila kahit nabuntis ako ng wala pa sa oras I'll still continue my studies, pumapasok ako ng school kahit malaki na tyan ko, yung mga nagbubulungan na mga fellow students ko dedma lang, kasi ang nasa isip ko nun magtatapos ako hindi lang para sakin, kundi para sa parents ko at lalong lalo na sa future ng baby ko, and now I am a degree holder in tourism management. Mahirap pagsabayin ang pag aaral at pagiging mommy but it was all worth it. Kaya wag mong iisipin na katapusan na yan ng pangarap mo, make that baby your another reason to continue to pursue your dreams 😇😇😇

Magbasa pa
Related Articles