27 Replies
His actions reflect that he had not TOTALLY FORGIVEN YOU and he is using the girl to have his revenge on you. He loves you, its clear and he is only using the girl to hurt you and to win him back. Its clear kasi from his actuations na he is totally hurt when you cheated on him and that he developed low self esteem kaya parang he wants you to win him back para somehow ma feel niya ma hes important and that you regretted cheating him in the first place. Mommy it may be sad but that is the consequences of our actions. Sin has its consequences and who we are to judge you? We also have our own imperfections. Siguro you must focus on the root cause of the problem. Unless he will forgive you TOTALLY, your relationship will never ok. Magiging unfair din sa iyo na gawin niyang "excuse" ang kasalanan mo dati dornhim to continue cheating on you. The challenge is in him actually. Is he willing to forgive you and let go of the past totally? To cheat will not cure the problem. He muat be intentional to save your relationship. If you notice na hindi talaga siya maka move on from that past sin of yours, its better for you to go..Painful it maybe mommy pero that is the reality kasi. It takes two to tango. It takes both efforts yo make the relationship work. Ma susufocate and ma burn out ka in the end if ikaw lng ang lumalaban. If he really loves you, he will never let you go. If you two àre determined enough to save the relationship, you can join marraige retreats organized by some religious organizations. This will greatly help you both towards your inner healing. God bless po
Hm kung kasal kayo mageffort ka na magkaayos kayo. Pero kung hindi, sabihin mo sorry at mahal mo padin siya. Pero parang mas kailangan mo na pagtuunan nalang ng pansin ang baby mo. Para kasi sa akin, kung mahal ka niya talaga di na siya mambabae at di siya gaganti sa ginawa mo. Oo, lalaki yun e, natamaan mo yung ego niya, pero kung ikaw talaga gusto niya, madali niya lang ilet go si kabit. Pwede kasing papaasahin ka lang din niya. Itetest niya lang kung sino talaga mas mahal niya sainyong dalawa ng kabit niya. Ang hirap naman nun, hoping ka lang tapos siya di naman mageffort. Siguro kung ako nasa lugar mo, magiging mabait ako kay jowa pero di nako mageeffort. Baka sabihin ko nalang sakanya na ilet go ko na siya dahil mas napabuti pala siya sa kabit niya, at least settled and happy siya. Basta anytime welcome siya makita anak ko at sana sustentuhan niya. Siya nalang pumili kung gusto niya ba maging part ng family ninyo ni baby. Ipapakita ko nalang sakanya na mahal na mahal ko yung anak namin. Baka sa way na yun marealize niya na ikaw ang di niya kaya ilet go.
Pareho kayong nagkamali it doesn't matter kung sino ang nauna ang mahalaga kung sino yung marunong magpatawad despite sa mga mistakes nyo. tandaan mo sis walang perfect na relasyon lahat ng mag asawa may pinag dadaanang problema Ang kailangan lang magpakatatag kayo kung nanghihina na yung isa kailangan i-lift up sya ng partner nya hindi yung pareho kayong mahina. Ikaw ang asawa kung kaya pang isalba ng relasyon nyo Gawin mo, sabi nya nga sayo diba? bawiin mo sya dun sa kabit nya, that means mahalaga ka sa asawa mo nilalabanan nya yung tukso gusto nya rin ng buo ang pamilya nyo kaya nga lang nagkamali sya kasi nagkaruon sya ng kabit dahil nanghina sya nung time na ikaw ang nagkamali kaya ngayon bumawi ka. wag mong hahayaan matalo ka nung kabit nya Ikaw ang asawa sis! mag kakaanak na kayo gusto mo ba ng broken family para sa anak mo? lavarn lang!! gumawa ka ng effort to win him back hindi lahat ng problema mag asawa hiwalayan ang sulosyon 😊 be strong sis
Hi Sis! Usap ulit kayo ni Husband. Good thing kasi willing sya makipag-usao. Ask him if he really wants na maayos pa yung family nyo. And if you really both want it. Fight for it. HARDER this time. Hanap kayo ng mga tao na tutulong sa inyo umayos ng relationship nyo. Sa Church, madami. Para gumaling din kayo sa mga past hurts nyo. Maforgive nyo ang sarili nyo at ang isat isa. Di sya magiging madali pero pag napagtagumpayan nyo yan. Lalong titibay ang relationship nyo. Pakita at paramdam mo lang din sa asawa mo na this time you respect and love him enough. Makikita nya kasi yun, sooner marerealize nya na mahal ka pa din nya. Lalo na magkakababy na kayo. Pray everyday na ichange ni Lord yung heart nya. Wala naman impossible sa Lord if you have faith. Praying for you! 🙏
Ikaw lng po ang nkakaalam at nkakakilala s apartner mo moomy kung deserve syang bigyan nh second chance...lahat nmn tayo ngkakamali...pro ngaun mommy magkaka baby kayo...wag mong gawin n mkipaghiwlay...oo inamin mo ung ngawa mo pagkakamali..pro hnd un dahilan para gawin nia din...wag kang mkipag hiwlay antayin mong xa ung kumalas kung tlang mas matimbang na ung kabit nia kesa sa inyo ng baby mo....kc alam mong nagkamali ka...at sinisisi mo ang sarili mo...kya wag mong hayanan n sisihin mo nnmn ang sariki mo kc ikaw ang nkipag hiwalay...hayaan mo lng xa..ang lalake kc kung hnd n tlga nia mahal ang isang babae aalis at aalis n yan...at smahan mo ng dasal mommy kc si papa jesus lng ang my alam ng ikakabuti ntin lhat..ikakabuti nio ng baby mo...
