It's Time To Share My Labour Story ❤️

I am a Silent Reader here! Finally nakaraos narin sa wakas. Salamat sa lahat ng nag shares ng story nila about sa panganganak dito sa apps na to. Ako lang ba dito yung everyday binubukasan ang apps na to? At lagi tumitingin sa newsfeed if may nanganak na or etc at shempre yung message ni baby every day! EDD:July 4 2020 DOB:June 29 2020 2.6kl Normal Delivery! 39 weeks & 2days June 28 8pm kumakain kami, Wala ako nararamdaman kahit ano. After nun nagpahinga muna ako sa sala shempre nagbabasa na naman ako sa newsfeed na to mas nageenjoy paku dito kesa Facebook hehe. Around 9pm inaantok naku tumaas naku sa kwarto then paghiga ko may napansin ako na may tubig dumaloy sa may pempem ko di paku nag lagay ng primrose nun. After nun Di ako mapakali Di talaga tumitigil yung daloy yun pala nag leak na yung panubigan ko pero no pain. Chat ko agad Ob ko sabi punta na daw ako hospital pero sabi ko Dra Ligo lang ako nung nasa cr naku tumatagas talaga sya shempre nanginginig katawan ko na kinakabahan naku pero no pain parin. Around 11pm nakarating naku hospital ayon 4-5cm naku agad. Moreover, 4:30am pumutok na panubigan ko at sobrang sakit na nya. Sabi ko natatae naku IE nila ako 7-8cm na pero malayo pa daw si baby pinunta na nila ako Delivery room nag lakad lang ako after 5 minutes Di ko na mapigilan yung parang natatae naku 2 lang irihan ko baby Out! Wala pa yung Dra ko buti sobrang bait ng dalawa nag aasist saken, kung gusto talaga ni baby lumabas na lalabas talaga sya at Wala ako tahi bilis lang nya lumabas. Sarap umiri promiseee! Tips : squat lakad lang kayo mga sis. Effective talaga saken yung chuckie nakaapat inom lang ako.

It's Time To Share My Labour Story ❤️
115 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

hello po. pano po nkatulong yung chuckie? pra po ba maging active ang baby while on labor? thanks ftm here

4y ago

Nakakatulong para mapaaga or bilis manganak. Nag asa basa lng ako pero naging working naman.

VIP Member

Mas mabilis po ang recovery niyo niyan,sis,kasi wala kayong tahi. Congratulations po💕 cute cute ni baby girl💕

4y ago

Salamat Sis❣️

hahah same tayo mas ngeenjoy pa ko dito kesa sa fb, kdalasan na kase sa fb posts puro toxic e. Congrats po 😊

4y ago

Hehehe trueee. Ako nga pag gising paku ng 12am agad agad ko binubuksan tong apps nato. Sobrang nakakawala ng lungkot lalo na pag nakabasa ako ng mga sharing.

Congrats mommy silent reader din po aqo dito.....God bless po...Sana ganyan din kabilis lumabas c baby

Sa true momshie masarap umiri lalo na kung piling mo may lalabas na hehe 😊by the way congrats momshie

4y ago

Salamat po

TapFluencer

Pano ung chuckie? Pano mo un iniinum sis.. Mga ilang month ka nag start mg squat2..😅

Para san po ang chuckie ma'am? BTW congrats po. ❤️I'm 39 weeks and 2 days pregnant !

Congrats momsh! Same here, everyday nagchecheck ng app. Thank you for sharing your story 🥰

4y ago

Thank you Momsh! God Bless po♥️😇

VIP Member

Galing mo umiri sis!!! Congrats at sana all walang tahi 🤣 yun lang talaga pinakamasakit eh

4y ago

Hehe, sarap kasi umiri momsh pag lalabas na talaga si baby! Hehehe salamat po❤️

Congrats po.. sana ganyan din ako kabilis pag nanganak hehehe.. 36weeks preggy here🤗

4y ago

Thank u sis.. ung chuckie sis.. kailan ka nag start uminom? Nung manganganak ka na lang ba..?