CHANGE OB OR NAH?

I just wanna hear your opinion po mga momsh. (medyo mahaba po hehe) So here's my concern, currently 26weeks & 3 days na po akong preggy nagpapacheck up po ako sa Private ob/clinic which is affiliated sa private hospital near lang samin.. Taga Makati po ako. Quotation niya po sakin 45k mahigit normal then 70k cs. Okay naman po sana at first napag usapan namin ni hubby na keri naman kung ganon, Kaya dun ko din tinuloy talaga check up ko sa ob na yun saka panatag po talaga loob ko sakanya kasi maraming feedbacks akong narinig na magaling po talaga syang ob and nakikita ko naman po base sa pag uusap namin every check ups.. Ang kaso po, late na kasi kami nakapag ipon ni hubby kasi yung dapat iniipon namin dati napupunta sa mga check up lalo nung na er ako kasi maselan po ako magbuntis madalas manakit tyan ko konting kibot lang sakit agad, kaya nung first trimester till 17weeks halos lahat napunta sa hospital. Then lately lang nagstart kami uli mag ipon, tas nag start na rin kami bumili pakonti konti ng gamit ni baby kaya talagang pakiramdam ko hindi namin agad agad marereach yung goal na ganong pera until manganak ako. Ayoko naman isure na normal talaga yung gastos, yung tipong 45k lang talaga yung iipunin tho di ko gugustuhin ma cs pero syempre maganda na yung sobra yung pera kesa sa kulang. And may Philhealth naman po ako btw,. Pero less na daw yun. So ito na nga nag try ako sa Fabella magpacheck up netong Feb 27 lang, pero ang inavail ko dun Payward/private ob din since ayoko po ng hassle masyado sa mga pila pila saka pag nanganak ako gusto ko sana yung may kasama para di ako mahirapan kaya yun yung inavail ko. Tapos quotation po sakin ni ob ko dun 15-20k normal, 30k cs. So pabor po samin kasi syempre halos kalahati din ng price ng singil dito sa malapit samin. Yung problema naman po ngayon, iniisip namin na baka pag nanganak ako di na umabot sa Fabella knowing na sa Manila pa yun, and traffic talaga dun. Tapos ako taga Makati pa,. Sabi din po kasi ng magulang ko mas better if papacheck up pa rin ako dito sa ob ko sa malapit para incase na di na umabot sa fabella may malapit lang na matatakbuhan. Iniisip ko kasi baka pag binitawan ko si ob na malapit di na ko tanggapin if sakanya din bagsak ko pag nanganak na ako bale yung gastos po iset aside nalang daw po muna, saka na daw isipin pag andun na. Eh ayoko naman po ng ganon, baka di pa ako makalabas ng hospital pag di nadiskartehan agad.. saka pag dalawa naman ob ko, baka magsabay yung request nila like sa laboratories edi doble doble checkup saka gastos sa mga labs. Haysss nalilito po ako mga momsh, ano sa tingin niyo?? Iopen ko po ba sa ob ko na malapit na baka diko maafford yung hinihingi nya para incase alam na nya kung bakit ako lumipat or direcho alis na? Go na lang ng tuluyan sa fabella?? Thank you po sa mga sasagot.

2 Replies

Hello mommy, opinion ko lang medyo mahal yung fee ng una nyong ob. Sa akin kasi ang hiningi niya 15-20k (normal) 30-40k (cs) private ob din sya na affiliated sa private hospital pero iba-iba talaga ang hinihingi nilang doctor's fee. Sa case ko since 1st pregnancy ko at para safe din kami ni baby dun talaga kami sa private hosp pero inform ko ahead of time yung ob ko sa sitwasyon at sa pera. Tumawad talaga ako sa kanya haha at pinagbigyan naman niya kami (nanganak na po ako August,2019) naiintindihan naman yan ng doktor kasi ina rin sila at dumaan na din sa ganyang sitwasyon kaya always mong iinform yung ob mo sa mga scenario at sitwasyon mo malay mo may ia.advice yung ob.Malaking tulong din kapag may sarili kang philhealth kasi nababawasan kaht paano ang gastos mo sa hospital or bill mo.

Kaya nga po eh, medyo mahal po. Try ko nalang din po ilapit concern ko sa ob ko baka maintindihan naman nya. Saka diba po pag medyo malapit na sa kabuwanan start na yung every week na yung check up? Baka kasi pag sa malayo mura nga pero dko na kayanin pabalik balik. Kaya nakakalito din po talaga ☹️

Kung sa tingin mo mamsh eh ung ob mo na malapit is very understanding why not na sabihin mo sa knya, para hnd sya mgtaka Kung bakit bigla ka na Lang na hindi ngpakita sa knya..unfair din kasi Kay ob na bgla mo na Lang syang iiwanan ng hindi mo nasasabi sa knya ung reason..okay din ung sa mura pero Ang problema is ung trapik nga,..try mo muna sabihin Kay ob mo then pag sinabi nya na okay lang na lumipat ka then go ka na sa mura..pero dpat planuhin nyo ng mabuti ni hubby ang ggwin nyo mamsh..

Thank you po.. opo sasabihin ko nalang sakanya concern ko, Sana lang di magtampo pag nalaman nyang lilipat bigla. 😣

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles