5 weeks and 5 days sac but no embryo and heartbeat. Need advice! Thank you.

Hi! I just want to share what news I've received after magpa-checkup and ultrasound kahapon. Ang sabi raw po sa'kin may bahay bata pero still no embryo and heartbeat. Pinapabalik ako after 3 weeks para magpa-ultrasound ulit. Ano po kaya ibig sabihin nun? May baby po ba talaga or wala? May naka-experience na ba ng ganito? Medyo magulo nga po kasi sabi ng OB, if based daw sa last period ko 6 weeks na ako since January 27 last mens ko pero based daw po sa sac diameter, 5 weeks and 5 days pa lang ako then chineck ko dito mga info, dapat meron na embryo and heartbeat sa ganung week. Nakaka-paranoid, at the same time nakakalungkot. First baby pa naman sana namin ng husband ko. Ang dami binigay sa'kin na gamot lalo na pangpa-kapit.

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Me, same po tayo ng LMP. Kakagaling ko lang din sa OB ko ngayong araw, same din tayo GS at YS palang meron. Wala pang embryo. 2 baby ko na. Medyo worry lang, pero me, masyado pang maaga balik tayo after 3 weeks. Ano naratamdaman mo Me? Bat ang dami mong gamot pangpakapit? God bless sa atin Me!

6 weeks and 6 days palang skn pero nakita lalagyan ng baby at yolk sac. pero no heartbeat pa .. 4 weeks ulit bago ulit ako magpnta sa ob.. pray lang tayu ,same tayu first time mom .. makikita dn c baby .. my reseta namn skn na folic acid at vitamins ..

3mo ago

hi po, kamusta po baby nyu?

Hello! Same po tayo. NgpaUTz ako 5W6D daw sabi ng sonologist. May gestational sac, yolk sac but no embryo and no heartbeat. Mgrepeat UTz daw ako sa 2nd week of April sabi ni OB.. niresetahan nya ako ng pampakapit and vitamins.. God bless po satin mga mommies! 🥺

4mo ago

Hello po. Just an update and a reply to this anonymous comment of mine. :)) Just had my TransV UTz and OB check-up today. 7W4D as per UTz today, may nakitang na pong embryo and fetal heartbeat. Sabi ni OB continue ko lang ag vits and meds na nireseta nya po.. Laban po tayo mga miii…🥹🥹🥹

Hi mommy, possible po late development lang. May cases po talagang ganun. Wag ka po pakastress. After 3 weeks balik po kayo, for sure may embryo na yon and heartbeat :) dapat consistent lang po sa prenatal vit and folic na reseta ni OB

Baka late lang po na develop Mommy. Ako 5 weeks na po bukas pero sa 24 pa ako ini sched ng OB ko for TVS kasi too early pa daw po sa ganyan na age. Ideally po talaga 7 weeks pataas para less stress. Take more time to rest po.

ako po 7weeks na.. balik ako pagka 8weeks para makita kung may baby na.. kasi 5weeks ko ganyan din sac palang wala pang yolk and baby.. worried din kasi wala ako masyadong sign ng pagbubuntis pero nag iingat paden

update po s inyo mii? same po kz nung 1st tvs q 6 weeks 2 days yolk sac plang no embryo balik dw aq after 3weeks, ang tagal q p mag aantay after mahal n arw p nakakakaba. hope pagbalik q my embryo at heartbeat na.🙏

4mo ago

Hi po, kabalik lang po namin nitong April. Meron na pong embryo at narinig na rin namin ang heartbeat pero pinapainom pa rin po ako ng pangpakapit kasi masyado raw po maliit si baby para sa 10 weeks. Pray lang po, and inumin po lahat ng nireseta para makatulong po kay baby.

may mga ganitong cases pala, ano po nararamdam niyo? like do you still experience mga pregnancy symptoms ako kasi walang morning sickness

4mo ago

Yes po, meron. Nagsusuka po ako 2-3 times araw-araw nga po kaya parang sayang lang kinakain ko.

same din sakin gestational sac palang nakita tomorrow 2weeks na balik ulit kay ob para ma check hopefully ok ang lahat tomorrow.

balik po kau pag 8weeks na para sure. .masyado pa po kasi maaga ung 5weeks