Hoping for a 2nd chance

I just want to share my problem gusto ko lang magkaron ng kadamay o ng payo sa pinag dadaanan ko ngayon. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung itutuloy ko pa ba ang pakikisama sa asawa ko alam kong meron siyang kabit at kasalanan ko kung bakit siya nag kaganun dahil din sa nagkaroon din ako ng affair sa iba noon at nalaman niya hindi ko siya masisisi kung bakit siya ganun ngayon dahil alam kong ako din ang dahilan, kagabi nag usap kami at sinabi niya na madami binago sa kanya yung babae na yun at nag pupursige siya dahil May gusto siyang marating yung babae niya ang nag push sa kanya nun sobrang sakit marinig yun galing sa kanya at iyak lang ang naisagot ko, sinabi din niya sken na bawiin ko siya dahil sobrang napamahal na siya dun sa babae, ano po ba pwede kong gawin para bumalik ulit yung pagmamahal na yun? im in 9months preggy at naghihintay nalang kung kelan lalabas si lo. Sana may makapansin ng post ko na ito.

27 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Share ko lang na nung bagong magjowa pa lang kami ni hubby, niloko ko din sya at sa ex ko pa. But then, narealize ko na sobrang mali kaya tuluyan kong pinutol yung connection ko sa ex ko tapos umamin ako kay hubby at nangako na hindi ko na uulitin. Sobrang nasaktan sya, pero never nya akong ginantihan at binigay nya pa rin ng buo yung trust nya. Ngayon eh 11 yrs. na kami at ni minsan hindi namin napag-awayan ang 3rd party though minsan nababanggit pa rin nya (nang pabiro) na dati niloko ko daw sya. Tinatawanan na lang namin. And masasabi ko na communication, commitment at control talaga ang key.

Magbasa pa