iba iba.
Iba iba po pala talaga ang nararamdaman ng mga nagbubuntis , yung iba wala naman nararamdaman. Yung iba naman halos lahat mula ulo hanggang paa may nararamdaman. Alin po kayo dyan sa dalawa? Akopo bago ko malaman na buntis ako naospital pako. Nag ka Nerbyos acid at panic attack pako.
hindi ko po naramdaman o naranasan yung nausea, vomiting saka yung mapili sa foods. Kaya swerte parin 😊
Sa 1st baby ko sobrang selan ko din mamsh ilang beses akong na er. Ngayon sa 2nd baby thank God di maselan hehe
Sakin 2months na nagparamdam si baby. Sukangsuka ako pagmahangin o amoy ng ihi ng tao na nakapanghi.
Walang naramdaman. Umabot ng 17 weeks akong buntis bago ko nalaman. No symptoms at all haha
True sis ako totally wala . Dumating sa point na tinanong ko na sa OB ko kung normal ba un
Ako ung tipong pumuti ako during pregnancy kc di ako mkalabas ng rum sa sobrang hilo.
Ako dun sa mula ulo hanggang paa me nararamdaman hahaha jusko 37 weeks preggy here
Ako wala naman basta nag crave ako ng nag crave at gusto ko ng madaming tubig.
Ako wala naman nararamdaman ,di rin ako nagsusuka, minsan lang nagccramps ako
minsan meron minsan wala basta medyo mahirap pero tiis tiis for my baby
Queen bee of 1 fun loving junior