31 Replies
6 pcs each binili ko para kay baby boy ko 😊 6 sleeveless 6 short sleeve 6 long sleeve 6 pajama 6 shorts Yung kalahati 0-3 months yung kalahati naman 3-6 months 😊 okay na maluwag kesa masikip. Hehe
Sa akin, kunti lang binili ko, yung sakto lang para may pang palit si baby (mga 20 pcs lahat) . kasi madaling lumaki si baby at sayang yung damit dahil saglit lng nya magagamit.
Ganito lng sis tig3pcs sleeveless,3pcs short sleeves, 3pcs longsleeves,6pcs short, 6pcs pajama. Pero dagdagan ko pa tig tatlo un mga sleeveless
Tig 6pcs. Pero meron akong di nagamit like longsleeves summer kasi nung nanganak ako. Pag gabi nakaswaddle siya.
More or less 6pcs each po since madaling kalakihan lalo na yung new born size. Siguro 3pcs sa malalaking sizes
Tig 6pcs lamg po lahat. Sabi nga po sakin masyado daw madami kasi mabilis daw po lumaki si baby.
Tig 4 sakin 4 na sando 4 na may manggas 4 na longsleeve tas tig 7 naman sa shorts at panjama
Tig 6 po sakin tapos yung pajama 12pcs kasi novermber ako manganganak kaya malamig panahon
3 mittens 3 booties 3 long sleeve 3 short sleeve 3 sando 3 shorts 3 pajama 5 onesies 😊
6 sets each, pero yung pajama marami kasi naka pajama yung baby ko kahit morning