lose weight

nakakainis yung mga feeling may alam sa pregnancy journey mo. i just want to share it mga mommies kase sobrang nakakabwisit talaga! alam ko naman na naglose weight talaga ako. pumayat ako dahil wala talaga akong gana kumain lalo na nung first trimester ko. nung follow up check ko from 55kg to 48 na lang ako. pero di ko naman ginusto yan. kahit gusto mo naman kumain kung di talaga tinatanggap ng sikmura mo anong magagawa mo diba? jusq yung mga kawork ko napakadaming side comment na kesho nabuntis ka lang nag aadik ka na. kase nga pumayat ako which is nasasaktan ako sa mga sinasabi. napakainsensitive. may nagsabi pa na kumain ka kase ng madami. huh???? kung ganon kadali sana diba ginawa ko. wala naman sila sa posisyon ko pero ganun na lang magsalita. ang insensitive sobra. may nagtatanong pa ano daw bamg pinaggagawa ko? parang ang sama sama ko na. di ko alam anong irereact ko everytime na ginganyan ako. lakas na mangbody shame. #1stimemom #advicepls

6 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ignore mo lang kamamsh kasi iba iba tau magbuntis..kala nila pagnabuntis tumataba..kausapin m OB mga pde vitamins pra nd ka nanawalan ng nutrients and sexy kana while buntis..nd ka mahihirapan dalhin baby m until panganganak m may iba buntis tumataba hirap na lumakad tulad ko..so be blessed and ignore the negativity..sensitive tau mga buntis..and also inggit lang cgro mga yan either nd pa nabuntis or nd kasing sexy m nagbuntis sila..ganern..always remember ur health and baby is ur primary concern..huggsss to you

Magbasa pa
3y ago

thank you 🥺🤍

Sabihin mo lng din yung side mo para alam nila maintindihan nila😊 hnd ks tayo pare-pareho magbuntis meron tlgabg differences sa bawat babaeng nagbbuntis.. mag pray ka lng momshe na stay healthy kayo ni baby mo.. godbless.. wag ka mastress sakanila unang una hnd namn nila kilala ung buong pagkatao mo pra i judge ka nila..si lord na bahala saknila and sainyo ni baby mo😇

Magbasa pa

Hayaan mo na lang sila. Bawal ka kasi mastress. Pero kung ako ung sinabihan ng ganyan ang sasagot ko siguro is "wag ka na mainggit, pabuntis ka dn para pumayat ka..." or something along the lines "maganda lang ako magbuntis, d gaya mo..." Ang puno't dulo kasi ng body shaming is really just jealousy. Mahirap tlaga ang first tri kasi andun ung morning sickness.

Magbasa pa

ignore their words momsh...bawal stress pagbuntis...ganyan din ako nun from 58kg down to 47kg...lahat ng kinakain ko eh nilalabas ko rin...pag nakarinig ka ulet just say 'naglilihi ako kaya ako sumeksi...and "help me to keep my baby inside me tru stressfree' pag ayaw parin tumigil sapakin muna 😁kaysa kaw maistress hehe

Magbasa pa
TapFluencer

It’s normal mommy. Losing weight during pregnancy is very normal dahil sa paglilihi. Kapag tinanong ka kung anong pinaggagawa mo bakit ka pumayat, isagot niyo po, “naglilihi ako”.

same po wala akong ganang kumain bumaba dn timbang ko kaya sinabihan ako ni doc na kain ng kain kahit pakunti kunti para kay baby...pati vitamins ko dinagdagan nya