βœ•

Labor + CS double kill

Ikekwento ko lang yung nangyari sakin bago ako manganak, Since gusto ko kasi manganak ng normal delivery, Nagdecide kami ng husband ko na manganganak ako sa lying in lang.(1st baby namin) Para mas tipid at mas safe compare sa mga hospital ngayon. Ang nangyari, naglabor nga ako ng 9hrs pero still 5cm lang ako. Hindi ko alam kung may ganon talagang ibang lying in na sobrang pahihirapan ka sa paglalabor. Ang nangyari kasi sakin ay, pinahiga lang ako at naka left side LANG! kaya sobrang ramdam ko yung pain ng paglalabor ko. Patakaran daw nila iyon. At bawal pa sakanila ang naka tayo, naglalakad lakad,naka right side habang naka higa or naka upo. since 1cm palang naman po ako non, hindi na nila ako pinauwi at inacommodate na nila ako don for labor. Nag labor po ako ng from 10pm to 7am ng umaga 1cm-5cm lang ang dinagdag at inadvice pa kaming, Hindi daw ako agad agad paaanakin hanggat hindi puputok ang panubigan ko. Which means, na kahit mag 10cm ka pa, kung hindi pa puputok panubigan mo, hindi pa nila ilalabas ang baby. Hindi ko alam kung mamamatay nako non sa sobrang hirap ng dinanas ko don e. Sobrang sama ng loob ko talaga sakanila. Bukod sa mukhang pera na nga sila e, napaka unethical pa ang paguugali ng mga midwifes. Kaya noong tumawag parents namin from provice na sobrang nagpapanic narin sa nangyayari. Pinag decide na akong mag CS nalang,. may silbi din naman yung clinic na pinunyatan namin dahil, hindi kami agad agad makakapasok sa hospital na kung saan ako inoperahan for CS kung wala kaming recommendion from them. Nagbayad pa kami ng 600php lang naman don sa lying in bago kami tinakbo sa hospital . Bayad na siguro yon sa unli IE ko don at accommodatetion namin ng husband ko. Nagpapasamalat nalang din talaga ako sa panginoon dahil safe kaming dalawa ng baby ko at ang dami niyang napaaliw sa dimple niya :) Meet my Princess : Rein Abysz DOB: May 24, 2020 EOD: June 1, 2020 Via : CS

27 Replies

Ganyan daw po talaga pag sa Public hospital ka manganganak. Pa git daw ang patakaran nila kasi sa kwento ng ate ko 3 na po babies nya. Yung una nyang baby sa public hospital tapos Di ka talaga priority hanggat dipa nakikita yung ulo ng bata kaya nung 2nd at pang 3rd na nya sa private na sya nagpapaanak. Kaya suggest saken ng ate ko since Buntis Ako sa private daw ako dapat manganak kasi magagaling daw talaga mga doctor dun talagang alagang alaga ka raw. May kamahalan nga pero assured nila na dika pahihirapan at alagang alaga ka talaga

I also had the same experience, sa lying in ako naglabor para sa second child ko. Halos buong araw (birthday ko) naglabor ako kaso hanggang 7 cm lang talaga. Emergency CS din ako, cord coil pala si baby kaya di tumataas sa 7 cm. Anyway, congrats momsh! Panget man ang naging experience mo sa lying in na yun, at least safe na kayong dalawa ni baby ngayon.

Feeling ko ang daming CS ngayon. Ganyan din ako. Ang ganda ng position ni baby but cord coil ang ending. Kaya need ng CS. 12 hours din labor ko non. It was dissappointing syempre gusto ko ng natural birth pero for baby's safety I am still grateful. At least we can proudly say that we know what labor pain is. ❀ ang gandang baby. Congratulations

VIP Member

I think there are same mapa hospital or lying in wag tau masyado sumama ang loob sa mga ngaasist po sa atin kc i think alam nmn nila ung gngawa nmn nila sa procedure ng panganganak kc qng lalabas c baby lalabas po yan depende nlng if may problema sa inyo ni baby keep calm n po ang mahalaga safe kau ni baby and Congrats πŸ’œ

I feel you mga mumsh, double kill tlg nag labor p aq ng halos 10hrs tapos req for cs ang result kc ayaw lumbas ni bb, stuck sa 7cm sobrang sakit na dko maexplain un pla nka transverse lie. Tnx god at nairaos ko din c baby ko un lng sobrang laki ng bill pero woth it nman kc nkit ko baby ko at safe kami dalawa..

ako din momsh nag labor for 12hours i lalabas nalang si baby eh di ko pa nalabas dahil sa pagod na pagod na ko.. at bumaba na heartbeat nya kaya ending from delivery room lipat sa operating room for cs... pero worth it naman at least both of us are safe.. 😊😊😊

Same hereπŸ˜… double kill 29hrs of labor stock @ 5cm,,,,but Awa ng Diyos πŸ™ safe kmi ni baby..un lng dn nmn ang importnte...😊😊 DOB: 5/5/2020 EDD: 5/9/2020 VIA: CS

Same tayo pero sa hospital ako. Di tumataas cm ko. Stuck sa 4cm. Halos 1 araw ako naglabor tapos CS din pala bagsak ko. Pinatagal pa. Hehe double kill talaga sa sakit mommy

Mamsh ganito ganap sakin, gusto ko mag normal delivery so 2.5 days ako nagle-labor stuck sa 2cm! HAHAHA ang ending, CS! Double kill talaga! πŸ˜‚πŸ˜‚

VIP Member

magnda po lying inn duto samin, pagalitan kapa doctor pag palagi ka nakitang unuupo at humihiga, kailangab lakad squats tas aalagaan ka talaga

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles