Hoping for a 2nd chance

I just want to share my problem gusto ko lang magkaron ng kadamay o ng payo sa pinag dadaanan ko ngayon. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung itutuloy ko pa ba ang pakikisama sa asawa ko alam kong meron siyang kabit at kasalanan ko kung bakit siya nag kaganun dahil din sa nagkaroon din ako ng affair sa iba noon at nalaman niya hindi ko siya masisisi kung bakit siya ganun ngayon dahil alam kong ako din ang dahilan, kagabi nag usap kami at sinabi niya na madami binago sa kanya yung babae na yun at nag pupursige siya dahil May gusto siyang marating yung babae niya ang nag push sa kanya nun sobrang sakit marinig yun galing sa kanya at iyak lang ang naisagot ko, sinabi din niya sken na bawiin ko siya dahil sobrang napamahal na siya dun sa babae, ano po ba pwede kong gawin para bumalik ulit yung pagmamahal na yun? im in 9months preggy at naghihintay nalang kung kelan lalabas si lo. Sana may makapansin ng post ko na ito.

27 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hm kung kasal kayo mageffort ka na magkaayos kayo. Pero kung hindi, sabihin mo sorry at mahal mo padin siya. Pero parang mas kailangan mo na pagtuunan nalang ng pansin ang baby mo. Para kasi sa akin, kung mahal ka niya talaga di na siya mambabae at di siya gaganti sa ginawa mo. Oo, lalaki yun e, natamaan mo yung ego niya, pero kung ikaw talaga gusto niya, madali niya lang ilet go si kabit. Pwede kasing papaasahin ka lang din niya. Itetest niya lang kung sino talaga mas mahal niya sainyong dalawa ng kabit niya. Ang hirap naman nun, hoping ka lang tapos siya di naman mageffort. Siguro kung ako nasa lugar mo, magiging mabait ako kay jowa pero di nako mageeffort. Baka sabihin ko nalang sakanya na ilet go ko na siya dahil mas napabuti pala siya sa kabit niya, at least settled and happy siya. Basta anytime welcome siya makita anak ko at sana sustentuhan niya. Siya nalang pumili kung gusto niya ba maging part ng family ninyo ni baby. Ipapakita ko nalang sakanya na mahal na mahal ko yung anak namin. Baka sa way na yun marealize niya na ikaw ang di niya kaya ilet go.

Magbasa pa