Depressed.
Hi, i just want to share lang po. Kakapanganak ko lang po nung january 5, 2021 via cs ftm din po. Napapansin ko sa husband ko na parang lumayo yung loob niya saakin, naiinis siya kada may inuutos ako sakanya na di ko kayang gawin dahil operada nga ako. Madalas sinasabi na din niya sakin na ang dugyot ko daw, ang pangit ko di na daw ako tulad ng dati madalas na din niya ako napapabayaan tipong hinahayaan niya na akong magutom, lagi na siya naiirita sakin tipong konting sigaw lang naiiyak na ako. Nababasa ko lang yung ganto sa ibang mommies na nagsishare, pero nung ako na yung nakakaranas sobrang sakit pala talaga na sa halip yung asawa mo katuwang mo siya pa nandidiri sayo. Di ko alam bat di napapansin ng asawa ko na nasasaktan ako, samantalang alam niya na hanggang ngayon under treatment padin ako ng Major Depressive Disorder at dapat maging sensitive siya at natigil lang dahil nabuntis ako. Di ko na po alam gagawin ko. As in, di ko na kaya.