10 Replies
Usually 3 months. Sa baby ko hindi dumaan sa ganyan. Nagigising lang siya sa gabi pag dede lang kahit new born siya tapos tulog ulit. Gawa po kayo ng routine everynight at kailangan madilim na madilim ang kwarto kung magpapalit ng diaper gamitan lang ng mobile o lampshade tapos patayin ulit. Huwag siya laruin/kausapin pag nagigising siya at hayaan lang hanggat makatulog. Hanggang ngayon ang baby ko 19 months na nakasunod pa rin sa routine kaya pagpatay ko ng ilaw alam na nya tulog na dapat. Before 7:30pm tulog na siya. Routine namin ngayon halfbath, milk, toothbrush, akyat sa kwarto, book tapos patay ang ilaw na, prayer at hindi ko na siya kakausapin hanggang makatulog siya. Routine lang yan at malaman nya ang susunod na mangyayari.
Depende po siguro sa baby po. Ako kasi in my case mag 2 mos si baby ok na po tulog nya. Ang ginawa ko po is pag sleeptime na po nya dimlight lang po at walang noise para alam nyang sleeptime na yun. And i practice po na 6pm bathtime then massage ko sya then sleep na.. though magigising pa din sya pag gutom po
Depende po sa baby, maganda po bigyan mo sya ng bedtime routine kasi good din yan for their development. Before mag 2mos si lo ko, di na ako hirap sa kanya magpatulog. Gigising lang sya ng madaling araw pag magpalit ako ng diaper & hingi ng dede pero makakatulog ulit, umaga na next gising. :)
Mag tatlong buwan na c baby ko mga 2 or 3 am gising hanap dede palit diaper tas 7am gising nia minsan d pare parehas eh
Depende po.establish a routine po para makasanayan ni baby and madifferenitiate nya ang night and day. 😊
lo ko 5 months sobra himbing n tulog sa gabi..ggcng lng para dumede..tas back to sleep after mapa burp
Ang anak ko po, turning 4 months OK na ang tulog, gigising lang pag nagugutom
Depende po siguro pero baby ko po by 2mos ok na yung tulog nya ng gabi. :)
3 or 4months po pro nakadepende prin po sa baby.
3 months po kay lo q