It's Time To Share My Labour Story ❤️

I am a Silent Reader here! Finally nakaraos narin sa wakas. Salamat sa lahat ng nag shares ng story nila about sa panganganak dito sa apps na to. Ako lang ba dito yung everyday binubukasan ang apps na to? At lagi tumitingin sa newsfeed if may nanganak na or etc at shempre yung message ni baby every day! EDD:July 4 2020 DOB:June 29 2020 2.6kl Normal Delivery! 39 weeks & 2days June 28 8pm kumakain kami, Wala ako nararamdaman kahit ano. After nun nagpahinga muna ako sa sala shempre nagbabasa na naman ako sa newsfeed na to mas nageenjoy paku dito kesa Facebook hehe. Around 9pm inaantok naku tumaas naku sa kwarto then paghiga ko may napansin ako na may tubig dumaloy sa may pempem ko di paku nag lagay ng primrose nun. After nun Di ako mapakali Di talaga tumitigil yung daloy yun pala nag leak na yung panubigan ko pero no pain. Chat ko agad Ob ko sabi punta na daw ako hospital pero sabi ko Dra Ligo lang ako nung nasa cr naku tumatagas talaga sya shempre nanginginig katawan ko na kinakabahan naku pero no pain parin. Around 11pm nakarating naku hospital ayon 4-5cm naku agad. Moreover, 4:30am pumutok na panubigan ko at sobrang sakit na nya. Sabi ko natatae naku IE nila ako 7-8cm na pero malayo pa daw si baby pinunta na nila ako Delivery room nag lakad lang ako after 5 minutes Di ko na mapigilan yung parang natatae naku 2 lang irihan ko baby Out! Wala pa yung Dra ko buti sobrang bait ng dalawa nag aasist saken, kung gusto talaga ni baby lumabas na lalabas talaga sya at Wala ako tahi bilis lang nya lumabas. Sarap umiri promiseee! Tips : squat lakad lang kayo mga sis. Effective talaga saken yung chuckie nakaapat inom lang ako.

It's Time To Share My Labour Story ❤️
115 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Congrats mumsh 🥰 Sana ol. hehe ilang beses ka po magsquat sa isang araw mumsh? 😇

4y ago

Lahh. Thank youuu mumsh. 🤗😍 Mas prefer mo po ba nuon morning squats?

Wow congrats po... Ano po posisyon ng placenta nyo? Anterior o posterior po?

4y ago

Anterior po. Salamat po💓

VIP Member

Congrats po !Tips naman po para mabilis mkapg deliver hehehe malapit nadn ako

4y ago

Kelan ka nagstart mag chuckie . Anong effect nun

congrats po.sana ako din manganak na..3kl ndw po ung bb q.38weeks here

Congrats mommy! True, nkkagoodvibes mgbasa sa apps na toh 😍

4y ago

Trueeee! Hehehe nakakawala din ng kaba lalo na sa mga nagshshare ng panganganak nila masasabi mong kaya koto! 😊

Sana lahat ganyan lang kabilis mg labor.. Congrats momsh😍😍😍

4y ago

Hehe salamat po♥️

Kelan po ba dapat inumin ang chuckie mamsh? Pag on labor na ba ?

4y ago

Hindi momsh! Pag gusto mo na maglabor hehe. Nabasa ko lang naman sya tinry ko lang naman.

Sana all no pain maglabor. Hahaha By the way. Congrats ! ❤️

4y ago

Thank you po

36 weeks preggy. Pam pa ano po ba yung chuckie mommy?

Bilis naman manganak. Sana po genan din ako🙂 congrats po

4y ago

Thanks momsh! More lakad squat lng po❤️