monster-in-law

I just wanna let this out. I'm 6mos pregnant now. I don't know if dahil lang to sa pagbubuntis ko, galit na galit ako ngayon sa nanay ng BF ko na minsan naiisip kong ayoko na pakasalan ang BF ko. Kasi I want his Mom out of my life. (Magpapakasal na kami sa march). Mukhang pera kasi. Hindi maalam mangamusta, kahit man lang pinagbubuntis ko na lang na apo nya. Kahit nakikita nya ang fb posts ng BF ko about our pregnancy, wala syang paki. Nung chinat ng BF ko ung nanay nya na buntis nga ako, the reply is 'OK' lang. Nakakaalala lang sa BF ko pag hihingi ng pera pambayad bills, utang at lending. Pati sakin, nagchachat ng pangungutang pag ang bf ko eh hndi nagrereply. Magchachat ng about lang sa pera na para bang wala pang pamilyang bubuhayin ang BF ko. Okay lang sana na akuin namin ang kuryente, tubig, cable at internet nila dun, pero pati ba naman sandamakmak na utang at lending sa BF ko pa din ipapaobliga. Hays. Alam kong wala syang pakielam sakin which is okay lang (hindi ko naman sya nanay) pero hindi ko inexpect na pati sa magiging apo nya samin kasi HINDI PA DAW KAMI KASAL. Simula't sapul, hindi sya supportive sa relationship namin ng anak nya, kasi mawawalan sya ng pambayad utang. Nakikilala ko BF ko, walang ipon kahit piso kababayad ng mga utang nila sa lending. Narealize ko, mahirap mag-mahal ng lalaking ayaw ilet go ng magulang, nakakasakit ng ulo. Nakakasama ng loob na hndi inaacknowledge, siguro ay dahil hindin nga pa kami kasal. Buti na lang, mabait naman ang LIP ko, ay priority nya ako at ang anak ko. Sa ngayon nakatira kami sa parents ko, kasama na namin ang bf ko. Dito kasi samin asikasong asikaso ako ng nanay ko. (bunso kasi ako). Ung nanay nya mag isa na ngayon sa bahay nila, kasi umalis din ang kuya ng bf ko dun at wala deads na ung father nya. Senior na nanay nya pero malakas pa. Lahat kamag-anak nila kinukwestyon kami kung bakit hindi pa kami dun tumira eh anlaki laki ng bahay nila. Anong gagawin ko, e wala talaga akong paki sa nanay nya, mamamatay muna ako bago kami magsama sa iisang bubong. Ps: Swerte ng mababait ang IN-LAWS No bashing pls

1 Replies

VIP Member

Kailangan ng maraming patience. Hehe! Ako din siguro maiinis kung ganya magulang ng partner ko at hindi ko din gugustuhin na doon tumira. Buti na lang mabait relatives ni husband ko. Wag masyado paka stress. Kawawa si baby. Smile na lang po

Ang swerte mo sis. The best thing I can do for my baby umiwas na nga lang sa nanay nya!

Trending na Tanong