Woman is Stronger

I can't believe it! It's time for me to discuss what happened to me few days ago. Due Date : Jan 3-6, 2019 Delivery Date : Dec 17, 2019 Okay let me share you my story. That was a normal day Dec. 16, 2019. Nung morning around 7:30am nagdecide kami ng partner ko take a walk and went to City's stadium then nagtaas baba walking ako dun around 30minutes. Dahil malapit lang naman nilakad nalang din namin pauwi. After nun, nag ayus nako for work. Yes! nagtatrabaho pa po ako bilang account officer ng isang kilalang kompanya dito sa probinsya namin. Then, mga bandang hapon nagchat ako sa partner ko na parang pagod na pagod ako nung araw na iyun. Bandang 6pm uwian na namin pero nagpaalam ako sa partner ko na dadaan lang ako ng isang store dahil bibili ako ng regalo para sa mama ko for christmas. Habang pumipili ako, it just happened na may lumabas na water sa akin pero hanggang underwear lang, tumigil ako sa paglalakad nun kasi baka may lumabas ulit. Nagdahan dahan lang ako, hanggang nakauwi kami ng partner ko. Pagdating ng bahay, humiga muna ako para makapagpahinga konti. Then may naramdaman ulit akong water na lumabas, dun na ako medyo naghinala kasi hindi siya ihi pero madami. I tried to contact my partner's sister and my sister pinapapunta nako ng Ospital. And guess what tumawa pako kasi bakit e wala pa naman akong pain na nararamdaman hanggang sa 30minutes palang, 5 beses ng lumabas yung water. Pagdating ko ng ospital, ini E ako ng residence Ob and 3cm na ako around 8:30pm. Nagulat ako and sinabi sa sarili na "eto na talaga" inadmit na ako nun then at 9-10pm nararamdaman ko na yung sakit sa my bandang puson na humihilab una, tolerable pa siya hanggang sa every 1-2minutes nalang interval nung sakit and last for 30seconds ay pinatawag ko na sa partner ko yung resident Ob and ini E ulit ako ng 11pm and fully dilated nako. I really can't believe it and delivery room nako nun. Akala ko nung una yes, eto na my doctor na at nurses na pero I need to PUSH HARDER para bumaba ng bumaba si baby I pushed for about 2hours and super power na ng lakas ko yung binigay ko and at 2am ng Dec 17, 2019 finally lumabas na yung anghel namin. She was so lovely and we are very blessed to have her. Pero mommies I really need your prayer kasi my baby had pneumonia pinastay pa siya ng ospital for 1week. Please pray for my baby recovery. Thank you

1 Replies

Congratulations mommy!! God bless you & your baby. May God grant her good health 🥰❤️

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles