Pa rant sa mga Insensitive people at mga body shamer.

Im 11 weeks preggy. Sobrang selan and matindi maglihi. Panay suka. Before pa ko mabuntis payat na talaga ko. Yung timbang ko around 45 to 48 lang talaga yan until now na nabuntis na ko. Mas malala lang yung figure ko now kasi halata talagang hirap ako sa pagbubuntis. Pero bakit may mga insensitive people talaga na malakas ang loob sabihan ka ng '' Ang payat mo sobra kumakain kapaba? '' o '' Hala ang pangit mo magbuntis sobrang payat mo magkakakain kanaman! '' Like wtf? Muka ba kong walang pangkain? Di ba nila na ggets kung gano kahirap pinagdadaanan ko? Sino bang may gustong maghirap ka diba? Na i stress ako pag bina body shame talaga ako. Naturingang ina rin naman sya. Swerte nya lang di nya napagdaanan pinagdaanan ko ngayon.

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hello. Same tayo nung nag buntis. 49 kg prenatal weight, 5'5" pa ako. Kaya nung naglihi ako pumayat ako lalo. Hindi naman ako nabody shame pero nacompare lang ako ng MIL ko sa pamangkin niya na previously pregnant. IDK siguro hindi niya na experience and although nasa iisang bahay lang kami, sinabi ko parin na "naglilihi pa kasi ako, kapag natapos paglilihi ko tataba rin ako." Ayun nga nung tumaba naman ako naging 68-70 kgs ako, pinapapayat na naman ako 😅🤦🏻‍♀️ ako lang naman ang tumaba baby girl ko 2.4 pinanganak. Kaya kung iisipin at pakikinggan mo lahat sanasabi nila mai-stress ka talaga. Pandemic nuon lockdown kaya walang nakakakita saakin, at ayoko rin mastress sa opinions at unsolicited advices kaya wala rin akong sinabihan na buntis ako until manganak ako. Like nahihilo na ako sa tao loob ng bahay, ayoko na dagdagan 😅🤣

Magbasa pa