Dito kasi sa pilipinas sobrang big deal pag babae ang nagkasala, ego/pride ang nasagasaan mo. Pero kasi kung ang nangingibabaw ay pagmamahal sayo ng asawa mo, he will not give you a choice lalo na at alam nyang magkaka baby na kayo. He will choose you and your baby without any question kahit nagkasala ka man noon. Try to talk to him again pero kung ang isasagot nya sayo ay idefinite at vague. Masakit man pero you need to let him go, hindi para sa kanya kundi para sa sarili mo at baby mo. You will love your child more than anything else in this world. This is just an opinion and advise, nasa sayo parin ang desisyon. But think carefully and wisely. May God bless you and your baby.
Hindi mo naman kailangan ibaba ang value mo na mag mamakaawa kang mahalin ka niya. Choice nya na mangangaliwa sha nagkasala ka man noon o hindi. Masarap magmahal peru mahirap magbulagbulagan sa sitwasyon na nasa harapan mo. Kung mahal ka, mahal ka. Hindi mo mafefeel na nabulag ka s apagmamahal sa kanya peru as a reader advice lang, learn to love yourself first kasi anong love ang ibibugay mo kung hindi mo nga maibigay sa sarili mo yong love. Basta magsusustento sha sa bata okay na yon. Magbabago din naman pananaw mo sa buhay pag lumabas na baby mo. Marerealize mo na mas mahal mo pa baby mo compared to anything in the world.
To prove or show him how much you love him, kasi kahit napamahal nasiya kung gusto at sinabi niya sayong bawiin mo siya dapat sita din mismo kaya niyang umalis sa sitwasyon nayon, unless ayaw niyang bitawan siya at gusto kalang niyang saktan or pwede din na gusto jalang niyang turuan pano lumaban sa pagmamahalan niyo pareho niyong labasan yung sitwasyon nayan parehong iparamdam sa isat isa na mahal niyo pa ang isat isa at siympre kunh kasal at my coming baby na kayo susubukan niyo talaga na isalba ang mabubuo niyo palang na pamilya, at iparamdam mo lalo saknya na you want him back you want to win his love back.
Share ko lang na nung bagong magjowa pa lang kami ni hubby, niloko ko din sya at sa ex ko pa. But then, narealize ko na sobrang mali kaya tuluyan kong pinutol yung connection ko sa ex ko tapos umamin ako kay hubby at nangako na hindi ko na uulitin. Sobrang nasaktan sya, pero never nya akong ginantihan at binigay nya pa rin ng buo yung trust nya. Ngayon eh 11 yrs. na kami at ni minsan hindi namin napag-awayan ang 3rd party though minsan nababanggit pa rin nya (nang pabiro) na dati niloko ko daw sya. Tinatawanan na lang namin. And masasabi ko na communication, commitment at control talaga ang key.
Isa lang sagot dyan mommy. What do you want to do. Then do it. As simple as that. Kasi sabi nga pag gusto may paraan. Pag ayaw madaming dahilan. Ngayon kung gusto mong magstay asawa mo at kaya mo pa syang pagkatiwalaan at willing naman kayo pareho na ayusin ask him for help. Hindi lang kamo ikaw. Kailangan mo ng tulong nya. Kailangan willing din syang bumalik at magbago. Kasi kahit anong gawin mo. Kahit anong pursige mo kung di kayo pareho willing magadjust at magbago nonsense. It takes two to tango darling.