Labor + CS double kill

Ikekwento ko lang yung nangyari sakin bago ako manganak, Since gusto ko kasi manganak ng normal delivery, Nagdecide kami ng husband ko na manganganak ako sa lying in lang.(1st baby namin) Para mas tipid at mas safe compare sa mga hospital ngayon. Ang nangyari, naglabor nga ako ng 9hrs pero still 5cm lang ako. Hindi ko alam kung may ganon talagang ibang lying in na sobrang pahihirapan ka sa paglalabor. Ang nangyari kasi sakin ay, pinahiga lang ako at naka left side LANG! kaya sobrang ramdam ko yung pain ng paglalabor ko. Patakaran daw nila iyon. At bawal pa sakanila ang naka tayo, naglalakad lakad,naka right side habang naka higa or naka upo. since 1cm palang naman po ako non, hindi na nila ako pinauwi at inacommodate na nila ako don for labor. Nag labor po ako ng from 10pm to 7am ng umaga 1cm-5cm lang ang dinagdag at inadvice pa kaming, Hindi daw ako agad agad paaanakin hanggat hindi puputok ang panubigan ko. Which means, na kahit mag 10cm ka pa, kung hindi pa puputok panubigan mo, hindi pa nila ilalabas ang baby. Hindi ko alam kung mamamatay nako non sa sobrang hirap ng dinanas ko don e. Sobrang sama ng loob ko talaga sakanila. Bukod sa mukhang pera na nga sila e, napaka unethical pa ang paguugali ng mga midwifes. Kaya noong tumawag parents namin from provice na sobrang nagpapanic narin sa nangyayari. Pinag decide na akong mag CS nalang,. may silbi din naman yung clinic na pinunyatan namin dahil, hindi kami agad agad makakapasok sa hospital na kung saan ako inoperahan for CS kung wala kaming recommendion from them. Nagbayad pa kami ng 600php lang naman don sa lying in bago kami tinakbo sa hospital . Bayad na siguro yon sa unli IE ko don at accommodatetion namin ng husband ko. Nagpapasamalat nalang din talaga ako sa panginoon dahil safe kaming dalawa ng baby ko at ang dami niyang napaaliw sa dimple niya :) Meet my Princess : Rein Abysz DOB: May 24, 2020 EOD: June 1, 2020 Via : CS

27 Replies

Saan pong lying in yan mommy? Btw, worth it naman po. napaka cute ng baby mo.lalo yung dimple nya oh. Congrats and God bless po! ♥️

VIP Member

Ganyan rin sakin left side in 24 hours nkahiga para dw mabilis lumabas c baby. Sa public hospital po ako nanganak.

Sna pag panganak ko hd din ako mhrpan first baby din huhu exited na ntatakot july na due. Ko😊

Wow.. Congratulations! Sis if u dont mind..mga magkano nagastos mo for CS? Thanks.. 😊

Congrats mommy at least safe kayo ni baby yun nalang isipin mo palakas kayong dalawa.

So cute 😍 congrats po . God bless & Good health po sainyo ng baby mo 😊

Cute naman may dimple. Congrats momsh

VIP Member

Cute naman ng dimple 😊😊😍

Congrats Sis.. Yung Dimple 😍

same situations tau momsh

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles