Sheena Voloso profile icon
PlatinumPlatinum

Sheena Voloso, Philippines

Contributor

About Sheena Voloso

Mommy of Baby Selune

Posts(11)
Replies(268)
Articles(0)

Welcome My Baby Selune😍😍

Due Date: June 27, 2020 Date of Birth: June 26, 2020 Normal Delivery with tahi 39 weeks and 6 days 3.3 kgs Let me share my experience as a first time Mom. Nagkaroon ako ng mucus plug nung morning ng June 25 then I advised my OB, sabi nya check ko na daw if magkaroon ng contractions and the interval. So yun nga lumipas ang maghapon pasakit sakit na sya usually ang interval nya ay 2 to 4 hours and super tolerable pa ng pain so naglaba and naglinis muna ako ng bahay. Then lakad ng 30 mins. sa hapon. Anyway, di kopo na try kumain ng pineapple, squats and primrose ba yun.. exercise lang tlaga nalakad 30 mins. starting 6 months ako. Hindi din ako inadvise ni OB na gawin yan basta wag lang daw puro upo para di mamanas. Going back, ayun na nga. Naging consistent yung pain nung nag gabi na halos 30 mins. to 1 hour nalang ang interval nya so hindi nako nakatulog magdamag. Hanggang nag 6 am na 10 mins. Interval na yung pain then we decided na na pumunta kay ob ng 9:45 am since 2 mins. nalang interval nya..then ie nya ako 5 cm na daw from 1 cm for two weeks..at last.. Tapos pinakain nya muna ako ng light food then pinutok panubigan ko ng 12:30 then dun na nagstart yung pain na kahit kailan hindi ko na imagine.. halos sumisigaw nako then inaawat nila ako kasi mapapagod daw ako.. bandang 1 pm di ko na tlaga kaya halos iring iri nako tapos almost 30 mins. nako pinairi..then after ng pang 7 na ire..ayun sa wakas lumabas na si baby at dire diretso na..naire padin ako then sabi ob..oopss tama na okay na hahaha... Sarap sa feeling tapos kasunod yung placenta..damang dama ko.. and since napagod ako sa labor ..wala nakong imik nung tinatahi na yung pwerta.. sorry ang haba haha.. I realized na kapag gusto na talaga lumabas ni baby, lalabas at lalabas sya pag ready na!! 😊😊😊 Goodluck to the other team June!! God Bless πŸ˜ŠπŸ˜ŠπŸ˜ŠπŸ˜‹πŸ˜—πŸ˜™πŸ˜πŸ˜˜πŸ˜˜πŸ˜πŸ€—πŸ˜

Read more
Welcome My Baby Selune😍😍
 profile icon
Write a reply